"S-Si M-Ma'am Jenie Sweet, nagising naninikip daw ang kanyang dibdib.." natatarantang salaysay ni Ryza.
"Oh my God! Why?!" kumakalabøg ang dibdib na tanong ni Sebastian.
"Diyos ko! Huwag mo nang tanungin kung bakit.. Puntahan na natin ngayon si Jenie. Ryza, please call the Batara's family doctor and ask her to come to the hotel and resort right away." wika ni Charimel na naunang humakbang papunta sa kinaroroonan ni Jenie, habang nakasunod rito si Sebastian na labis na nag-aalala sa kaibigan. At si Ryza naman ay natataranta na idinayal ang numero ng doktor.
"A-Ahhh, ouch! Hahhh! Oh, God help m-me.." sambit nito habang sapo ang dibdib at namimilipit sa sakit.
Pakiramdam niya may mga blade na humihiwa sa loob ng kanyang puso at ang sakit na iyon nanatili lang sa isang lugar. Sobrang sakit na umaabot iyon sa bilang na sampo at pakiramdam niya sa ay para bang mamatay na siya. Pinagpapawisan ng malamig, nasusuka sa sakit, hinihingal at nanlalabo na ang kanyang paningin. Kahit ang alak sa katawan ay hindi kayang gawing manhid ang sakit na iyon, dahil maging ang kalasingan niya ay nawala.
"J-Jenie, where does it hurt?" tanong ni Sebastian nang makarating ang mga ito sa silid ng dalaga. Hindi nito alam kung saang parte ng katawan hahawakan ang kaibigan.
Gustuhin man niyang sumagot pero, parang maging ang dila niya ay umurong at hirap din siyang ibuka ang bibig sa sobrang sakit ng kanyang dibdib. - Jenie
"Oh, my God! Sebastian, she's not okay! She can't respond because of the pain." wika ni Charimel na bahagyang hinaplos ang buhok nang kaibigan na namimilipit sa sakit.
"G-Guys, I'm going to die....."
Iyon lang nasambit niya bago tuluyang mawala sa ulirat. - Jenie
"K-Kaloka! Jeniee..... Please don't say that! Hindi ka pa pwedeng mamatay... Paano na lang ang talong ni Aiden? Huh!?" tili ni Sebastian na umaalingawngaw sa apat na sulok ng hotel room.
"Diyos ko naman, J-Jenie.. Huwag mo kaming takutin nang ganito.. Please! Wake up! Seb, hindi na siya gumagalaw.. Kailangan na natin siyang dalhin sa ospital.." natararantang wika ni Charimel, habang nakaupo sa kama at hinahaplos ang mukha ng kaibigan na walang malay.
"Ito na ngaa... Bubuhatin ko na siya.. K-Kaloka! Tumayo ka na d'yan sa kama at tawagin mo si Tito Charle.." tugon ni Sebastian na hindi malaman kung saang banda hahawakan ang kaibigan para ito ay buhatin. Habang si Charimel naman ay nauna nang lumabas sa hotel room para ipaalam sa ama nang kaibigan ang nangyayari sa dalaga.
"H-Help! A-m-bu-lance... K-aloka!" sigaw ni Sebastian, habang buhat ang dalaga palabas sa hotel room.
Dahil sa tili at sigaw ni Sebastian nabulabog ang ibang guest sa hotel at kabilang doon ay ang mga trabahante ng Pamilyang Batara. Nag-aalala at natatakot ang mga iyon sa walang malay na Beauty Queen.
"T-Tito Charle! Si J-Jenie- nawalan nang malay.. Sebastian will take her to the hospital now." sabi ni Charimel, habang kinakatok ang ama ng dalaga sa loob ng hotel room.
Wala pang limang minuto nang humiga siya sa kama at ito na ang naririnig niya sa labas ng pintuan. Nang marinig niya ang sinasabi sa labas ng pinto bumilis ang kabõg ng dibdib niya at kaagad na bumangon sa kama at natatarantang isinuot ang salamin sa mga mata at pinagbuksan si Charimel. - Don Charle
"W-What happened to my daughter?!" nangininig na tanong ni Don Charle kay Charimel.
"T-Tito Charle, actually hindi ko alam kung bakit siya nawalan ng malay. Patulog na sana kami ni Seb nang sabihin ni Ryza na sumasakit daw ang dibdib ni Jenie." Pagsasalaysay ni Charimel, habang sapu-sapo ang ulo.
"W-What!? Oh, God!" nag-aalala sambit ni Don Charle na naglakad nang mabilis upang sumunod kay Sebastian na sa kasalukuyang isinasakay nito ang dalaga sa loob nang sasakyan. At si Charimel naman ay nanginginig ang mga kamay at tuhod na nakasunod sa matanda.
( Sa Drayke Mansion )
Pagdating niya sa mansion napaupo siya sa kama at sunod-sunod na napabuntong hininga nang maalala ang nangyari sa hotel. Napailing at napapikit at sabay na kinagat ang ibabang bahagi ng labi nang sumagi sa isip ang pãnty nang dalaga na naibulsa niya sa bulsa kanina.
"Oh, come on! Totoo ba 'to? After 5 years, nakakaramdam ako nang pagnanasa sa isang babae na ngayon ko lang nakita nang personal?"
Sa isip niya hindi maiwasan na tanongin ang sarili habang sa isipan rumerihistro ang magandang mukha at katawan ni Miss Universe 2025.
"Oh, Jenie! Nagkamali ka nang lumapit ka sa 'kin. Dahil pag nahawakan ko na ang isang bagay na hindi mawaglit sa isip ko, di ako pumapayag na hindi iyon makukuha.."
