"BILIB DIN ako sa pagiging totoo mo sa kaniya, Geoff, kahit nanliligaw ka pa lang!" wika ni Travis sa kaniya. He decided to visit their home right after they had a serious conversation with Madison. Tutal naman ay palaging si Topher ang iniistorbo niya sa tuwing may problema, at kailangan din naman nitong makahinga sa mga hinaing niya sa buhay. "O, uminom na muna kayo. Teka, bakit kasi biglaan ang pagbisita mo? Hindi ka man lang tumawag o nag-text man lang?" wika iyon ni Jasmine habang inilalagay sa lamesa ang pitsel na naglalaman ng juice at dalawang babasaging baso. Saka nito isinunod na ilabas ang vodka at potato snack. "Iyon, o! Ito talaga ang gusto ko sa tuwing bumibisita rito, e!" masiglang aniya. Saka pa siya sumulyap kay Jasmine. "Anyway, thanks, Jas." Bahagya itong napangiti

