KINABUKASAN nga'y na-i-schedule na si Geofferson for blood donation doon sa may blood bank donor room. In fact, kahit oras ng duty niya ay ipinagpaalam naman siya ni Dr. Esguerra sa HR na mayroon siyang appointment para sa blood donation. Ang kaso ay saglit niyang naalala ang naging usapan nila ng nobya kagabi matapos umuwi at maiwan na lamang na bantay si Jenny. "Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong mag-donate, Carl?" "Mads, just like I told you, that once I said it, I said it," desididong aniya. Buong akala niya ay magiging sapat na ang kaniyang dahilan sa nobya, ngunit hindi niya batid na may magiging katwiran pa ito. "Pero hindi biro ang mag-donate, Carl. Lalo na't doctor ka, sa'yo dapat unang nagmumula ang malakas na pangangatawan." Doon niya hinawakan sa magkabilang balika

