Chapter 30

1544 Words

"Pambihira, traffic pa," inis na sabi niya sa gitna ng biyahe. Sandaling napatanday ang braso niya sa manibela. Habang sandaling binalikan sa isipan ang naging usapan nilang tatlo nina Madison at Jasmine. "Oo, sa totoo lang ay plano na talaga naming mag-anak ni Travis," nakangiting sagot ni Jasmine sa naging katanungan niya. "Masaya ako para sa inyo, Jas. Magiging isa na kayong buong pamilya. Basta, 'wag kakalimutang kunin akong ninang, hah?" Sandali pang napangiti si Jasmine. "Oo naman, siyempre, ninong at ninang kayong dalawa ni Geofferson pati na rin ang lahat ng tropa ay kukunin naming ninong at ninang, maliban kina Sabrina at Laarni, ninong at ninang na kasi kami sa mga anak nila, e." "Naku, madadagdagan na naman pala ang inaanak ko," may halong biro na sabi niya. Dahilan para

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD