Mharimar's POV Ano ba ang isusuot ko? Hinalungkat ko na ang loob ng maleta ko pero wala talaga. Puro basic tops, mga simpleng dress lang ang meron ako. Wala ni isa na aabot sa standard ni Mr. Jill para sa “dinner” Napaupo ako sa sahig, napasabunot sa buhok ko habang napakagat-labi. Paano ba 'to? Wala akong masuot. Sasabihin ko na lang siguro sa kaniya na hindi na ako sasama. Mapapahiya lang ako kapag pinilit kong suotin ang mga simple kong damit na nasa maleta. Baka pagtawanan niya lang ako. Naisip ko tuloy ang mga damit na pinamili sa akin ni Lola. Yung mga sinadya niya pang piliin para daw sa mga espesyal na okasyon. Wala akong nadala kahit isa. Hindi ko inakala na kakailanganin ko sa ganitong sitwasyon. Sayang naman. Hindi ko naman akalaing yayayain ako ni Mr. Jill ng dinner.

