THE BEAM of street lights in the middle of the night has been giving an emotion around. Just how their hearts were emotionally happy at the moment. At kagaya nang napag-usapan ay doon nga niya nagawang kainin sa apartment ni Madison ang in-order na spaghetti at fries sa isang fastfood. Doon pa rin siya pumwesto sa nakasanayang pwesto mula sa sofa na nasa living room. Habang pinili na munang mapag-isa ni Madison sa may k'warto upang gawin ang naiwang trabaho. Kaya naman nagkaroon siya ng me time at oras na rin para ilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Bale, mini size lamang ang sofa set ni Madison, mayroon itong apat na kuwadradong pillows at pa-L shape naman ang kabuuan ng sofa kung kaya't sakto lamang iyon sa space ng apartment. Nakadikit naman sa dingding ang twenty four inches niton

