Mharimar's POV “Mr. Jill… nagseselos ka ba talaga?” tanong ko habang nakatingala sa kaniya. Hindi siya sumagot. Nanatili lamang itong nakatitig sa akin. Hanggang sa tumikhim ito at ibinaling ang paningin sa ibang direksyon. "Maglinis ka na, Mharimar. Baka magbago pa ang isip ko at hindi ko patatawarin ang dalawang janitor na kausap mo kanina." tinalikuran niya na ako. Naglakad siya palapit sa kaniyang table hanggang sa umupo ito sa kaniyang swevil chair. "T-tinatanong kita..." ako naman na makulit. Sinundan ko siya. Gusto ko lang malaman o marinig ulit mula sa kaniyang nagseselos siya. Tiningnan niya ako. Gumalaw ang kaniyang panga. "Bakit ako magseselos? Sa isang janitor?" inis niyang sagot. "S-sinabi mo kanina nagseselos ka." "Nabigla lang ako kanina. Kaya huwag kang mag-i

