"Merry christmas!" masayang pagsalubong ng mag-asawang Jasmine at Travis, habang kasama rin ng mga ito si Tita Miram at Baby Mara. Natupad nga ang usapan ng malapit na magkaibigan na dadaan sa mansyon ang mag-asawa. Bagay na ikinasaya nang sobra ni Madison. Bagama't nakahanda na ang kaniyang regalo sa mga ito ay nakahanda na rin ang kaniyang sarili para i-abot sa mga ito ang mga regalo. "Merry christmas!" masayang pagbati rin niya gayong isinalubong niya sa mga ito isa-isa ang inihanda niyang mga regalo. "Wow, mayroon din pala ako! Thank you, Madison!" masayang wika ni Travis matapos tanggapin ang regalo. "Thank you, Madi!" masaya ring sabi ni Jasmine. Napangiti naman siya at saka dumukot pa sa kaniyang hawak na santa bag. Doo'y sumentro pa siya ng tingin kay Tita Miram habang karga