Pagkatapos sambitin ang katagang iyon kaagad na tumayo sa pagkakaupo at dinukot sa bulsa ang pãnty ng dalaga at hinubad ang lahat nang saplot at nagtungo kung saan naroroon ang Jacuzzi bathtub.
( Sa Drayke Hospital )
Nang maisugod ang dalaga sa ospital kaagad na ipinasok iyon sa emergency room. At habang nag-aantay sa labas ng emergency sina Don Charle, Sebastian at Charimel ay hindi mapakali ang mga iyon dahil sa labis na pag-aalala.
"Diyos ko, kayo na bahala sa nag-iisa kong anak. Siya na lang ang natitirang ala-ala ni Adriana, ang pinakamamahal kong asawa.. Pag nawala si Jenie hindi ko na makakaya pang harapin ang buhay."
Sinasambit ni Don Charle ang mga katagang iyon na nakaupo, nakatingala at nakapikit at may mga luha ang umaagos sa pisngi nito. Habang sina Sebastian at Charimel naman ay patuoy ang kaba na nararamdaman ng mga ito.
"Tito Charle, alam kong natural sa isang ama na mag-alala para sa kanyang anak. Pero, isipin mo rin ang 'yong kalusugan. Sa pag-aalala ng sobra baka tumaas ang presyon mo." ani ni Sebastian at bahagyang hinimas ang likod ng matanda.
"Tama si Seb, hindi makakatulong sa inyo ang labis na pag-aalala.. Alas-dos na ng madaling araw, ipapahatid ko na kayo sa drayber n'yo." pagsang-ayon ni Charimel kay Sebastian.
Ayaw niyang iwan sa gano'ng kalagayan ang anak lalo't hindi niya alam ang tunay na lagay nito dahil hindi pa nalabas ang ang doktor mula sa emergency room. - Don Charle
"Paano ako nito makakatulog kung alam ko na ang anak ko ay nakaratay dito sa hospital? Gusto kong malaman ang lagay niya dahil hindi ako matatahimik hanggang hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa unica hija ko!''
Sa labis na tensyon, pagod, at puyat, napataas ang himig ng boses ni Don Charle na naintindihan naman iyon nina Sebastian at Charimel.
"Tito Charle, no worries..Hindi namin pababayaan ang anak mo. Babalitaan namin agad kayo sa kung ano'ng sasabehin ng doktor.. But now, you need to rest! Para ko na rin kayong pangalawang ama kaya't hindi ako papayag na may mangyari na masama sa inyo nang dahil sa hinayaan ko kayo na mag-alala nang sobra.." mangiyak-iyak na wika ni Sebastian na hinawakan ang mga kamay ng matanda. Kasabay ng emosyonal na pahayag na iyon ni Sebastian lamlam ng luha ang mga mata ni Charimel na nilapitan ang Don at inalalayan ito na tumayo.
"Tito Charle, makinig naman kayo sa 'min ni Sebastian. Bumalik na muna kayo sa hotel, for sure na naroro'n na ang family doctor n'yo para macheck ang blood pressure at mabigyan kayo nang pampakalma." saad ni Charimel at ngumiti ito nang mapait sa matanda.
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa payo ng mga kaibigan ng kanyang anak. Pabuntong hininga na humakbang paalis sa ospital kahit na mabigat ang kanyang mga paa patuloy siyang humakbang palayo kina Sebastian at Charimel. At habang naglalakad dinukot ang cellphone sa bulsa at idinayal ang numero ng kasintahan ng anak.
"Hello, Tito Charle. Kumusta si Jenie? kararating ko lang dito sa hotel ngayon.. Nasabi na sa akin ni Ryza ang nangyari kaya't papunta na ako d'yan sa ospital." nag-aalala tugon ni Aiden sa kabilang linya.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nang matandang Don bago sumagot sa kabilang linya.
"Hindi pa nalabas ang doktor mula sa emergency rooom kaya hindi ko masasagot ang tanong mo na iyan. Pinauwi na muna ako nina Charimel at Sebastian dahil baka daw kung mapano pa ako. Anyway, ikaw na muna ang bahala ka'y Jenie pag nakarating ka dito sa ospital. At huwag n'yong kalimutan na i-update ako sa kung ano'ng sasabihin nang doktor." saad ni Don Charle na bakas pa rin sa mukha nito ang labis na pag-aalala sa anak.
"Opo, Tito Charle. Ako na ang bahala ka'y Jenie, huwag kayong mag-alala.. She will be okay.. I'm on my way there!"
Pagkatapos na sabihin 'yon ni Aiden kaagad na pinutol nito ang linya at pinasibat ang sasakyan papunta sa ospital.
( Sa Drayke Mansyon )
Inihanger niya ang panty ng dalaga at isinabit iyon malapit sa jaccuci bathtub kung saan nakalubog siya roon at umiinom ng whisky. Simula nang mamatay ang asawa limang taon ang nakalipas, ang alak ang naging comfort zone niya. Kung wala ito, hindi siya makakatulog kaya naging routine na niya ang pag inum gabi-gabi. Ngunit ngayon parang mas lumala pa dahil halos maubos na ang isang bote ay mulagat pa rin ang kanyang mga mata dahil sa tuwing sasagi sa isip ang mukha ng dalaga talaga naman na parang lumalaki ang mga ugat sa kanyang buong katawan at ang pinaka malaking ugat sa pagitan ng mga hita niya ay halos kumawala iyon.