"ANONG NAKAIN mo at bigla kang nakipagkita? Hindi ba't no'ng huli tayong magkita ay halos isumpa mo na ako? Ayaw mo pa nga sanang maniwala na wala akong kinalaman sa pagpapadakip kay Madison, e!" Ramdam niya ang inis sa tono ng boses nito, nang magkita sila sa isang coffee shop matapos niyang maihatid sa condo si Madison. Nais niya na sana itong walk-out-an, pero naisip niya ang dahilan kung bakit ginusto niya muling magkaroon ng koneksyon dito. "I'm sorry, okay? Pero masama bang i-reminisce kung paano tayo naging close noon?" Bahagyang napaawang ang labi nito sa sinabi niya. "Anyway, what do you prefer to eat and drink?" "Ikaw?" Bahagya siyang natigilan sa tila makahulugang anito. Subalit binawi naman nito agad 'yon ng mga katagang, "Kung anong gusto mo ay iyon na lang din ang sa'kin."

