"Oh, fùck! Shìt! aggggggh.. Fùck!"
Hinihingal na sambit niya habang nakatayo at halos kasing tigas na ng bato ang kahabaan niya. Ang pagnanasa na nararandaman nang kanyang katawan ay mas sinupurtahan pa nang jacuzzi bathtub dahil relaxing at komportable. Ang mainit na tubig at mga vibrating jets ng tubig ay lalong nagpapatigas sa tìtì niya dahil ang malambot na pressure mula sa jets ay parang minamasahe ang katawan niya kaya't maging ang alaga sa pagitan ng mga hita ay relax dahil sa pakiramdam niya ang sirkulasyon ng dugo niya ay bumuti. At ang mainit na tubig sa jacuzzi ay tumutulong upang pakalmahin ang isip niya ngunit ang pagkålãlaki ay tila isa lang ang magpapakalama rito. At halos lahat nang lalaki ay ginagawa iyon at sa tulad niya na wala nang asawa kailangan niyang magsarili. Ipinikit ang mga mata at bahagyang binasa ng sariling laway ang kanyang labi habang nakatingin sa pånty na naka-hanger. Sinimulan niyang hagurin ang kahabaan pataas pababa hanggang sa pakiramdam niya unti-unting nag-iinit ang kanyang buong katawan na para bang ano mang oras sasabog sa bathtub ang pag-iinit na iyon. Upang ibigay ang pangangailangan ng p*********i sinakal niya nang bahagya ang kahabaan at nagsimula na laruin iyon pababa pataas hanggang sa naramdaman niya ang kuryente na dumadaloy sa buong sistema at kasabay no'n ang pagputok nang punlay.
"Mmmmmmh~, Aggggh~, Hngggh~, Hyaaa~, aaaaah~fùck!" sambit nito, habang hinihingal at napapakagat sa ibabang bahagi ng labi.
Matapos pag-ungol niyang iyon humalo sa tubig nang jacuzzi ang sariling punlay kaya't tumayo na siya at inabot ang tuwalya at itinapis iyon sa katawan at nagtungo sa kanyang silid.
( Sa Drayke Hospital )
Hinang-hina ang kanyang katawan, at halos kapusin siya sa paghinga, parang may mabigat na bato na nakadagan sa kanyang dibdib. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, na namamasa dahil sa mga luha. Sa unang saglit, malabo ang lahat, ngunit habang tumatagal, unti-unting naging malinaw ang kanyang paligid. Doon niya napansin na siya pala ay nasa loob ng isang pribadong ICU. Nakita niyang abala ang mga nurse at doktor sa paligid, ngunit ang huling bagay na nakapagbigay-ginhawa sa kanya ay ang pagkakahawak ni Aiden sa kanyang kamay. Nang makita ito, naramdaman niyang bahagyang gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa mga mata ni Aiden, makikita ang kalungkutan at pag-aalala.
"A-Aiden!" pabulong na sambit ni Jenie, habang unti-unti nitong tinatanggal ang oxygen sa ilong.
"Hon, you're awake! Please don't try to speak yet. It won't be good for you if you force yourself to talk." saway ni Aiden sa dalaga, habang ibinabalik sa ilong nito ang oxygen.
Pipilitin pa sana niyang magsalita pero ramdam na ramdam niya na napakabigat ng kanyang dibdib, bukod sa mga aparatong nakakabit sa katawan, ay ramdam niya ang parang bato sa loob na nakadaghan sa loob ng kanyang puso. Bumibigat at gumuguhit iyon sa tuwing may bahagyang hangin siyang ibubuga. - Jenie
"I know that you're not feeling well kaya huwag mo nang pilitin na magsalita. Kailangan mong magpalakas para sa operasyon." saad ng doktor na ngumiti nang mapait sa dalaga.
Nang marinig niya ang sinabi na iyon nang doktor nagulat siya at doon na tumaas ang labis na emosyon. Kakapanalo lang niya sa Miss Universe at may mga kalakip na obligasyon iyon, gaya ng pag-attend sa mga charity events at marami pang iba. Paano niya magagawa iyon kung matatagalan siya doon? Gulong-gulo ang isipan dahil hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya. Uminom lang siya kagabi ng alak hanggang sa nakatulog at bigla na lang siyang nagising na may masakit sa kanyang dibdib. At ngayon ito siya sa ICU at sinasabi ng babaeng doktor na ito na ooperahan siya? Bakit?
"Doc, she needs to regain her strength first, so it's better if we discuss Jenie's actual health condition outside." malungkot na wika ni Aiden, at humugot nang isang malalim na paghinga.
"You're right. Let's go outside!" pagsang-ayon nang doktor sa binata ma nauna na itong lumabas sa ICU.
