Serene's POV Pagpasok ko sa office ko, agad kong napansin na ibang janitress ang naglilinis ng mesa ko. Kaagad kumunot ang noo ko. Wala akong ibang gustong maglilinis ng office ko kundi si Mharimar. Gusto ko lang makitang nahihirapan siya. Gusto kong ipakita sa kaniyang mas mataas na ako sa inaakala niya. "Bakit ikaw ang naglilinis dito?" kaagad na agaw ko sa kaniyang atensyon. Nagulat pa siya kaya biglang nabitawan ang hawak niya. "M-Ma’am Serene…k-kayo ho pala. M-magandang umaga po. Ako na po ang naka-assign dito ngayon sa office niyo.” nakayukong sabi nito. Mas lalong nangunot ang aking noo. Napataas rin ang aking mga kilay. "Ikaw? Paano naging ikaw? Where is Mharimar?” Napalunok siya, halatang kinakabahan. “Ma’am… h-hindi na po siya naka- assigned sa office n’yo. Simula po kaha

