ILANG SEGUNDO pa siyang napatitig sa nakita gayong kahit kailan ay hindi niya inaasahan na magkakaroon siya ng ganoon kamahal na sasakyan. Isang brand new car na Kia Stonic ang bumungad sa kaniyang harapan habang nakaparada ito sa tabi ng Toyota Vios ng nobyo, at sa tingin niya'y bagay na bagay talaga iyon para sa isang babae dahil sa kulay mustard ito. Maya-maya pa'y inilahad pa sa kaniya ni Geofferson ang susi ng kotse na iyon na hindi niya alam ay christmas gift sa kaniya ni Geofferson. "Merry christmas, Mads. Actually, downpayment pa lang ang nailaan ko para riyan, kasi nga, biglaan lang din na nag-decide akong iyan ang iregalo sa'yo. I know that you would love to receive an affordable gift, but I would definitely say that you deserve it, and rest assured na tuloy-tuloy ko 'yang huhu

