Kabanata 3: Malikmata

1574 Words
Hindi siya nakakilos, nanigas ang buong katawan, at ang tanging gumagalaw lamang ay ang kanyang Adam's apple. Ang mainit na dampi ng labi nito ang mas nagpatigil sa kanyang mundo. Napalunok siya nang dumikit ang katawan ng dalaga sa alaga niyang nakatago sa pagitan ng kanyang mga hita. Parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang mga ugat, dumaluyong sa buong sistema ng katawan niya. Bukod sa yumaong asawa, siya lamang ang babaeng may kakayahang buhayin ang sistema ng katawan niya bilang lalaki nang walang kahirap-hirap. "Pero hindi siya si Arabella, hindi siya ang asawa ko. At walang babaeng makakapalit sa kanya." Upang pigilan ang lumalaganap na kuryente sa kanyang katawan, bahagya niyang ipinilig ang ulo, at sa wakas, nagawa niyang igalaw iyon. "Miss Batara, I’m not Aiden! I’m Dr. Drayke! Please, stay away from me! Baka mamaya, kung anu-ano na ang isipin ng mga tao tungkol sa atin dito sa party," pabulong na sabi ni Dr. Drayke, sabay bahagyang itinulak ang dalaga. "N-No! Y-You’re Aiden, please stay with me... Even if it’s just for now." maluha-luhang tugon ng dalaga, habang may ilang butil ng luha na pumapatak mula sa gilid ng kanyang mga mata. Napabuga ng hangin at napatingala siya sa naging tugon nito sa kanya. Mabuti na lang at abala ang mga tao sa party, kaya't walang nakapansin sa nangyaring iyon sa kanila ni Miss Universe 2025. Magsasalita na sana siya nang bigla siyang hilahin nito sa kamay, at sa pagkakataong iyon, hindi siya makatanggi at sunod-sunuran na lang. Para bang may magnet sa katawan nito, kaya’t walang kahirap-hirap na napasunod siya. Nang namalayan niya, nasa loob na pala sila ng hotel room. Dahil sa bahagyang ilaw lang ang mayroon sa loob ng hotel iniikot niya ang mga mata para aninagin ang kabuoan ng loob ng kwarto. "I-I miss you so much, Aiden! I-I love you so much... This time, handa na akong ibigay sa 'yo ang lahat." Habang sinasabi iyon ng dalaga, bahagyang nakapikit ang mga mata, tila wala nang kamalayan sa kanyang ginagawa. Ang loob ng hotel room ay may katamtamang laki, at ang mga kagamitan na makikita roon ay karaniwan na makikita sa isang pampublikong hotel. Sa puting kama, nakatukod ang dalawang palad ng dalaga habang nakabukaka at nakaharap kay Dr. Drayke. "Sinabi ko na nga, hindi ako si Aiden! Ako si Dr. Drayke! Miss Batara, wala akong oras para makipag-usap sa isang babaeng lasing! Aalis na ako." mariing sabi ni Dr. Drayke, na halos sumabog ang ugat sa leeg habang napapailing at napapakagat-labi. Sa mga sandaling iyon, parang sumabog ang dibdib niya sa galit, na para bang may dumurog sa puso niya nang marinig ang 'I love you' na iniiwan ng babae para sa lalaking binanggit nito. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nakakaramdam ng selos, lalo't ngayon lang sila nagkita nito. "A-Aiden, h-huwag ka nang magpalusot! Mas pinili mo pa ang lintik na boss mo kaysa sa akin," wika ni Jenie, habang nakapikit at may ilang patak ng luha na dumaloy sa makinis niyang pisngi. Sa nakikita niya, malinaw na labis na iniibig ng babae ang lalaking binabanggit nito. Pero wala siyang pakialam kung gaano man niya kamahal ang Aiden na iyon; ang mahalaga, kailangan na niyang makaalis sa hotel. Wala siyang ibang gustong makita kundi ang lalaking minamahal. Ang pagmamahal na nadarama niya kay Aiden ay labis, kaya't handa siyang ibigay ang lahat rito. Nang maramdaman niyang malapit na ito sa kanya, tinanggal niya ang kanyang pãnty at maingat na inihagis rito. Nasamyo niya ang mabangong halimuyak ng pagkabãbãe nito nang tumama ang pánty nito sa mukha niya. Bumilis ang tibøk ng kanyang puso dahil pagkatapos ng limang taon, ngayon na lang ulit siya nakaramdam ng ganung pakiramdam. Na para bang ang lahat nang ugat sa katawan niya ay nabuhay lahat. Magsasalita na sana siya at lalapitan ang dalaga, ngunit bigla itong natumba at nahiga sa kama, kaya't mabilis niyang inilagay sa bulsa ang pánty at nilapitan ito. Nang makalapit siya, narinig niyang naghihilik ito, at doon lang siya nakahinga ng maluwag. Pabuntong-hininga, nilamukos ang mukha, inayos ang sarili, at agad na lumabas sa hotel room. "Dr. Drayke?! What are you doing here?" gulat na gulat na reaksyon ng babae nang makita nito ang doktor na lumabas sa hotel room. Nakagat niya ang ibabang bahagi ng labi ng makita ang babae na kung susumahin ay na sa edad na 30 plus. Buong akala niya walang makakapansin sa kanya na galing siya sa loob ng hotel room pero dahil sa mga ospital na pag-aari niya may ilan na nakakakilala sa kanya. Ayaw niyang makisakay sa kasikatan ng bagong Miss Universe dahil mas gusto niya ng private life kapiling ang mga ala-ala ng kanyang namayapang asawa. "Hmm.. e, kasi- sinamahan ko sa kwarto si Miss Batara dahil lasing at hindi