HINDI NIYA alam kung ano ba ang mararamdaman mula sa mensaheng iyon. Batid niya na walang matibay na basehan para paniwalain ang sarili na sign na iyon ng bagong pag-asa para sa kanila ni Madison. At anuman ang kahulugan ng mensaheng iyon ay nais niya pa ring kumapit sa paniniwalang may natitirang katiting na pag-asa para sa kanilang dalawa. At bago pa man matapos ang kaniyang oras sa trabaho ay nagpaalam na siya sa ina na sa ibang araw na makakabisita. Naunawaan naman siya ng ina at sinabi nitong may kapalitan naman na ito sa pagbabantay. Bagay na nakapagpanatag sa kaniya. Samantala'y dumating siya sa venue nang medyo late lamang ng ilang minuto sa oras na sinabi ni Madison. Sa Makati square sila nagkita dahil iyon ang madalas na pasyalan nina Madison at Jasmine sa tuwing pagkatapos ng