"Hon, maya-maya lang darating na rin sina Sebastian at Charimel. Pagdating ko kanina, pinauwi ko muna sila para makapagpahinga. Pero sabi nila babalik sila dito ngayong umaga. Don't worry, everything will be fine. I'll leave you for now, okay?! I love you!" wika ni Aiden na bahagyang hinalikan sa noo ang fiancée. At kaagad itong lumabas sa ICU na halos hirap na ihakbang ang mga paa palayo sa dalaga.
Nang makita niya ang lungkot sa mga mata ni Aiden bago ito lumabas, nakaramdam ito ng sakit sa kanyang dibdib. Parang asido iyon na ipinatak sa kaibuturan ng kanyang puso. Hindi niya maiwasan na isipin na, paano kung may malubha siyang sakit? Paano kung may taning na ang kanyang buhay? Paano ang mga pangarap nila ni Aiden na binuo? Ito ang first boyfriend niya at nang makilala niya ito ay na sa second year college pa lang siya. Kaya't 'yong pagmamahal niya rito ay malalim na. Nang maramdaman niyang kumirot ang puso sa loob, do'n lang siya napatda sa pag-iisip at kasabay no'n naramdaman niya ang mainit na luha na dumadaloy sa makinis niyang pisngi. Alam niyang hindi makakabuti ang pag-iyak sa kanya ngunit sa puntong na 'yon, iyon lang ang magagawa niya para ilabas ang bigat sa kanyang dibdib.
( Sa Batara Hotel & Resort )
Pagkatanggap niya sa mensahe galing kay Aiden ay hindi na niya naubos ang pagkain na nasa plato. Dumadagundong ang kaba sa dibdib na tumayo sa hapag kainan. - Don Charle
"Ano'ng sabi ni Aiden? How is Jenie's condition in the hospital?" sunod-sunod na tanong ni Eleanor sa asawa nang mapansin nito na balisa at hindi naubos ang pagkain sa plato.
Bahagyang huminga ng malalim ang don bago sumagot sa asawa nitong si Eleanor.
"I don't know what's happening to Jenie. I'm scared of what the doctor will say. Anyway, kailangan ko nang umalis dahil ayon sa text ni Aiden ngayon sasabihin ng doktor ang kalagayan ng unica hija ko."
"I know you're worried about Jenie, but please, don't stress about it, as it won't be good for your health. Sasama ako sa ospital para maalalayan kita at malaman ko rin ang lagay ni Jenie." wika ni Eleanor na bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa asawa.
"Syempre, mag-aalala ako! Anak ko iyon, e! Palibhasa hindi mo siya anak kaya madaling sabihin sa 'yo na huwag mag-alala.. Nawala na sa akin ang mahal kong asawa kaya't hindi ko na kakayanin kung pati ang kaisa-isa namin na anak ay mawawala rin!" wika ni Don Charle na bahagyang nahampas ng mga kamay ang lamesa.
"Ba't mo ako pinagtaasan ng boses? Nag-aalala lang naman ako sa 'yo dahil asawa kita.. At bakit ipinasok mo na naman sa usapan na hindi ko anak si Jenie? Hindi porket hindi siya sa akin nanggaling ay hindi na ako nag-aalala. Nag-aalala ako sa kanya dahil napamahal na rin siya sa akin!" mariin na wika ni Eleanor na namula ang mukha dahil sa bugso nang galit.
Sa sinabi na iyon ni Eleanor huminga nang malalim sa ilong si Don Charle at nagpailing-iling bago sumagot sa asawa.
"Really?! As far as I know! Lately mo na lang siya natanggap.. Dahil akala mo nang makilala mo ko noon ay wala akong anak!" pasinghal na wika ni Don Charle.
"That was before! Iba na ngayon! Ang isang single woman na katulad ko, syempre nahihirapan na tanggapin na may anak ang lalaking minamahal niya. Pero, dahil mabait na bata si Jenie minahal ko na rin siya katulad ng pagmamahal ko sa 'yo! So, what's the point? Para pag-awayan pa natin ang nangyari noon!" ani ni Eleanor sa mukha ng asawa na halos lumalatay ang ugat nito sa leeg.
Sasagot na sana si Don Charle sa asawa nang sumulpot mula sa likuran sina Charimel at Sebastian. At makikita sa mukha ng mga ito ang pagkahiyang lumapit dahil sa nagtatalo ang mga iyon.
"Woohoo.. Mukhang may LQ na nagaganap dito! Kaloka! Akalain mo 'yon ganito pala magka LQ ang matatanda? Intense pareho ang lolo at lola n'yo!" pabirong saad ni Sebastian habang nakangisi at nakapamewang.
"Hay naku, ikaw talaga Sebastian! Normal lang sa mag-asawa ang magkaroon ng LQ. Mas malala pa nga d'yan ang away nina mama at papa. Diyos ko, halos lumipad ang buong bahay namin. Anyway, we need to go to the hospital because Aiden keeps texting me. Hinihintay na daw nang doktor si Tito Charle." pagbibida saad ni Charimel na hinila palayo sa mag-asawa si Sebastian.
