"Of course! I'm serious!" seryosong tugon ni Dr. Drayke sa kabilang linya.
"Wow! It's hard to believe, and I am really wondering about your decision. Anyway! Ano'ng pinaplano mo? I know you, you won't give without expecting something in return." wika ni Dra. Grace na tila hindi pa rin ito makapaniwala sa sinabi ni Dr. Drayke.
"Whatever my plans are, you don't have anything to do with it! First of all... Trabahante lang kita sa ospital na pag-aari ko! Just do your job! Now, I’m ordering you to tell my secretary at the hospital to prepare the contract with Attorney Bautista. Understood?!" mariin na sabi nito na halos mapatid ang ugat sa leeg.
Sa naging tono ng pananalta ni Dr. Drayke parang umurong ang dila ni Dra. Grace dahil hindi ito nakasagot sa kabilang linya.
"Dra. Grace! Are you hearing what I'm ordering?!" Muling pagsasalita ni Dr. Drayke sa kabilang linya.
"Um, y-yes Dr. Drayke!" tugon ng Doktora na halos garalgal ang boses nito.
Matapos tumugon sa kabilang linya ni Dra. Grace pabagsak na ibinaba niya ang telepono at pabuntong hininga na naglakad palabas sa kanyang silid.
"Magandang umaga, Dr. Drayke! Eh, hindi ho maganda ang umaga natin e, gawa nang may mga reporter ho sa labas ng mansyon. Nag-uusisa ho sila sa nangyaring pagtatangkang pagnanakaw sa puso ni Ma'am Arabella. At bukod pa ho doon eh, gusto ka nila makapanayam ukol sa pangyayaring iyon." Salubong ni Ernesto sa nakakunot noong doktor. Habang sa likuran nito may ilang bodyguard sa pangunguna ng personal drayber na si Arnulfo.
Sa narinig kay Ernesto pakiramdam niya kumulo ang dugo sa katawan at umakyat iyon sa kanyang ulo. Hindi dapat lumabas sa media ang nangyaring pagtatangkang pagnanakaw sa puso ng kanyang asawa dahil baka maungkat pa ang nakaraan.
"Damn it! Paano nakalabas sa media ang nangyareng pagnanakaw? Sino sa inyo ang nagsabi? Ha?!" Mataas na tono ng boses ng doktor kay Ernesto at sa mga bodyguard nito.
"W-Wala ho, akong alam diyan! Kahit ho mamatay din ako ngayon. Wala ho ako pinagsabihan sa nangyari dine sa mansyon.." ani ni Ernesto na makikita sa mukha nito na nagsasabi ito nang totoo.
"Wala kaming pinagsabihan na kahit na sino. Dahil, kabilin-bilinan sa akin ni Sir Ferdinand na hindi daw ito pwedeng lumabas sa media." wika ni Arnulfo na napakibit balikat ito, habang nakatingin sa doktor.
Nakikita naman niya na nagsasabi nang totoo ang drayber, security guard at ang mga bodyguard niya. Natitiyak niya na ang nagpaalam nang nanyari sa media ay siya rin nagtangkang magnakaw ng puso ng kanyang asawa. Kailangan na nilang kumilos ni Ferdinand para malaman kung sino ang nasa likod ng lahat nang nangyayaring iyon.
"Arnulfo! Pagkahatid n'yo sa akin sa ospital puntahan mo si Ferdinand at ipaalam mo na nakarating na ito sa media press. Sabihin mo sa kanya na kailangan nang mahanap ang nasa likod ng nangyaring ito. At ikaw naman Ernesto higpitan n'yo ang security dito sa mansyon! Ayaw ko nang mauulit ang nangyari kahapon.. Pangalagaan n'yo ang puso nang aking asawa hanggang sa mabuhay siyang muli sa katauhan ni Jenie Sweet Batara." Mariin na utos nang doktor, habang makikita sa mukha nito na madilim at salubong ang dalawang kilay.
Sa narinig nina Ernesto at Arnulfo at ng mga bodyguards napakunot noo ang mga ito at naguluhan sa tinuran ng doktor.
"Diyos ko, ano ho ang nangyari sa bagong Miss Universe? At bakit ho ilalagay sa kanya ang puso ni Ma'am Arabella?" Gulat na gulat na tanong ni Ernesto na makikita sa mukha nito na wala pa rin itong alam sa nangyari sa dalaga.
"Dr. Drayke, seryoso po ba kayo? Matagal n'yo pinangalagan ang puso ni Ma'am Arabella ta's ibibigay mo lang iyon sa bagong Miss Universe na hindi mo naman kilala nang personal?" wika ni Arnulfo na labis ang pagtataka sa tono ng pananalita nito.
