HINDI PA rin magawang tanggapin ni Madison kung paano pinalabas ni Geofferson sa dalawang kaibigan na buntis siya. Bagay na nagbigay ng malaking katanungan sa kaniya. Ano bang pinaplano nito? At ang isipin na baka lalo lang nitong ma-disappoint ang ina nitong si Mrs. Lorie Prieto. Tahimik na sa kabuuan ng condo simula nang magpasyang umuwi ng mag-asawang Sabrina at Topher. Pakiramdam din kasi ng dalawa ay hindi komportable si Madison sa usapan. In fact, ay totoo naman. At lubos din niyang hindi matanggap ang kalokohang sinabi ni Geofferson sa mga kaibigan. Kaya naman nang magkaroon silang dalawa ng oras para makapag-usap ay hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa. "Bakit mo sinabi sa kanilang buntis ako? Ano bang pinaplano mo?" "Mads, ito na lang ang nakikita kong paraan para magbago pa an

