Chapter 2

1091 Words
HE DROVE his Toyota Vios as he came in the condo unit. Laman pa rin ng isipan niya ang senaryo kung paano nakasama si Madison ng halos buong araw nang walang nangyayari sa kanila. And it's unbelievable to think that he was rejected by his evil plans. Mukhang nacha-challenge talaga siya sa dalaga. Who would able to believe that he could feel his heart to beat again? Pero ayaw niya naman madaliin ang kaniyang puso dahil ayaw niyang masaktan ulit, basta ang tanging nasa isip niya lang ay gusto niyang maangkin ang dalaga. At pagkatapos no'n ay doon niya lang malalaman kung talagang gusto niya ito. Nahiga na siya sa kama, bigla niyang naalala ang mga batang pasyente na umaasa sa kaniya araw-araw. Sino ba namang tangang lalaki ang ipagpapalit ang kaniyang propesyon para lang sa isang babae? And it was him. Kaya naman nagmamadali siyang i-dial ang personal number ni Adelle. It was nine in the evening and he was thinking that it is still awake. "Hello, doc? Bakit ka napatawag?" "O, sorry if I disturb you, Adelle--" "No, it's okay, doc. So, how's your day?" "It's fine. But I just called to ask if how's the clinic without me?" Narinig niya ang simpleng paghagikhik nito. "Don't worry, doc. Nagawan ko agad ng paraan. May available na pedia doctor galing sa ibang hospital. So you don't have to worry." Napahinga siya ng maluwag sa narinig. "Okay, I promise that it will never happen again." "O, so you are compromising for the girl that you are dating, Geoff?" Hindi siya nakasagot agad sa itinanong nito. Tila hindi lang siya sanay na tawagin siya nito nang gano'n. At oo, close talaga sila ni Adelle kung kaya't mayroon siyang personal number nito. Para na rin maging updated siya kung sakaling may dumating na problema sa clinic o kung gumawa man siya ng isang problema katulad nito. "Doc? Are you still there?" "Ah yes." "Yes for what? Kung nandiyan ka pa o kung nagdadalawang isip ka ba sa babaeng naka-date mo?" Sandali siyang napangisi at piniling 'wag sabihin ang totoong nararamdaman. "Of course, you know me, Adelle. Pangkama lang ang habol ko sa isang babae." Doo'y tila natameme si Adelle, dahil sa sarili nito'y nagtatago ang lihim na atraksyon para kay Geofferson. At ilang segundo pa ang lumipas ay hindi niya inaasahan ang sasabihin ni Adelle, "Gusto mo bang magpunta ako riyan, doc? Ahm, tutulungan kita para naman magbago ang pananaw mo sa babae." Napapikit siya sa narinig na 'yon. Palay na ang lumalapit sa kaniya. And who is he to reject it? If he was the most womanizer at all? "O, sure. I'll wait for you." Hours later at hindi siya binigo ni Adelle para puntahan sa kaniyang condo. It's already ten o' clock when Adelle came, wearing a black knitted long sleeve top and tattered high waist jeans. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon gayong ngayon niya lang ito nakitang nakasuot ng gano'n dahil nakasanayan niyang tingnan ito ng naka-uniporme. "B-bakit ganiyan ka kung makatingin, doc?" Ang boses nito ang bumasag ng katahimikan sa pagitan nila. "Ah, pasok ka," pang-aaya niya. At ano pa nga ba ang kaniyang iisipin kapag pumasok ng condo niya ang isang babae? Hindi ba't i-aalay nito ang sarili nitong katawan para sa kaniya? Naglabas siya ng dalawang bote ng meztiza cordilleras at binuksan iyon habang hindi naaalis ang pagkakatingin sa kaniya ng dalaga. "So, ganito ba ang daily routine mo after duty?" Napalingon siya sa direksyon nito at nag-umpisang maglakad papalapit dito habang iniaabot ang bote ng beer. "Honestly, no. Pero dahil ginusto mong maka-bonding ang isang Geofferson Prieto, I would spend my time with you. And you know me, Adelle." Napaangat ang tingin sa kaniya ni Adelle matapos niyang sabihin iyon habang tinutungga ang bote ng beer. "Iniisip mo ba na nagpunta ako rito para sa bagay na 'yon?" Ang tinutukoy nito ay ang bagay na hindi pa nito ibinibigay sa kahit na sino. "Of course, ikaw ang lumapit, right? So, ano pa nga bang gagawin natin after this?" Ilang beses na napailing si Adelle bago pa man siya mabilis na paghahampasin nito sa dibdib. "Damn it, Geoff, I know you. Pero magkaibigan tayo para gawin ang bagay na 'yon!" Nanginginig ang bibig nito habang sinasabi 'yon pero napangisi lamang siya subalit unti-unting napawi ang ngising 'yon sa sumunod na sinabi nito, "And for pity's sake-- ayoko namang gawin 'yon nang wala kang nararamdaman para sa'kin." Sandaling napaawang ang labi niya sa sinabi ng dalaga at para siyang nauhaw sa halik nito dahil mabilis niya itong siniilan ng halik na unti-unting nagpahina ng tuhod nito para malaya niyang sakupin iyon ng kaniyang labi. Pero para siyang napahiya sa harap nito nang bigla na lang siyang itulak nito. "Damn it, Geoff. Are you out of your mind? Hinding-hindi mo ako maigagaya sa mga babaeng naikakama mo!" Halos sampalin siya ng mga salitang iyon at hindi maitatangging may isang tao siyang naalala nang sabihin iyon sa kaniya ni Adelle-- walang iba kundi si Madison. At nang balikan niya ng tingin si Adelle ay maluha-luha na ang mga mata nito. "I'm sorry," tipid at klarong sabi niya bago pa man siya nito tuluyang talikuran. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kahihiyan, dahil ultimo ang babaeng itinuturing siyang kaibigan ay binastos pa niya. Nagawa pa niyang ubusin ang natitirang laman ng beer na nasa bote bago pa man magpasyang habulin si Adelle. Ayaw niyang sayangin ang pagkakataon na iyon dahil para niya na rin sinaktan ang babaeng nagugustuhan niya ngayon kung hahayaan niya lang itong makaalis nang may kinikimkim na galit para sa kaniya. And it was good to see dahil nahabol niya naman ito hanggang sa may lobby. "Adelle, I'm sorry, please. Kausapin mo naman ako." At nang muli siyang harapin nito ay halos matameme siya sa pagtatapat nito ng tunay na nararamdaman para sa kaniya. "Para saan ba ang sorry mo, Geoff? E, kahit ano namang gawin ko ay hindi mo ako magugustuhan! G-gusto kita, doc. Gustung-gusto kita pero ayokong magpakababaw para sa'yo para lang makaraos ka. Gusto kong gawin 'yon, oo-- pero hindi sa paraang gano'n, Geoff. Sana lang ay natauhan ka na, na hindi lahat ng babae ay papatulan ka pagdating sa kama." Hindi siya nakapagsalita sa mga sinabi ni Adelle. At katulad nang naging senaryo niya kay Madison ay tila naulit na naman iyon. Naiwan siyang tulala habang iniisip ang kahihiyan na ginawa. At nakita niya na lang ang kaniyang sarili na nagpapakalugmok sa alak sa isang malapit na beer house.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD