HINDI RIN naman nagpahuli si Adelle na suyuin muli si Mrs. Prieto, bilang kapalit na pabor nang itinulong ni Allan sa kaniya. Perhaps, wala namang problema sa kaniya kung talagang wala na itong tiwala sa kaniya ngayon, pero umaasa siya na isang araw ay ito mismo ang hihingi ng kapatawaran sa kaniya. "Tita, umaasa po si Allan na matutulungan mo siyang makapagpiyansa." Pinagmasdan siya nito nang mabuti, kung saan ay nakatayo lamang siya habang nakaupo naman ito sa mismong office nito, na kung hindi pa dahil kay Joel ay hindi niya malalaman kung saan ito p'wedeng makita. "Kailan pa kayo muling nagkasundo ni Allan Corpuz, kung una pa lang ay itinanggi mo nang siya ang ama nang dinadala mo." "Hindi naman kami magkaaway, tita. Pero kung tatanungin mo kung bakit ginagawa ko 'to, it's because