Sa narinig sa kanyang mga tauhan mas nadoble ang init nang ulo dahil sa pag-uusisa ng mga ito. Pabuntong hininga na humarap sa mga ito habang nakasalunson sa dalawang bulsa nang pantalon ang dalawang kamay.
"Hindi ko hinihingi ang opinyon n'yo. Wala kayong pakialam sa kung ano'ng gawin ko sa puso ng aking asawa! Gawin n'yo ang ipinaguutos ko! Maliwanag ba?!" saad nang doktor na gumuhit sa leeg nito ang mga ugat.
"Oho, dok! Pasensya na ho!" wika ni Ernesto na bumalik na ito sa trabaho, habang nakatungo.
"Dr. Drayke, pasensya na po, kung mauusisa kami." Nakatungong tugon ni Arnulfo na nauna na itong naglakad palabas sa mansyon.
Isinuot ang itim na salamin at sumunod na siya kay Arnulfo habang na sa likuran niya ang ilang mga bodyguards. At sa paglabas niya nakaabang na roon ang ilang mga reporter at kanya-kanyang tutok sa kanya ng camera at microphone.
"Dr. Drayke, ano'ng masasabi n'yo sa pagtatangkang pagnanakaw sa puso ng yumao mong asawa?" Tanong nang babaeng reporter.
"May ideya ba kayo sa kung sino ang gumawa no'n?" Tanong nang lalaking reporter.
"Sa tingin mo ba ang gumawa no'n ay siyang totoong pumatay sa asawa mo? Pero, di 'ba ikaw ang siyang pumatay sa asawa mo?" Tanong ng isa pang babaeng reporter na bakas sa mukha nito ang pag-uusig sa doktor.
Sa sunod-sunod na tanong ng mga reporter at sa mga camera na nakatutok sa kanya nanariwa ang nangyari sa nakalipas.
*Flashback*
Paglabas niya sa ospital na pag-aari sinalubong siya ng mga reporter at ng mga taong galit na galit. Pinagbabato siya ng bato at ang iba do'n ay tubig na nakalagay sa plastik kaya't nabasa siya at nagkasugat rin ang bahagi ng kanyang mukha. Hindi niya sinalag ang mga iyon dahil may kasalanan naman talaga siya at kulang pa iyon bilang kabayaran. Siguro kung wala siyang mga bodyguards na umaalalay sa kanya malamang napatay na siya ng mga ito. Kaagad siyang inalalayan ng kanyang mga bodyguards papunta sa sasakyan. At nang makasakay sa loob kinakalampag ng mga ito ang sasakyan kung saan siya nakasakay at naririnig pa rin niya ang galit na boses ng mga ito.
"Kìllēr doctor!" sigaw ng mga taong galit na galit at gusto siyang saktan.
"Mõnster doctor! Mamamatay tao! Pinatay mo si Arabella Drayke!" sigaw ng ibang mga tao, habang patuloy pa rin ang pagkalampag ng mga ito sa saksakyan.
Makaraan ang ilang minuto nakalayo na sila sa mga reporter at mga taong gusto siyang saktan. At nang makarating sila sa mansyon sa laboratoryo agad siya dumiretso at doon na bumuhos ang kanyang emosyon.
"I'm so sorry... Hu, hu. My dear wife, I deserve this pain. Arabella, you know how deeply I love you! Please forgive me... I can't live without you. Come back into my life!"
Habang sinasambit ang mga katagang iyon sapu-sapo ang ulo at walang paglagyan ang kanyang mga luha at nakatingin sa puso ng asawa na nakapreserve.
*End Of Flashback*
Tinanggal niya ang suot na salamin at bahagyang ngumiti sa mga reporter bago nagsalita.
"No comment!" saad ni Dr. Drayke at hinawi ng mga kamay nito ang mga reporter na naroroon. At ang mga nagtangkang sumunod sa doktor ay pinigilan ng mga bodyguards nito. Kaya walang nagawa ang mga reporter kundi tanawin ang papalayong sasakyan kung saan lulan ang doktor.
( Sa Drayke Hospital )
Pagkatapos nang ginawang lab test sa kanya ng mga doktor at nurse ay nanatili sa tabi niya ang kanyang ama. Ngunit bukod sa Daddy niya hinahanap niya ang presensya ni Aiden dahil pag naroroon ang lahat ng mga mahal sa buhay lumalakas siya.
"D-Dad, where's Aiden? I really need him here with me."
Hindi na niya matiis kaya't hinanap na iyon sa ama. Kahit nakaratay at mababa ang oxygen level ay nagagawa pa rin niya magsalita at malinaw pa rin ang kanyang mga mata sa nangyayari sa paligid.
"I don't know! Pagdating namin dito sa ospital wala na siya. Ang sabi ni Dra. Grace, matapos daw niyang sabihin ang lagay mo umalis ito. Iha, alam mo hindi gano'n kadaling tanggapin ang kalagayan mo. Syempre.. Napakasakit no'n para sa kanya dahil mahal na mahal ka ni Aiden kaya hindi niya kayang makita na nahihirapan ka. Bigyan mo siya ng sapat na oras para tanggapin ang nangyayaring ito." tugon ni Don Charle na lamlam pa rin ng luha ang mga mata nito.
Napahikbi siya sa sinabi nang kanyang Daddy dahil kuha niya ang ibig nitong sabihin. Ang sakit isipin na ano mang oras pwede niyang maiwan ang kanyang mga mahal sa buhay at pangarap. Bakit ngayon pa na nasa kanya na ang korona? At kung kailan malapit na silang ikasal ng lalaking minamahal? Maraming pang tanong ang naglalaro sa isipan kaya't hindi na siya nakasagot sa ama. Mas pinili na lang niya na sarilihin ang lahat upang huwag nang dagdagan ang mga alalahanin ng pinakamamahal niyang ama.
"Excuse me! I have good news for you, Miss Batara. Dr. Drayke has offered to give you the heart of his late wife. Congratulations! You now have a heart donor." Nakangiting wika ng babaeng nurse.
"Really?! Oh, God! Thank you!" usal ni Don Charle at bahagya itong napatingala.
Kung ang Daddy niya ay hindi makapaniwala sa sinabi nang nurse, siya naman ay bumilis ang tìbōk ng kanyang puso ng maalala ang binanggit nitong pangalan ng doktor.
"Miss Batara, I’m not Aiden! I’m Dr. Drayke!"
"O-OH my God! Does this mean Aiden wasn't the one with me in the hotel room last night?" pabulong na usal nang dalaga habang nakatulala sa kawalan.
Lasing na lasing siya kagabi pero may parte na naalala siya gaya nang kanyang pãnty na itinapon sa mukha nito. Kung hindi si Aiden ang kasama niya kagabi nakakahiya ang ginawa niya. Hindi niya kilala ang doktor na sinasabi ng nurse kaya't wala siyang ideya sa itsura nito.
"Who is Dr. Drayke?" Paguusisa nang dalaga, habang nakaratay pa rin ito sa kama nang ICU ng ospital.
"Naku, hindi n'yo po kilala si Dr. Victor Drayke? Siya ang may-ari nitong ospital. Isa siyang 40 years old cardiologist, hot and handsome! Actually, pantasya siya ng mga babaeng nurse dito sa ospital. Pero, sadya talagang nakalaan lang ang puso niya sa pinatay niyang asawa ay iste sa namatay niyang asawa." Pagbibida na sabi nang nurse, habang kumikinang ang mga mata nito sa paghanga sa doktor.
"I don't know him! Are they saying he killed his wife?" tugon ng dalaga na tinanggal pa ang ang oxygen para makapagsalita nang maayos.
Sasagot na sana ang nurse sa dalaga nang lumitaw ang presensya ni Dr. Drayke. Kaya't napatungo ang nurse at napailing na lang si Don Charle at si Jenie naman natulala sa papalapit na doktor.
"Ngayon lang ako nakakita nang pasyente na kahit mamatay na mas inuuna pa ang tsismis kaysa magpalakas.. At ikaw naman Nurse Kathleen, nurse ang trabaho mo dito at hindi marites.. Hindi kita pina pasweldo para lang ikuwento sa pasyente ang buhay ko!" mariin na wika ng doktor na bakas sa mukha na hindi nito nagustuhan na pinag-uusapan siya.