na niya alam ang kanyang ginagawa.. Anyway, paalis na rin ako," wika ni Dr. Drayke na bahagyang napalunok, habang nakasalunson ang dalawang kamay sa bulsa. "Um, nice meeting you, dok. I'm Ryza Cruz, personal assistant ni Ma'am Jenie Sweet. Kanina ko pa nga hinahanap si ma'am dahil hinahanap na siya sa party ng daddy niya at ng kanyang mga kaibigan. Maiba ako, paano kayo nagkakilala ni Ma'am?" kunot noong sabi ni Ryza at inabot sa doktor ang kanang kamay. Kung ilalarawan ang hilatya ng mukha ni Ryza bakas sa mukha nito ang pagdududa at labis na pagtataka kung paano sila nagkakilala ng dalaga. Sa pagkakataong iyon hindi agad siya nakasagot dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag rito ang nangyari, kaya't agad siyang nag-isip ng isasagot rito at may dinukot sa bulsa na maliit na papel na ginagamit sa pagreresita at kasama no'n ang ballpen na itim ang tinta. "Naging pasyente siya sa ospital na pag-aari ko. Hm.. Medyo naparami ang ininom niya kaya't makakatulong ito sa kanya. Pag nagising siya ipainom mo agad ito para bumuti ang kanyang pakiramdam." pagsisinongaling na wika ni Dr. Drayke, habang isinusulat sa maliit na papel ang resita para sa dalaga. "Gano'n ba dok. Sige.. Bibilhin ko ito, at ipaiinom ko agad sa kanya. Thank you!" tugon ni Ryza, habang inaabot ang maliit na papel. Nakahinga siya nang maluwag ng makitang nawala ang pagduda sa mukha ni Ryza at kaagad na lumakad ng bahagya palayo rito. "Your welcome! I need to go," ani ni Dr. Drayke, habang papalayo sa personal assistant ng dalaga. ******************* Labis siyang nag-aalala sa kasintahan dahil alam niyang nagtatampo ito, kaya kahit hindi pa siya pwedeng umalis kaagad na dinukot sa bulsa ang susi ng sasakyan at nagtungo kung saan ito naka parking. Pagkasakay kaagad na pinasibat iyon at habang hawak ng isang kamay ang manibela idinadayal niya ang numero ng kanyang kasintahan. - Aiden "Hello, Sir Aiden!" tugon sa kabilang linya. "Hello, Ryza?! Ba't ikaw ang sumagot sa cellphone ni Jenie?" nag-aalala wika nito sa linya. "Opo, sir. Si Ryza nga ito. Lasing na lasing si Ma'am Jenie Sweet, kaya ako ang sumagot nang tawag mo." mahinahon na tugon ni Ryza. Nang marinig niya na si Ryza ang sumagot mas lalo nang kinain ng konsensya ang buong sistema niya kaya't hindi agad siya nakapagsalita. "S-Sir Aden! Are you still there?" muling pagsasalita ni Ryza sa kabilang linya. "Um. I'm still here. How is she?" tugon ni Aiden na parang nabilaokan ito sa kabilang linya. "Okay naman si Ma'am Jenie Sweet. Pagkatapos kong mapainom sa kanya ang gamot, bumalik siya sa pagtulog." tugon nito sa kasintahan ng dalaga. "Good job! I'm on my way there!" wika ni Aiden, habang patuloy sa pagmamaneho. "Syempre, sir! I love my job!" nakangisi sabi ni Ryza sabay putol sa linya. Nang maputol ang linya agad na nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Ibaba na sana niya ang cellphone nang tumunog ito. At nakita niyang ang kanyang boss ang nagtext kaya't agad niyang binuksan ang mensahe. "Aiden, ngayong nalalapit na ang kasal n'yo ni Jenie, mas lalo mong kailangang pagsikapan ito upang makuha mo ang napag-usapan natin." Sender: Boss "Wooh! Shìt! Fùck!" sigaw nito, sabay na pinaghahampas ang manibela at biglang nagpreno. Sa lakas nang kanyang pagkakapreno muntik na niyang mabangga ang sasakyan na sinusundan niya. Kung sana lang ipinanganak siya na katulad ni Jenie na dati nang mayaman hindi ganito ang sitwasyon nila. Wala siyang magagawa kundi harapin ang katotohanan ng buhay. Nang maramdamang kumalma na ang bugso ng damdamin pabuntong hininga na nagmanehong muli. ( Sa Batara Hotel & Resort ) Naunang umalis si Eleanor dahil may urgent meeting ito kasama ang mga business partner ng pamilyang batara. At matapos ang selebrasyon sa hotel, nagsiuwian na ang karamihan ng mga bisita, at ang natira na lamang ay ang mga empleyado, ang Team Batara, at ang ama ng dalaga. "Tito Charle, I think you need to rest now. Si Jenie, tulog na, at kami ni Charimel ay matutulog na rin, kasi bukas, sobrang hectic ng schedule namin kasama si Miss Universe 2025." ani ni Sebastian, na bahagyang hinimas ang braso ng matanda. Si Charimel naman bilang pag sang-ayon nito sa kaibigan bahagyang ngumiti at tumango sa matanda. "Salamat sa inyo ni Charimel. Good night!" wika ni Don Charle, at lumakad na ito palayo sa magkaibigan. Pahakbang na sina Charimel at Sebastian sa tutulogan ng dalawa, nang makita ng mga ito ang humahangos na palapit na presensya ni Ryza. "Ryza, what's the problem?" tanong ni Charimel na nag-aalalang sinalubong ang personal assistant, habang nasa likuran nito si Sebastian na nag-aalala rin. "S-Si M-Ma'am Jenie Sweet, nagising at ang sabi naninikip daw ang kanyang dibdib......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD