HINDI NIYA alam kung bakit nakita niya na lamang ang sarili na sinusundan si Jessica habang naglalakad ito palabas. At napakahipokrita niya naman kung kaniyang sasabihin na wala siyang pakialam sa pinagdaraanan nito. Kahit pa minsan na nitong sinubukang sirain ang image niya. Hindi niya alam pero parang may nag-uudyok sa kaniya na alamin ang dahilan kung bakit nito sinubukang mag-suicide. Nagkataong may mangilan-ngilang tao ang makasasalubong mula sa exit ng girls rest room. Kaya naman sinamantala niya iyon upang hindi nito mapansin na nakasunod siya. Pero hindi niya naman akalain na sa kaniyang pagsunod ay sasalubungin siya roon ni Jasmine. "Ay, anak ng pating!" bulalas niya at doo'y hindi nito napigilan ang matawa. "Jas naman, bakit ba bigla ka na lang sumusulpot?" "Ako? E, gusto ko

