"BUT WHY did you let her to go?" inis na sabi ni Geofferson matapos nitong mabuking ang ginawa niyang paghahanap kay Adelle. "Carl, ayoko lang naman mawalan ng isang magulang ang anak niya. Nakakulong na si Allan, 'di ba? At kawawa naman ang bata kung pati siya ay makukulong din, kaya nga ipinagpapasadiyos ko na lang ang lahat, e." Nakita niya ang pag-iling ni Geofferson. "Kahit na, hindi mo siya kailangang kaawaan. Mads, sa patong-patong na kasalanang ginawa niya sa atin, do you think ay kaya kong palampasin 'yon? Saka bakit kasi umaksyon ka nang hindi ko alam? Hindi mo ba naisip na p'wede mo 'yong ikapahamak?" Napayuko siya. "I'm sorry, gusto ko lang naman talagang ipaalala kay Adelle ang mga kasalanan niya, e. Nang sa gano'n ay makonsensya siya at tantanan niya na tayo." Nanatil