"Oh my God! Huwag mo akong hilahin, madadapa ako niyan sa ginagawa mo. Ano ba? Hindi ako pwedeng madapa kapapagawa ko pa lang nitong ilong ko." tili ni Sebastian, habang nakataas ang kanang kilay.
Binitawan lang iyon ni Charimel nang malapit na sa sasakyan ang mga ito. Habang sina Don Charle at Eleanor ay tahimik pa rin at napailing na lang sa mga kaibigan ng dalaga.
"I need to go! Huwag ka nang sumama sa ospital. I'll take care of my daughter! Ang asikasuhin mo ang ating mga negosyo. Ayaw kong mapabayaan yon, dahil ang mga negosyong mayroon tayo ay pinasimulan pa iyon ng Mommy ni Jenie. Kita na lang tayo mamaya sa mansyon. Bye!"
Matapos na sabihin 'yon ni Don Charle iniwan nito ang asawa na hindi man lang hinihintay ang sagot nito. Kaya't napabuntong hininga na lang ito at ipinagpatuloy ang pagkain.
( Sa Drayke Hospital )
Naunang dumating sa ospital ang magkaibigang Charimel at Sebastian at ang sumunod na dumating ay si Don Charle. Kasalukuyan na naghihintay na doon ang doktor na tumingin sa dalaga at hawak na rin nito ang procedure result.
"Where is Aiden?" Ito agad ang hinahap ni Don Charle, habang palinga-linga iyon sa loob ng ospital.
Tanging kibit balikat lang ang naisagot nina Sebastian at Charimel dahil pagdating ng mga ito ay wala na roon ang presensya ni Aiden.
"Si Aiden Zalazar? Lumabas siyang umiiyak, after kong sabihin sa kanya ang kalagayan ni Miss Batara." wika ng doktor, habang bagsak ang dalawang balikat nito.
"Oh, God! Doc, tell me?! Ano'ng kalagayan ng anak ko? At bakit kailangan niyang manatili sa ICU hanggang ngayon?" emosyonal na pag-uusisa ni Don Charle sa doktor.
"Seb, sabi ko na sa 'yo e, hindi nila ilalagay si Jenie sa ICU kung wala siyang malubhang sakit." ani ni Charimel na pabalik-balik sa loob ng ospital, at hindi mapakali sa kaba.
"Charimel, kaloka 'ka! Ako ang nahihilo sa pabalik-balik mo na 'yan! Kaya nga tayo nandito sa ospital para malaman kung ano'ng sakit ni Jenie. Makinig muna tayo sa sasabihin ng doktor, okay?!" wika ni Sebastian na inirapan ang kaibigan, at bahagyang hinila ito.
"Don Charle, ayon sa nararanasan ni Miss Batara at sa mga results ng procedure na ginawa namin sa kanya. Lumalabas na may "Severe valvular heart disease" ang inyong anak. Kinakailangan niya nang agarang heart transplant dahil kung hindi ano mang oras ay pwedeng tumigil sa pagtibok ang kanyang puso." malungkot na wika ng doktor, habang inaabot sa ama ng dalaga ang procedure result.
"W-What?! Paanong nagkasakit ng gano'n ang anak ko? Wala sa lahi namin ang may sakit sa puso!" Lupaypay ang dalawang balikat ng don at unti-unti itong napaluhod sa sahig ng hospital.
"Tito Charle, huminahon tayo! Alam kong mahirap tanggapin ang kalagayan na ito ngayon ni Jenie. Pero, kailangan natin maging matatag para sa kanya." wika ni Charimel, habang pinipilit nito na tumayo ang don.
"Don Charle, I'm sorry! I know it's hard for you to accept this!" ani ng doktor na bakas sa mukha nito ang pagkalungkot para sa ama ng dalaga.
"Kahit sino mahihirapan na tanggapin dahil alagang alaga namin si Jenie. Isa siyang beauty queen at dumaan siya sa physical training. Kaya alam kong physically healthy ang alaga ko. Dok, baka nagkakamali lang kayo? Baka kaya siya hirap huminga dahil naparami ang nainom niya kagabi." in denial na wika ni Sebastian, habang nangigilid ang mga luha nito sa mga mata.
"Alam ko na nasa in denial stage pa kayo sa ngayon, pero hindi kami nagkakamali. Ang resulta ng procedure na isinagawa namin kay Miss Batara ay tama at hindi magkakamali. Ang sakit sa puso ay isang traydor na kondisyon, at madalas ay lumalabas ang malalang sintomas kapag end-stage na ang sakit. Pero, huwag kayong mag-alala dahil ang ospital na ito ay nangunguna pagdating sa paggamot ng mga sakit sa puso, sa pamumuno ng may-ari ng ospital, si Dr. Victor Drayke."