"GRABE 'YUNG pagka-hero mo ro'n, bro!" hindi napigilang pagpuri sa kaniya ni Topher kinabukasan nang magkita sila sa hospital. "Of course, I will do everything for Brent. At tumulong ako just because may utang na loob din ako sa kaniya." Doo'y kumorte nang pagkaseryoso ang labi ni Topher. "Anyway, bro, about sa hinihingi mong tulong para kay Brent, later ko na i-aabot, alam mo naman na naka-safety ang pera namin ni Sabrina." "Okay, e, bakit hindi na lang kaya ikaw ang mag-abot kay Jenny later? Para na rin mas makilala mo siya." Sandaling napangiti si Topher. "And anyway, I will contact Travis, Dave and Andrei about this para makapag-prepare na rin sila ng pera as a help." "O, sige, kukumbinsihin ko rin muna si Sabrina na kung p'wede ay galawin na muna namin ang kaunting funds para m

