"NAKALAYA NA raw si Allan Corpuz, at alam mo kung sino ang tumulong na magpiyansa sa kaniya?" balita niya sa nobya nang makauwi siya sa condo. At kahit parang ramdam niya na may tampo itong nararamdaman ay kinuha niya ang sandaling iyon para kausapin ito. "Sino?" "Si mommy." Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "E, natural na tutulungan siya ni tita dahil minsan nang nakahingi ng pabor sa kaniya ang mommy mo," tila walang emosyong anito habang nagpapalit ng bedsheet. Bagay na hindi niya naman pinalampas para ito'y komprontahin. "Nagtatampo ka, 'no?" "Hah? At bakit naman ako magtatampo?" Napangisi siya. "Malay ko? But it seems that you are lying." Bahagya itong napalingon sa kaniya. "Ang paalam mo lang kasi ay sandali lang kayong magkakasama kaya hindi mo ako nasundo, kasi n

