Third POV Nagising si Lola Maria matapos ang ilang araw na pagkawala nito ng malay. Pagmulat ng kaniyang mga mata, unang-una niyang napansin sa gilid ng kama ang panganay niyang anak na si Saed, nakayuko habang mahigpit na hawak ang kamay niya. "Saed..." sambit ng matanda. Napatingala si Saed. Gulat na gulat ng makitang gising na siya. "Ma..." sambit nito tsaka napatayo. "Mabuti naman gising ka na." Napangiti si Lola Maria. "Anong nangyari sa akin? Bakit nandito ako sa hospital?" sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng silid na kinaroroonan niya at alam niyang nandito siya sa hospital. Humugot naman ng malalim na hininga si Saed bago sumagot. “Ma, nalason ho kayo.. pero huwag ka nang mag-alala. Naipakulong na namin ‘yong babae na naglason sa 'yo.” Bahagyang tumaas ang kilay ni

