Mharimar's POV "Next time hindi na kita pagsusuotin ng ganiyan." bigla na lamang sabi ni Mr. Jill sa gitna ng katahimikan namin sa loob ng kotse. Habang nagmamaneho ito ay bigla na lamang nitong inihinto ang sasakyan. Nanlaki pa ang aking mga mata sa gulat. Lalo na sa sinabi niya. Hindi siguro talaga bagay sa akin itong suot ko. "B-bakit naman?" napalingon ako sa kaniya. Sumeryoso ang kaniyang mukha. Napansin kong unti-unting lumalapit sa akin ang kaniyang mukha. Napaawang ang labi ko ng haplusin niya ang panga ko. "Maraming nabibighani sa 'yo." sagot niya na nagpabilis ng t***k ng puso ko. Akala ko sasabihin niyang hindi bagay sa akin ito. Kaya ayaw niya na akong magsuot pa ulit ng ganito. Pero hindi, iba ang natanggap kong sagot sa expectation ko. "S-sinasabi mo bang m-maga