Napatda siya hindi dahil nahuli sila nito na pinag-uusapan ang doktor kundi nang makita niya ito. Habang palapit iyon sa kanya amoy na amoy niya ang pabangong gamit nito na para bang gumaan ang nakadaghan sa loob ng kanyang puso. Matangkad, mga nasa 6'1" ang height, maputi, matipuno ang katawan. Kahit nakasuot iyon ng tradisyonal na puting coat litaw pa rin ang kakisigan nito. Ang makapal nitong kilay ay binabagayan ng kulay green nitong mga mata at ang mga labi nito na may natural na kulay. Mga labi na kayang sakmalin ang labi ng kahit na sinong babae dahil medyo makapal iyon na katulad sa mga Mexican Actor na napapanood sa mga telenobela. At ngayon lang siya nakakita ng doktor na mahaba ang buhok na abot balikat ang haba. Totoo nga ang sinasabi ng nurse na napakagwapo ng doktor na ito. Ngunit, makikita sa aura nito na misteryoso na kung titingnan mo ang mga mata nito para bang ang daming lihim na nakatago roon. - Jenie
"S-Sorry po, Dr. Drayke! Sinabi ko lang 'yon kay Miss Batara para magka ideya siya sa kung sino ka." nahihiyang sabi ni Nurse Kathleen, habang nakatungo at nakalagay sa likod ang dalawang kamay.
"Pasensya na, Dr. Drayke! Hindi ka kilala ng anak ko. Ako, kilala kita.. Anyway! Nasabi na ni Nurse Kathleen na ibibigay mo sa aking anak ang puso ng yumao mong asawa. Ngayon pa lang gusto ko nang magpasalamat." Taos pusong sabi ni Don Charle at inaabot nito ang kanang kamay sa doktor.
Tiningnan lang iyon ng doktor kaya't inilagay na lang ng don sa bulsa ang kamay at bahagyang umatras palayo rito.
"Don Charle, huwag kang magpasalamat.. Dahil, hindi libre ang pag-aalok ko sa puso ng aking asawa. Kung papayag ang anak mo sa kasunduan buong puso kong ipagkakaloob ka'y Miss Batara ang puso ni Arabella." wika ni Dr. Drayke na binasa nang laway ang ibabang bahagi ng labi at umupo iyon malapit sa kinahihigaan ng dalaga.
"Kasunduan?! Ano'ng kasunduan iyon, Dr. Drayke?" tanong ng ama nang dalaga na labis ang pagkagulat.
Maging siya ay nagulat sa tinuran ni Dr. Drayke at nakaramdam siya nang kaba nang sambitin nito ang kasunduan. Ngunit, hindi niya ipinahalata iyon upang hindi mag-alala ang kanyang ama sa kanya.
"Don Charle, malalaman mo rin mamaya, huwag kang mag-alala.. Everyone, please leave for now. Miss Batara and I will discuss the agreement in exchange for my wife’s heart." wika ng doktor at tumayo ito sa pagkakaupo.
Kaagad na lumabas ang lahat at ang kanyang Daddy naman ay nahuli sa paglabas dahil ayaw siya nitong iwan sa loob kasama ang doktor. Ngunit nang tumango siya at bahagyang ngumiti rito, tila na gets nito na ayos lang na iwan siya nito. - Jenie
"Now, it's just the two of us here. I’ll read the agreement that my lawyer prepared. Are you ready?" wika nito na kinuha ang puting papel sa bag na hugis parisukat.
Sa totoo lang hindi niya alam kung anong isasagot sa doktor dahil kinakabahan siya sa sinasabi nitong kasunduan. Pero dahil nangingibabaw sa kanya ang kagustuhang mabuhay kailangan lakasan niya ang loob dahil pakiramdam niya bilang na lang ang oras na natitira sa kanya. Kailangan na niya nang bagong puso kaya't handa siyang tanggapin ano mang kapalit na hingin nito.
"Dr. Drayke, I'm R-Ready!" nauutal na tugon nang dalaga.
"First, you must marry me. Second, you must love me. Third, kailangan mong makìpagsēx sa akin anumang oras ko gustuhin.." seryosong usal nang doktor, habang nakatingin ito sa kabuan ng dalaga.
Nang marinig iyon napalunok siya para bang natuyo ang lalamunan niya. Hindi niya napaghandaan ang kondisyon na hihingi nito dahil hindi niya ito kilala nang personal. Para alukin siya nang ganitong kondisyon? Paano niya ito magagawang mahalin kung si Aiden ang mahal niya? At 'yong pangatlong kasunduan pakiramdam niya tumayo ang lahat nang balahibo niya sa kanyang buong katawan.
"Dr. D-Drayke, are you out of your mind?! How could I possibly love you? I don’t even know you. And that third condition—oh my God! No way!" Bulaslas na wika ng dalaga na tiningnan nang matalim ang doktor.
"To have sēx with me?! Why not?!" bulong ni Dr. Drayke sa puno ng tenga ng dalaga. At bahagyang hinaplos ang maputi at makinis na hita nito, habang makikita sa mga mata ng doktor ang pagnanasa.