Chapter 1

1093 Words
IF THERE is a great womanizer award, it belongs to Geofferson Prieto. A son of a mafia boss which could brought him to be a bad version of himself and made a crime for the one who was captured his heart, Mirasol Kylie Llaneta. Subalit, hindi kagaya ng ibang magkarelasyon ay pinalad silang magmahalan nang matagal dahil maagang nagwakas ang buhay nito. At wala siyang sinisisi hanggang ngayon ay ang kaniyang ama na habang buhay nang nakabilanggo sa kulungan. Ilang taon na ang nakalilipas pero parang sariwa pa rin sa kaniya ang pagkamatay ni Mara. At ang ikinagi-guilty pa niya sa sarili ay sa tuwing nakikita niya ang kakambal nitong si Jasmine ay kaniyang naaalala ang mga sandaling kapiling pa ang dating kasintahan. Kung kaya para sandaling makalimot ay ginawa niyang solusyon ang pakikipag-one night stand sa bawat babaeng nakaka-date niya. He was not a boyfriend material despite of his good profession, maybe because he could not ever met the one who is going to change him. And one day, a guy like him was turning upside down, when he just met Madison Agcaoili in his best friend's wedding. Sadyang pinukaw nito ang kaniyang atensyon at naging confident siya na mabilis niya itong makukuha. Pero nagkamali siya, dahil iba si Madison. "How could you do this to me, Geofferson? Ngayon mo lang ako nakilala!" Isang sampal ang nakapagpagising sa kaniyang kahibangan. "I'm sorry," tanging nasabi niya. At maluha-luhang tumakbo si Madison matapos bumaba ng kaniyang Toyota Vios. At bago pa man tuluyang magmaneho ay muli niyang hinawakan ang labi na nalapatan ng labi ng dalaga. Animo'y ninanamnam niya iyon kahit hindi siya nag-enjoy sa halik na 'yon. At tanging si Madison lamang ang gumawa no'n sa kaniya. Iyon na yata ang pinakanakakahiyang nangyari sa buhay niya. Kaya naman nangako siya sa sarili na huhulihin niya ang kiliti nito para maangkin ang dalaga, dahil para sa kaniya ay walang p'wedeng tumanggi sa isang Geofferson Prieto. Pagkarating niya sa clinic ng St. Claire Medical Center ay sinalubong siya ng magandang ngiti ng kaniyang secretary na si Adelle. "Good morning, doc!" Pero imbes na ngitian ito ay tanging pagtango lang ang ibinungad niya rito. Pero hindi pa man siya tuluyang nakakatalikod ay muli itong nagsalita, "May naghahanap po sa iyong babae, doc." Agad siyang napabalik ng tingin. "And who is she?" At bago pa man makasagot ang kaniyang secretary ay narinig na niya ang isang pamilyar na boses mula sa kaniyang likuran. "Ako." Awtomatikong bumilis ang t***k ng puso niya sa kaba. Dahil hindi pa man siya tuluyang nakakaharap dito ay ramdam na niya ang umuusok nitong tingin. "Mads," tanging pagtawag niya rito. At naka-crossed arm lang itong humarap sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito? At paano mo nalaman kung saan ako nagki-clinic?" tanong niya. "It doesn't matter, Geofferson. Pero ilang oras kang magki-clinic dito?" tanong nito na hindi niya inaasahan. "Ahm, almost one day, wala kasi akong kapalitan ngayon." Napaawang ang labi nito sa sinabi niya. "So, hindi mo pala ako masasamahan?" Muli siyang napaangat ng tingin dito. "Teka, saan naman tayo pupunta? Hindi ba't galit ka pa rin sa'kin?" "Kaya nga nandito ako para makabawi ka sa kasalanan mo, liligawan mo ako, 'di ba? So, have a date with me," ma-awtoridad na anito na unti-unting nagpalabas ng ngiti niya. Pakiwari niya'y may gusto na rin ito sa kaniya nang ganoon kabilis. At aaminin niya sa sarili na nagugustuhan niya iyon. Pero agad na natapos ang masayang isiping iyon nang tila sumampal sa kaniya ang realidad na kailangan siya ng trabaho niya. "Pero, how's my job?" "Wala pa namang pasyente, 'di ba? So, sa akin ka muna." Hindi niya maintindihan ang nararamdaman kung gaano siya binabaliw ni Madison sa mga sinasabi nito. Para bang biglang nagbago ang timpla nito dahil ito na mismo ang lumalapit sa kaniya. "Baka naman may plano itong babaeng 'to," nasa isip niya. Kaya naman bago pa siya sumama kay Madison ay maayos siyang nakiusap kay Adelle. Tutal naman ay ginto ang oras ng mga doktor kung kaya't tiyak na makapaghihintay ang mga pasyente. "Adelle, if ever may patient man na dumating, pakisabing I will be late. I have to be with someone, who is special to me." Sandali pa siyang napalunok sa sinabi niya. Siya ba talaga si Geofferson? Kailan pa siya nagpahalaga sa isang babae? At ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita, "Just give me two to three hours of waiting, thank you." "Alright, sir. Pero baka p'wede po naman akong tumawag nang p'wedeng pumalit sa'yo, today, doc? Mula sa ibang hospital? Is that possible?" "Okay, if there is an available, pedia doctor, much better. Thanks, Adelle," wika niya at saka ito napatango sa sinabi niya. - Kaya naman wala ng dahilan para matanggihan niya si Madison. "Saan mo gustong mag-date?" Nakita niya ang pag-iling ni Madison. "I was surprised to hear that, hindi ba dapat alam mo na kung saan dapat dinadala ang mga babae? Sabagay, babaero ka at hindi marunong magseryoso, Geofferson at hindi na ako magtataka," wika nito na nagpatameme sa kaniya. Hindi niya lubos akalain ang pagiging prangka nito na sasampal sa kaniya. "Mads, hindi lang naman ang lugar na 'yon ang alam ko," pagtatanggol niya sa sarili. Kaya sandaling napangiwi si Madison. At dahil first time nilang mag-date ay idinala niya ito sa isang over looking na tanawin sa Antipolo. "I enjoyed a long ride and thank you dahil idinala mo ako sa tamang lugar," wika nito na nagpalingon sa kaniya. "Nagseryoso rin naman ako no'n, Mads. Kaya hindi lang inn ang alam kong lugar para dalhin ang isang babae," sagot niya na sandaling nagpataas ng kilay ni Madison. "I know, Jasmine told me na na-inlove ka sa kakambal niyang si Mara." Sandaling napaawang ang labi niya. Muntikan na niyang makalimutan na close friend nga pala ito ni Jasmine kaya hindi malabong mai-kuwento no'n sa dalaga ang kaniyang past relationship with Mara. "Yeah, it's been years, Mads, and sa tingin ko ay ngayon lang ulit ako nagseryoso," wika niya habang nakatanaw sa mga tanawin. At hindi alam ni Madison kung paano sasagot sa sinabi niyang iyon. Knowing that Geofferson is a certified womanizer, and it was hard for to trust easily. Halos isang araw silang nagkasama ni Madison at wala silang ibang ginawa kundi ang mag-foodtrip, roadtrip at mag-over looking. At tanging kay Madison niya lang ulit iyon naranasan matapos ang relasyon kay Mara. Aaminin niyang matapos niyang mapahiya kay Madison, sa pag-aakalang kagaya lang ito ng mga babaeng naikakama niya ay mas lalo siyang na-challenge na maghintay at 'wag madaliin ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD