WALANG KAHIT anong bulaklak o tsokolate katulad ng ibang magkasintahan sa tuwing sinusuyo ang babae. At sa halip-- ay isang dosenang pizza, creamy carbonara at softdrinks ang bumungad sa kaniya pagkauwing-pagkauwi. "So, kaya pala hindi mo ako nasundo?" pagbungad niya rito kahit ang puso niya'y hindi mapigil sa pagtibok. "Hinintay mo ako?" ganting tanong nito. Inilapag niya ang kaniyang shoulder bag sa may sofa bago pa man lumapit sa nobyo. Saka may kung anong kinuha at itinago muna sa likuran habang naglalakad palapit dito. "Pero okay na rin 'yon, kasi hindi ko mabibili 'to kung sinundo mo ako." Doo'y ipinakita niya sa harap nito ang chocolates na nakalagay pa sa box. Unti-unting napaawang ang bibig ng nobyo bago pa man siya balikan ng tingin. "Chocolates? Ikaw na ayaw tumaba, pero

