NAIWANG MAG-ISA na muna sa may recovery room si Mr. Gio Prieto habang nagpapahinga ito. Kaya naman nagkaroon sila ng pagkakataon ng kaniyang ina upang muling makapag-usap. "What do you want to eat, mom? Bibili na muna ako sa labas." "Ahm, anything that you want, hijo. Alam mo naman ang paborito ko." "Okay, mom, just wait me here," sagot niya na may tipid na ngiti. Maglalakad na sana siya paalis nang maramdaman niya ang pagpigil nito sa kaniyang braso. "Sandali." Kaya agad naman siyang napabalik ng tingin habang bahagyang napataas ang kaniyang kilay. "Ah, I'm just wondering about you, if there's something that bothers you?" "Ahm, honestly, ay may nais sana akong hingin na tulong kay dad. Ang kaso, he was still recovering, kaya siguro ay makakapaghintay naman ako." "But tell me, w

