Episode 5

1150 Words
Araw ng lunis at excited ako na makitang muli si gwapong masungit. Hindi ko alam kung ano ang pangalan niya.  Sa totoo lang ay gustong-gusto ko na isuot yung singsing kaya lang ay baka masalisihan ako ng llaking iyon at kunin bigla sa akin. Tsaka baka maholdup pa ako kapag nakita nila na suot ko iyon. Sinikap ko na itago talaga iyon na maigi dahil alam ko na mahalaga iyon sa kanya.  Ilang beses talaga ako napapasana all tuwing nakikita ko ang singsing na iyon. Siguro ay sobrang ganda nung babaeng iyon dahil ganoon na lamang katindi ang pagmamahal niya sa kanya. Ang swerte niya dahil ang gwapo at ang yaman niya. Sana lang ay makatagpo din ako ng katulad niya.  Hinatid ko na sa eskwelahan si Bugoy at dumeretso sa palengke dahil tutulungan sa pagbebenta ng mga gulay at karne si inay. Walang dahilan para mag-inarte ako dahil mahirap lang kami. Inisip ko na pagkatapos kong ibigay kay gwapong sungit ang singsing niya ay saka na lamang ako maghahanap ng trabaho. "Bakit nandito ka anak? Ayos lang ako dito, bantayan mo nalang ang itay mo sa bahay." sabi niya.  "Nay, tutulungan ko na muna kayo uuwi na lamang ako bago mananghalian para makapagluto pa ako." "Naihatid mo na ba ang kapatid mo sa eskwela?" "Opo nay. Susunduin ko nalang siya bago mag-alas kwatro." "Bili na po kayo ng gulay, sariwa po." sigaw ko. "Ate, bili na po kayo."  "Hello, Isay." napatingin ako sa nagsalita.  Ngumiti lang ako sa kanya. Si Isko iyon, kargador dito sa palengke. "Ang ganda-ganda mo talaga Isay. Hindi bagay ang ganda mo dito sa palengke." "Alam ko maganda ako. Pero walang dahilan para mag-inarte ako dahil kailangan namin magsipag para may makain." "Kapag ako ang naging nobyo mo, hinding-hindi kita hahayaang mapunta dito." "Hoy Isko itigil mo na iyan. May nobyo na itong anak ko kaya hindi na siya pwede." Alas onse na ng umaga ng magpaalam ako uuwi na para ipagluto si Itay. Nagdala ako ng isang bangus at mga gulay na sangkap pang sinigang. Paborito namin ang sinigang na bangus e.  Nang makauwi na ako ay nadatnan ko si itay na nagsasaing na.  "Mano po, itay. Ako na po diyan itay. Magpahinga na lang po kayo." "Hayaan mo na ako anak para naman may silbi ako kahit papaano." "Itay, ayan ka na naman e. Hindi po kayo pabigat okay. Heto po oh. Magluluto po ako ng sinigang na bangus, paborito natin." Ilang sandali lang ay natapos na ako sa pagluluto at sabay na kami kumain ni itay.  "Ipagdala mo ng makakain ang inay mo." "Naku itay. Bumili na po siya ng ulam doon at bago po ako umalis ay kumain na siya. Wag niyo na pong alaahanin si Inay." Alas tres na ang hapon at naisipan ko ng maligo. Siyempre excited ako na makita siya. Sana naman ay hindi siya sisira sa napag-usan. Well kung sisisra naman siya, bahala siya. Hindi ko ibibigay sa kanya ang singsing niya. Edi sa akin nalang iyon.  Lampas alas tres na ng hapon ay nakaready na ako. Nag-ayos pa nga ako ng kaunti. Nagpolbo ako at kaunting liptint. Siyempre ayaw ko naman magpahalata na nagpapaganda ako sa kanya.  Sumusulyap sulyap akp sa labas kung naroon na ba siya. Alas kwatro na ng hapon ay wala pa din siya. Nakaramdam ako ng kaunting inis. Nakalimutan na ba niya ang usapan namin? 4:20 ng hapon ng makita ko na pumarada at bumusina ang isang sasakyan. Pagkakita ko ay yung kotse niya na kulay puti ang naroon. Bigla ay napawi ang pagkainis ko sa kanya. Lumabas na ako. Sakto natutulog si itay kaya hindi na siya magtatanong kung sino ang nasa labas.  Paglabas ko pa lang ay marami ng mga mata ang nakatingin sa gawi namin, mga kapitbahay namin na walang magawa sa buhay kundi pagtsismisan ang nakikita nila.  Bumaba sa kotse si gwapong sungit. Nakasuit ito, katulad ng madalas niyang sinusuot. Siguro ay aling ito sa trabaho.  "Pasok ka na sa loob." inis na sabi niya.  "Aba siya pa ang may ganang magalit ngayon, siya nga itong late sa usapan e." Muli ay may mga matang nakatingin sa amin. Bahala sila kung anong isipin nila.  Sumakay ako sa kotse na. Sumulyap ako sa kanya at mukhang wala ito sa mood.  "Okay ka lang?" lakas loob kong tanong.  "Hindi. Dahil kailangan ko pang mag-undertime sa trabaho ko para lang sa gusto mong ito." Kita sa mukha niya ang pagka-inis. Alam ko ang may mali sa gusto kong ito, nasasakripisyo pa tuloy ang trabaho niya para dito.  "Sorry." mainang sagot ko sabay yuko.  "Gusto ko lang kasi maranasan ng kapatid ko ang sumakay sa ganitong kagara na sasakyan. Ay hindi, pati pala ako. Sa buong buhay ko hindi pa ako nakakasakay sa ganitong klaseng sasakyan. Chaka gusto ko din kasi maranasan ng kapatid ko ang hindi maglakad kahit pauwi lang. Simula kasi nung mag-aral siya ng Grade 1 ay naglalakad lang kami papunta at pauwi. One week lang, please. Pasensiya na." Katahimikan lang ang namayani pagkatapos ng tagpong iyon. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa eskwela.  Nabungaran ko na si Bugoy sa may gate eskwelahan nila. Bumaba ako sa kotse at pinuntahan ko siya.  "Bugoy!" tawag ko sa kanya.  "Ate. Akala ko hindi mo ako susunduin." "Sorry, nalate si ate. Tara na." "Binuksan ko ang kotse sa likod. " Sakay ka na." sabi ko.  "Po? Bakit po?" Tanong ni Bugoy na halatang naguguluhan. "Bumukas ang bintana ng kotse at nagsalita si gwapong sungit.  "Hey boy. Sakay na kayo." nakangiting sabi niya.  Kaagad naman tumalima si bugoy at sumakay. Sa back seat na din ako sumakay para katabi ko siya.  "Hey, driver ba ako?" "Ala namang ako ang driver?" balik kung tanong sa kanya.  "Dito ka sa harap umupo." sabi niya.  "Pero gusto ko katabi kapatid ko." "Fine." Muli ay naging masungit ito.  Tahimik lang kami habang nagbabyahe.  "Ate, ang ganda dito. Ngayon lang ako nakasakay sa ganitong klaseng sasakyan tapos ang lamig pa.  "Oo. hanggang friday tayo ihahatid ni gwap---" Naputol ang pagsasalita ko. Ayaw ko na malaman niya na gwapong sungit ang pangalan ko sa kanya.  Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bahay. Nauna ng pumasok si Bugoy sa loob at ako naman ay naiwan kasama siya.  "Thank you." sabi ko.bago tuluyang bumaba.  "Okay." "Hakmang papaandarin na niya ang sasakyan ng bigla ko siyang pinigilan.  Kumatok ako sa bintana ng kotse niya. Kaagad naman niya itong binuksan.  "Wait lang." "What?" tanong niya.  "Ano pangalan mo? Hindi ko pa kasi alam ang pangalan mo." "Kaya tawag mo sa akin gwapo?"Napangiti niyang tugon. Ang gwapo talaga niya kapag ngumingiti. Pero madalas naman siya masungit.  "Ahh ehh." Halos mamula pa ako sa sinabi niyang iyon. Nakaramdam pa ako ng kaunting hiya.  "Axel. Pero okay din kung gwapo nalang tawag mo sa akin." sabay kindat.  Para akong hihimatayin ng oras na iyon. Gosh. Para akong tinamaan ni kupido ng mga oras na iyon. Bat kinilig ako sa ginawa niya. Mabuti na lamang ay napigilan ko ang sarili ko kundi nakakahiya sa kanya. "See you tommorow." sabi niya bago tuluyang isinara ang bintana ng kotse. Hindi ako dalawin ng antok ng gabing iyon. Sariwa sa ala-ala ko ang gwapong mukha ni Axel. Ewan ko ba ang bilis bilis ng t***k ng puso ko. In love na yata ako sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD