Episode 4

1761 Words
Axel's POV Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Naalala ko na uminom ako kagabi dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Ano kaya ang gagawin ko para tanggapin na ako ni Pam? Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko.  Nagshower muna ako bago tuluyang bumaba. Alas nueve na din ng umaga at late na ako sa office.  Nakabihis na ako ng pang-opisina nang bumaba ako.  Nadatnan ko si sina mom, dad at ate Alexa na nag-aalmusal. Humalik ako sa pisngi ni mom bago tuluyang umupo para makapag-almusal na din.  "How's your feeling brother?" tanong ni ate Alexa. "I'm fine." sabi ko. "Nag-away na naman ba kayo ni Pamela, nak?" tanong ni mom.  Napatango lang ako sa kanya. "About na naman ba iyan sa proposal mo? Maybe she's not yet ready." "Kailan siya magiging ready, mom? Hindi na kami bata." "Just a little bit more, son." tugon ni dad. "Pam called me hindi ka daw niya macontact. Gusto lang daw niya iinform na may flight na siya pabalik ng Paris." sabi ni ate. "Kung iyon ang gusto niya." tipid kong sabi.  Muli ay nakaramdam ako ng inis. Talagang itinuloy niya ang pag-alis niya at wala siyang pakealam kahit anong maramdaman ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis sa kanya. Pakiramdam ko kasi balewala lang ako sa kanya at mas mahalaga pa sa kanya ang pangarap niya.  "I have to go. Late na po ako sa trabaho ko." Pumasok ako sa trabaho na mainit ang ulo. Ewan ko ba. Pagdating kay Pam ay laging ganito ako. Ang sakit lang na isipin na parang wala lang ako sa kanya. Ano pa bang kulang? Ano pa ba ang kailangan kong gawin para lang piliin niya ako over her career. Hindi niya kailangang magtrabaho dahil kaya ko siyang gawing reyna.  Inabala ko na lamang ang sarili ko para makalimot ako. Para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko.  Kinuha ko ang phone ko na tinurn off ko kanina. Pumungad sa akin ang mga missed calls at text ni Pam.  Binasa ko ang messege niya.  "Babe, please. Let's talk." "Babe I'm sorry. Just a little bit more. I promise last na ito. I love you." "Babe, are you okay? Pabalik na ako ng Paris. See you soonest." Ano pa nga bang magagawa kung hindi maghintay diba? I can wait forever para sa babaeng pinakamamahal ko. Kahit sobrang galit ako sa kanya ay hindi pa din mawawala ang katotohanan na mahal na mahal ko siya.  Sana lang ay sa last time na magpopropose ako ay sweet yes na ang matanggap ko. Doon ay sumagi sa isipan ko ang singsing. Nawala na sa isip ko ang tungkol doon. Marahil ay nasa suot kong suit kahapon ay naroon pa iyon. Hindi ko na kasi napansin dahil sa sobrang kalasingan kagabi. Hindi ko na nga maalala kung paano ako nakauwi sa bahay.  Four in the afternoon ay naisipan ko ng umuwi. Hahanapin ko ang singsing na ibibigay ko ay Pam. Kailangan ko kasing alagaan iyon dahil pinasadya ko pa iyon just for her.  Pagkauwi ko ay hinanap ko ang suit na sinuot ko kahapon.  Hinanap ko iyon pero hindi ko mahanap.  "Manang nasaan yung sinuot kong suit kahapon." "Naku sir. Nilabhan ko na po." "May nakita ka bang maliit na box doon?" "Opo sir. Meron po. Pinatong ko po sa tabi ng lampshade sa kwarto niyo." "Thank you manang." Doon ay nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay naiwala ko na iyon.  Pagpasok ko sa kwarto ay naroon nga sa tabi ng lampshade yung box. Kaagad ko iyon kinuha at binuksan. At nadismaya ako dahil pagbukas ko ay wala na doon ang singsing ko. "Saan na iyong singsing?" tanong ko. Lumabas ako para puntahan si manang.  "Manang Edna, nasaan po yung laman ng box?" "Naku sir. Nung makita ko iyan ay hindi ko naman po binuksan, basta ipinatong ko na po iyon kaagad sa kwarto niyo." "May singsing po ito. Para sa proposal ko kay Pam." "Naku sir kahit alughugin niyo man po ang buong gamit ko wala po akong kinuha na singsing." May tiwala naman ako kay Manang Edna dahil matagal na siyang naninilbihan sa amin. Pero ang malaking katanungan ay kung nasaan ang singsing ko.  Muli akong bumalik sa kwarto ko. Pilit kong inaalala kung saan ko nailagay yung singsing. Naalala ko kagabi nung nasa bar ako ay naroon pa iyon.  Nung pauwi na ako ay hawak hawak ko pa iyon habang nagmamaneho ako. Naaalala ko din na bumaba ako dun sa may tulay dahil bigla akong nasuka dahil sa dami ng nainom ko. At may babae... Tama isang babae. Ninakawan yata ako ng babaeng iyon.  Biglang kumatok si Ate Alexa sa kwarto at pumasok ito. "Hinahanap mo daw ang yung singsing sabi ni Manang Edna?"  "Oo. I think ninakwan ako kagabi?" "What? You remember his face?"  "Her face."  "What do you mean? Babae ang nagnakaw sa iyo?" "That girl in the bridge." "What? You mean si Isabella?"  Napatingin ako kay ate. "Sinong Isabella?" takang tanong ko.  "Nung tumawag ako sa iyo, siya ang sumagot. Sinabi niya kung nasaan ka kaya naiuwi ka namin kagabi. Mukhang mabait naman kaya I don't think siya ang kumuha ng singsing. Baka namisplace mo dahil sa kalasingan." "Alam mo ba kung saan siya nakatira?" tanong ko sa kanya.  "Yes. Hinatid ko siya kagabi sa bahay nila." "Tell me her address. To make sure." Sinabi naman niya sa akin kung saan banda siya nakatira. Wala na akong sinayang na panahon at pinuntaha. ko na ang lugar sa sinabi niya. Nasa kanto na ako kung saan ang sinabi ni ate. Sabi niya ay deretso lang ako tapos kakaliwa. Binanggit niya na gawa sa kahoy lang ang bakod nila pero wala naman akong makita. Hanggang sa hindi ako makatiis at nagtanong na ako.  Tumigil ako sa tapat ng isang tindahan kung saan may grupo ng mga tao ang nakaupo doon. Binuksan ko ang bintana ng kotse ko at nagtanong sa kanila.  "Excuse me po. Pweding magtanong. May kilala po ba kayong Isabella na taga dito?" tanong ko. "Anong apilido pogi?" "Hindi ko po maalala. Basta Isabella po pangalan, taga dito." "Naku mare, baka si Isay ang tinutukoy niya yung magandang dalagang anak ni mareng Sabel." "Oo nga. Pogi dumeretso lang kayo siguro mahigit sampong bahay na lang ang pagitan naroon ka na." "Salamat po." "Mukhang aakyat ka yata ng ligaw ah. Nakajackpot si isay ah." "Hindi na ako tumugon at mabilis na isinara ang bintana ng sasakyan ko.  Nagtuloy tuloy ako sa pagmmaneho hanggang sa nakit ko na nga ang sinasabi ni ate na description ng bahay. Bumaba ako sa kotse at patingin tingin sa bahay kung may tao ba.  "Sino pong hinahanap niyo?" isang batang lalaki na sa tantiya ko ay nasa sampung taon ang lumapit sa akin.  "Kilala mo ba yung nakatira dito?" sabay turo sa bahay.  "Opo. Sa amin po kasi ang bahay na iyan. Teka mukha po kayong pamilyar." "Talaga? Edi kilala mo si Isabella?"  "Opo. Ate ko po siya."  "Nandiyan ba siya? Pwedi ko ba siyang makausap?" "Sino po ba kayo? Nanliligaw po ba kayo sa kanya? Sorry po pero may nobyo na po si ate kaya hindi na po kayo pweding manligaw." Ewan ko kung matatawa ba ako o maiinis sa sinsabi ng batang ito.  "Hindi sa ganon bata. Gusto ko lang siya makausap." "Bugoy, sinong kausap mo diyan?" Napalingon kami pareho sa nagsalita. Siya iyon. Ang babaeng iyon.  "Napatingin ako sa babaeng iyon at halata sa mukha niya ang pagkagulat ng magkatinginan kami.  "Ate, gusto ka daw makausap ng lalaki. Nanliligaw yata sabi ko may nobyo ka na kaya hindi pwedi." "Bugoy, pumasok ka na sa loob, kakausapin ko lang siya." sabi niya sa kapatid. Lumabas ang babae at nakatingin sa akin.  She looks familiar. Parang nakita ko na siya bago pa dun sa tulay kagabi.  "Anong kailangan mo?" umpisa nung babae.  "I have something to ask." "Ano?"  "Ninakaw mo ba ang singsing ko?" "Wow ah. Pumunta ka dito tapos aakusahan mo akong magnanakaw?" "Hindi ba?" "Lasing ka ba ulit? Wala ka bang naaalala sa mga pinaggagawa mo kagabi?"  "Bakit anong ginawa ko?" "Seryoso ka sa tanong mo? Wala kang naaalala ka? Nung una muntik mo na kami sagasahan ng kapatid ko, tapos ngayon aakusahan mo akong magnanakaw." Bumuntong hininga pa ito bago muling magsalita. "Pam, wag mo akong iiwan, hindi ko kayang mabuhay ng wala ka." exagerrated acting nito na natatawa pa. "O hindi mo naaalala na sinasabi mo iyon kagabi?" "Wala akong sinasabi na ganyan." "E bat alam ko? Kaya ka naglasing kasi hindi tinanggap ng gf mo yung proposal mo." "Stop it. Hindi iyan ang nangyari. Tsaka wala kang alam. Kung wala sa iyo ang singsing, then you are wasting my time." Hakmang papasok na ako sa kotse nang muling magsalita ang babae.  "Nasa akin yung singsing. You don't remember? Nagpropose ka sa akin."  Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng babae. "What? Bakit naman ako magpopropose sa isang katulad mo? Give back my ring." "Paano kung ayaw ko?"  "Ipapupulis kita."  "Nagpropose ka sa akin kaya hindi ko iyon ninakaw." "How can I propose to a stranger? Malayong-malayo ka kay Pam." Nakaramdam ito ng inis sa sinabi ko.  "Wala kang natatandaan? Inagawan mo pa nga ako ng halik e. Kaya kung tutuusin ikaw iyong dapt kong ipapulis dahil manyak ka." "Really? I can't imagine myself kissing you." "Give back my ring dahil kung hindi ipapupulis kita." "Ayoko."  "Wag mong sayangin ang oras ko dahil hindi ako nagbibiro." "May proof ako na nagpropose ka sa akin kya hindi mo ako mapapapulis." "What?!" "May cctv sa poste malapit sa tulay. Edi icheck po dun." "Fine. Ipareview natin ang cctv na iyan dahil hindi ako naniniwala sa sinasabi mo." inis kong sambit sa kanya. Para magkaalaman na. The moment na napatunayan ko na mali ang sinasabi mo, ipapapulis kita.  "Pasok."  "Ah?" "I said get in the car at ipareview natin ang cctv." Nasa barangay na kami malapit sa kinallagyan ng cctv sa tulay. Doon ay magkakaalaman na.  Ilang minuto din ang nakalipas bago nila nahanap ang cctv footage. Doon ay biglang lumapit sa akin ang babaeng ito at niyakap ako. "Ikaw itong nagmamanyak sa akin." sambit ko.  "Ang akala ko magpapakamatay ka kaya pinipigilan kita." Hanggang sa hindi ako makapaniwala nang makita ko na hinalikan ko nga ang babaeng ito. At ilang sandali lang ay kinuha ko nga ang singsing sa suit ko at isinuot sa kanya. Para akong lumubog sa kintatayuan ko dahil hindi ako makapaniwala sa ginawa ko.  "See? Kaya hindi mo ako mappakulong." "Hindi sa iyo ang singsing na iyon kaya ibalik mo na. Hindi iyon para sa iyo." "Sige, ibibigay ko in one condition." "What? Money? How much?" "Hindi. Anong akala mo sa akin, mukhang pera?" " Eh ano?" "One week mong hatid sundo ang kapatid ko sa school"  "What? Busy ako sa trabaho ko. Bibigyan ko nalang kayo ng pamasahe." "Ayoko nga. Gusto ko ihatid at sundo mo kami." "No." "Sundo na lang. Kung ayaw mo, hindi mo makukuha sa akin ito." Napabuntong-hininga muna ako bago tuluyang sumagot. Naiinis talaga ako sa babaeng ito. "Fine." "Yan. Next Monday ka magsisimula tapos sa friday ko ibibigay. Basta ang uwi ng kapatid ko galing sa school 4:30 pm. Pero bago natin siya sunduin, ako munta ang susunduin mo sa bahay then sabay tayong pupunta sa school. Maliwanag?" "May choice pa ba ako?" naiirita kong sagot.  "Good boy." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD