Mahinahon na sabi nang doktor at mapait na ngumiti kina Don Charle, Sebastian at Charimel.
"Si Dr. Victor Drayke? Ang gwapo at hot na doktor na iyon ang may-ari nito?" tanong ni Sebastian, na kahit papano nawala ang lungkot sa mukha nito nang marinig ang pangalan ni Dr. Drayke.
"Yes! Si Dr. Victor Drayke ang may-ari nito. Bakla, hindi mo alam? Natatandaan ko pa nga 5 years ago nalagay siya sa kontrobersyal dahil ang balita noon pinatay niya ang kanyang asawa." saad ni Charimel, habang inaakay si Don Charle.
Natahimik ang doktor at napatungo sa usapan nang magkaibigan. Si Don Charle naman ay hindi na nagulat sa pinag-uusapan ng dalawa dahil bilang negosyante kilala rin nito ang doktor.
"Tsk! Tigalan n'yo na ang pagmamarites.. Kung talagang pinatay niya ang kanyang asawa di sana nakakakulong siya, di 'ba? Ang intindihin natin ay kung saan tayo makakakuha nang donor para ka'y Jenie." wika ni Don Charle na bakas pa rin sa mukha nito ang matinding lungkot.
"Tama ka, Don Charle. Buhay ni Miss Batara ang nakasalalay rito kaya hindi tayo pwedeng magsayang nang oras. Dahil, hindi natin alam kung hanggang ilang araw na lang ang itatagal ng kanyang puso. Kailangan n'yo nang makahanap ng donor. Excuse me! Puntahan ko muna ang ibang pasyente." ani nang doktor na ngumiti ito nang mapait bago umalis.
"Okay, dok. Thank you so much!" wika ni Don Charle, bago tumalikod ang doktor.
Pagkaalis nang doktor natahimik ang tatlo tila ba nag-iisip ang mga ito kung paano at saan makakakuha ng heart donor para sa dalaga.
"Kaloka! Saan naman tayo kukuha agad-agad nang puso para ka'y Jenie? Diyos ko, sa panahon nga ngayon ang hirap makakuha ng totoong pag-ibig. Puso pa kaya ang makuha sa loob nang isang araw?" saad ni Sebastian sabay ismid.
"Hay naku, hindi ko akalain na 'yong kaligayahan at selebrasyon natin kagabi ay may kapalit pala na kalungkutan.. Hindi ko lubos maisip kung ano'ng mararamdaman nang buong mundo pag lumabas ang balita tungkol sa kalagayan ng bagong Miss Universe." malungkot na wika ni Charimel.
"Napakasakit sa isang ama na ano mang oras pwedeng bawian ng buhay ang kanyang anak. At hindi ko alam kung paano ito sasabihin ka'y Jenie. 'Yong walang magawa ang yaman na mayro'n kami.. Dahil, kahit magbayad ako nang molyones walang puso na agad-agad na mabibili.." emosyonal na sambit ni Don Charle, habang nakatulala sa kawalan.
"Tito Charle, mahirap at masakit. Pero, kailangan ni Jenie malaman ang kanyang lagay. Puntahan mo na siya ngayon sa ICU. At kami ni Charimel, kailangan namin magpatawag nang media press para sa kalagayan ng bagong Miss Universe."
"Tito Charle, tama si Seb. Sige na, puntahan muna si Jenie.. May awa ang Diyos. Hindi niya hahayaan na mawala sa 'yo ang kaibigan namin.." maluha-luha saad ni Charimel na tumayo sa pagkakaupo.
"Honestly! Sa nangyayari sa Mommy ni Jenie. At ngayon siya ang gustong bawiin sa akin nang Diyos. Hindi ko na alam kung may awa pa ba ang Diyos sa 'min.." Malungkot na sabi ni Don Charle, at tumayo ito sa pagkakaupo at iniwan sina Sebastian at Charimel para puntahan ang anak sa loob nang ICU.
Walang salita ang lumabas sa bibig nang magkaibigan dahil hindi rin alam ng mga ito ang angkop na salita upang gumaan ang loob ng don. Pabuntong hininga na umalis ang mga ito para magpatawag ng press media.
*************
Hindi niya napaghandaan ang mangyayari kaya't hindi niya alam kung paano haharapin ang kanyang fiance. Naghahalo sa loob niya ang takot at konsensya kaya lumabas muna siya sa ospital upang ikalma ang sarili. Pakiramdam niya unti-unting kinakain ang loob niya at paulit-ulit na bumalik-balik sa isip niya ang mga nangyayari sa oras na iyon. All this time, nanimbang siya kay Jenie at sa kanyang boss. At sa huli ang babaeng minamahal ang lubos na nagdurusa. - Aiden
"Oh, God! Ngayon pa lang humihingi na ako kapatawaran sa lahat nang nangyayaring ito ka'y Jenie. At ngayon ko napatunayan kung gaano ko siya kamahal. Hindi ko pala kaya na mawawala siya sa buhay ko."
Sinasambit nang isip ni Aiden iyon habang nakasandal ang ulo sa upuan nang sasakyan at mamasa-masa ng luha ang mga mata nito, habang nakahawak sa manibela ang dalawang kamay.
( Sa Drayke Hospital )
Pagdating sa loob ng ICU nakita niya ang anak na nakararatay at halos habol-hininga ito. Pakiramdam niya habang pahakbang siya palapit sa anak may dalawang poste na bakal sa magkabila niyang braso. Sobrang bigat ng kanyang pakiramdam dahil malayo ito sa Jenie na malakas masayahin kaya't maluha-luha ang mga mata na nagbalik tanaw sa mga ala-ala nung ito ay bata pa.
Pagdating sa mansyon masaya siyang sinalubong nang anak at magiliw na yumapos iyon sa kanya.
"I miss you so much, Dad! I have some exciting news to share with you!" Nakangiting wika nito na halos mapunit ang labi.
"I miss you too, my dear Daughter! Anyway, let me take a guess—are you the top honor again?" Nakangiti na sabi nito at hinalikan sa pisngi ang anak.
Sa sinabi niyang iyon umikot ang mga mata ng anak at kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at ngumiti ito na halos mapunit ang labi, habang ang mga mata nito ay gumagalaw pakanan pakaliwa.
"Palagi naman akong top honor! This time, ibang good news naman, Dad! Alam mo ba na ako ang nanalo sa beauty pageant sa iskul namin? At halos lahat ng award ay nakuha ko." wika nito na naglakad palapit sa center table at dinampot ang maliit na konora at isinuot iyon sa ulo habang nakaposing at kumakaway ang kanang kamay na katulad sa mga Beauty Queen.
Napatda siya sa sinabi nang anak dahil may bahagyang kurot iyon sa puso. Dahil abala siya sa mga negosyo nila kaya halos hindi na niya masubaybayan ito. Simula nang mamatay ang asawa binabalanse niya ang oras para kahit paano ay masubaybayan iyon. Pero kulang pa rin dahil iisa lang ang katawan niya. At ngayon na dose anyos na ito nakikita na niya ang tatahakin nitong landas paglaki nito.
"Ang galing naman nang anak ko! I'm so proud of you, hija! Pasensya ka na, kung kulang ang oras na naiibigay ko. Gusto ko lang sabihin na lahat ng ginagawa kong ito ay para sa 'yo. Huwag mong kakalimutan na ikaw ang pinakamahalagang yaman ko sa mundong ito. I love you so much, my Daughter!" Buong puso na sinabi iyon nito sa anak at nginitian ito.
"Si Daddy talaga, masyadong madrama, ha, ha! No worries, I understand, Dad! You’re the only one who thinks something’s missing because, for me, my life is absolutely perfect!" Nakatawang sabi nito sabay na kinindatan ang ama.
Nawala ang lungkot sa puso nang marinig iyon sa anak. Na kahit bata pa ito ay napakalawak na nang pangunawa sa puso nito.
"Good day! I am Jenie Sweet Batara from the Philippines, and I am proudly honoring my Daddy, Charle Batara. And I thank you!" dagdag na wika nito na isinuot sa ulo ng ama ang maliit na korona.
Pabuntong hininga na nagbalik sa kasalukuyan at bahagyang pinunas ang luha sa pisngi. Nang makilala niya si Eleanor mas pinili na lang niyang tutukan ang anak at ito na ang magpatakbo sa lahat ng mga negosyong mayroon sila.
"D-Dad!" mahinang sambit ni Jenie nang maramdaman nito ang presensya nang ama.
"Hija, it's better if you don't speak right now, as it won't be good for you." tugon ni Don Charle sa anak at nilapitan iyon.
"D-Dad, what's happening to me? Am I dying?" Habol hininga at mamasa-masa ang mga na tanong ng dalaga.
Nang marinig iyon mula sa bibig nang anak napalunok siya at impit na pinigil ang mga luhang pabagsak na.
"No! Don't say that! Gagawin ko ang lahat para makahanap ng heart donor. Hindi ako papayag na mamatay ka, anak ko!" wika ni Don Charle, habang hinahaplos ng bahagya ang makinis na pisngi nang anak.
Halos mapahikbi nang sabihin iyon ng kanyang ama sari-saring emosyon ang nararamdaman niya. Heart donor? Ibig sabihin kailangan niya nang bagong puso? Kung gano'n pwede siyang mamatay ano mang oras? No! Hindi ako pwedeng mamatay.. Paano na lang si Aiden at ang Daddy niya? Ang mga pangarap na naabot na niya. Hanggang doon na lang ba iyon?
"J-Jenie, anak! I know there are many thoughts running through your mind because I mentioned being a heart donor. It's heartbreaking and almost impossible to accept your current condition. As a father, I never wanted to tell you that you have a heart condition. Pero, wala na tayong oras.. Kailangan mo nang malaman para mapaghandaan mo ang operasyon." dagdag na saad ni Don Charle.
Sa pagkakataong 'yon bumagsak na ang kanyang mga luha na kanina pa pinipigil. Kahit hindi sumagot ang anak alam niya ang mga na sa isip nito. At bukod pa do'n bakas sa mukha nito ang pagkagulat at takot kaya't dobleng sakit iyon para sa isang ama na katulad niya.
"D-Dad, ay-aw ko pang ma-matay! P-Please, hel-p me.." sambit nito, habang hirap sa pagsasalita dahil sa labis na emosyon.
"Hija, huwag ka nang magsalita, okay? Makakasama sa puso mo ang sobrang pag-aalala. Hindi mo kailangang makiusap para tulungan kita. Mahal na mahal kita, at gagawin ni Daddy ang lahat para makahanap ng bagong puso para sa 'yo." hikbi tugon ni Don Charle sa anak.
Nang marinig ang pag hikbi ng Daddy niya, pakiramdam na tuluyan nang namatay ang kanyang puso. Alam niya ang pinagdaanan nito ng mamatay ang Mommy niya kaya't kailangan niyang mabuhay. Kung kinakailangan na magmakaawa sa buong mundo para makakuha ng heart donor gagawin ko.
"Excuse me! Kailangan nang gawin ang bagong laboratory test para ka'y Miss Batara!" singit na wika nang babaeng nurse na naka duty sa ICU.
Napatda ang emosyonal na tagapo sa mag-ama sa oras na iyon kaya't pabuntong hininga na tumayo ang don sa kama at si Jenie naman ay mapait na ngumiti sa nurse.
( Lalaking Nakatalikod at Nakasombrero )
* RNN News Live *
"May lumabas na balita hinggil sa isang insidente ng pagnanakaw sa mansyon ni Dr. Victor Drayke, kung saan iniulat na tinangkang nakawin ang puso ng kanyang yumaong asawa na naka-preserba. Matatandaan na limang taon na ang nakalilipas nang masangkot ang doktor sa kasong pagpaslang sa kanyang asawa, si Mrs. Arabella Drayke, ngunit kalaunan ay napawalang-sala siya sa nasabing krimen." saad ng lalaking reporter na napapanood ito sa telebisyon.
"Nahuli ba o nalaman kung sino ang nanloob sa mansyon ni Dr. Drayke?" Tanong ng tv host sa reporter.
"Ayon sa ating mga source, hindi pa rin natutukoy kung sino ang responsable sa pagnanakaw sa mansyon. Hanggang ngayon, patuloy pa rin nating sinusubukan makuha ang pahayag ni Dr. Drayke hinggil sa insidenteng ito. Sa ngayon, ito muna ang aming maibibigay na balita ukol sa nangyaring panloloob sa mansyon ni Dr. Drayke. Mula dito sa Drayke Mansyon, ako si Jigs Madrigal, nagbabalita para sa patas na serbisyo at walang kinikilingan, RNN News!" Tugon nang reporter sa tv host.
"Maraming salamat, Jigs Madrigal. Mayroon pong bagong balita. Matapos magtamo ng tagumpay si Miss Universe Jenie Sweet Batara, naiulat na siya ay nawalan ng malay kagabi at dinala sa Drayke Hospital. Ayon sa kanyang kaibigan at manager, Sebastian Cardinal, kasalukuyan po siyang nasa ICU at nangangailangan ng agarang heart transplant."
Matapos mapanood ang balita kaagad na pinatay ang telebisyon at ikinuyom ang dalawang kamao bago nagsalita.
"Dr. Drayke! Hindi ako papayag na ganon-ganun lang iyon! Pagbabayaran mo ng higit pa sa buhay mo ang kasalanan mo! At hanggang may nanalaytay na buhay sa akin, hindi ka pwedeng maging masaya! Kukunin ko sa 'yo ang puso ni Arabella kahit anong mangyari! Kukunin ko ang akin!" Palahaw na wika ng lalaki, habang bakas sa mukha nito ang matinding galit.
( Sa Drayke Mansyon )
Pagkatapos mag gym at kumain nang agahan agad siyang naligo at nagsipilyo at pagkatapos isinuot niya ang tradidyonal na puting coat. At habang inilalagay sa kanyang leeg ang stethoscope hindi niya maiwasan na maalala ang naging tagpo nila ng bagong Miss Universe. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may ibang babae na sumagi sa isipan. Sa buong buhay niya umikot lang iyon kay Arabella.
"Good morning, Dr. Drayke! Na sa line 2 po si Dra. Lorna Grace." saad ni Arnulfo na sumulpot sa pintuan ng silid kung saan naroroon ang doktor.
"Noted, Arnulfo! Makakalabas ka na sa silid ko." seryoso ang mukha na tugon ni Dr. Drayke.
Tahimik na lumabas si Arnulfo sa silid ni Dr. Drayke at kaagad na dinampot nito ang line 2 ng telepono para sagutin ang kapwa doktor.
"Hello, Dra. Grace!" wika nito na isinalunson ang isang kamay sa suot na pantalon.
"Good morning, Dr. Drayke! Tumawag ako para ipaalam na naririto sa ospital na pag-aari mo ang bagong Miss Universe. Isinugod siya kagabi matapos mawalan ng malay dahil sa matinding pananakit ng dibdib. Batay sa resulta ng mga pagsusuri, lumabas na siya ay may Severe Valvular Heart Disease, kaya't kinakailangan na niya ng agarang heart transplant. Ang malaking tanong ngayon, paano kaya makakakita agad ng angkop na heart donor ang kanyang pamilya?" saad ni Dra. Grace sa kabilang linya.
"Gano'n ba?! Nakahanda akong ibigay sa kanya ang puso ni Arabella. Universal heart ang puso ng aking asawa kaya't natitiyak kong aangkop iyon sa kanya!" seryoso na tugon ni Dr. Drayke sa kapwa doktor.
Natigilan si Dra. Lorna Grace sa sinabi ni Dr. Drayke na kung ilalarawan iyon labis itong nagtataka sa isinagot nito. Na para bang hindi man lang ito nagdalawang isip na sabihin iyon. Lalo't alam ng doktora kung gaano nito kamahal ang asawa na yumao.
"Dr. Drayke! Are you really serious about what you're saying?"