Chapter 6

2171 Words
HE WOKE up by next day while still carrying the thinking of what happened yesterday. Until he started to fix his bed and act like there's nothing to worry about. Kumuha siya ng kape sa may coffee mixer at pagkatapos ay dumiretso sa may terrace, saka nagsindi ng yosi nang maupo sa may gravity chair. Kagaya nang nakasanayan sa tuwing may hang over ay wala siyang ganang kumain ng mga oras na 'yon. Kaya sapat na ang yosi at kape sa umaga. Habang humihithit ay saka naman siya napabaling ng tingin sa may front door ng kaniyang condo unit, nang marinig na may nag-doorbell. Kung saan ay tumatagos ang reflection niyon kahit na naroon siya sa may terrace, dahil gawa sa glass window ang dingding sa pagitan ng kaniyang k'warto at terrace. Bago pa man siya tumayo ay bahagyang napakunot ang kaniyang noo dahil wala naman siyang inaasahang bisita ng gano'n kaaga. It was eight thirty in the morning. Kaya naman sa labis na pagtataka ay sandali niyang inilapag sa ashtray ang kaniyang yosi nang hindi mamamatay nang kusa ang baga nito. Saka pumasok sa kaniyang k'warto upang magtungo sa may main door. As he opened the door, the only thing that was running on his mind is to think about who the person was standing behind the door. Hanggang sa mamataan na niya ang hindi inaasahang bisita ng mga oras na 'yon. It was Adelle. Sandali pa siyang napalunok nang magtama ang kanilang mga mata. Aaminin niya na magkahalong emosyon ang kaniyang nararamdaman ng mga sandaling iyon-- pagtataka na may halong munting kasiyahan. Dahil bagama't hindi naging maganda ang kanilang huling pagkikita ni Adelle ay ramdam niya pa rin na handa pa rin itong maging kaibigan para sa kaniya. "O, what brought you here? Anyway, please come in." Napatango naman ang dalaga habang paikot-ikot ang tingin nito sa kaniyang condo. "Please take your sit," dagdag pa niya. At doo'y napaupo naman si Adelle sa may sofa habang nananatili pa rin tikom ang bibig nito. "So, what do you prefer to drink? Coffee, water or juice?" "No, I'm okay," pagtanggi nito, bagay na bahagyang ikinakunot ng noo niya. Aaminin niyang kinakapa pa niya ang bawat segundo para sa kanila pero willing naman siyang humingi ng tawad sa kahit anong oras. "O, see, p'wede bang lumipat tayo roon sa may terrace? Hindi pa ako tapos magyosi, e. And I guess, it's a perfect time to say sorry about what I did to you last time." Walang sagot-sagot ay napatayo na rin si Adelle at sumunod sa kaniya. Subalit nang palabas na sana siya ng terrace ay nagulat siya nang biglang isara ni Adelle ang sliding door na nagsisilbing lagusan patungo sa terrace. Doo'y sandali siyang napatitig sa naging aksyon ng dalaga at kapagkuwa'y hindi naiwasang magtama ng kanilang mga mata. Lalo na nang magsalita ito. "Okay na 'yon." Pero kahit nangingibabaw ang kaniyang pagtataka ay tipid pa rin siyang natawa. "But what's going on you? Kagabi lang ay tila kinonsensya mo ako sa message mo and now--" natigilang aniya. "Nakonsensya ka nga ba, Geoff?" Sandali siyang napaatras mula sa kinatatayuan nang humakbang ito palapit sa kaniya habang mataman siyang tinitigan ni Adelle. Hanggang sa hindi niya namalayang mabilis itong nakapaghubad ng pang-itaas na damit sa harapan niya. Dahilan para malaya niyang makita ang suot nitong front clasped push up bra. Mapang-akit ang tingin nito na hindi niya naman nakita kanina. Nanatiling nakatakip ang suot nitong bra habang nagmamadali itong sumugod ng halik sa kaniya. At doo'y mabilis niya naman itong naitulak. And the moment has become awkward between them. "Adelle, I don't understand you. Why would you act like this?" walang alinlangang tanong niya matapos itong maitulak. Subalit pagtataka ang namamayani sa kanilang mga mata habang unti-unti niyang nakita ang pagpatak ng luha ni Adelle. "Bakit? Ito ang gusto mo, 'di ba? Ang katawan ko? Kaya naisip ko na, baka naman p'wede kong ibigay 'to sa'yo para mahalin mo rin ako." Tila napapiyok na ito sa mga naging huling kataga. Pero kataka-taka dahil hindi niya ito magawang samantalahin ng mga oras na 'yon. Until he has the courage to clear everything. "Adelle, mali 'to. At hindi ganito ang Adelle na nakilala ko." Biglaang nasabi niya sa kawalan. Gayong hindi niya maintindihan kung paano biglang nagbago ang mga kilos ni Adelle. Pero ang mas lalong hindi niya maintindihan ay ang pagbabago sa kaniya. What's happening to him? Hindi ba't isang laglag lang ng panty ng babae sa kaniya ay pinapatulan na niya? Ilang sandali pa ay nakita niyang dinadampot na ni Adelle ang nahulog nitong pang-itaas na damit sa sahig. Habang walang lingon-lingong umalis ng kaniyang condo. At doo'y napahalukipkip na lamang siya sa sariling mukha habang hindi pa rin siya maka-move on sa nangyari. Hindi niya lubos akalain na may babaeng willing isakripisyo ang sarili nitong puri para sa kaniya na ilang babae na ang naikama. Saka niya hindi napigilang kausapin ang sarili. "s**t! What's going on you, Geoff? You should grab the chance, pero pinalampas mo." Until he would realized that his words were wrong. At saka niya ito binawian ng, "No, tama ang ginawa mo, Geoff. You should keep away yourself from temptation. At patunayan mo kay Madison na nagbabago ka na." Matapos niyang sabihin 'yon ay tila nanibago pa siya sa sarili at naitanong sa isipan na, "What is really going on me? Ako pa ba 'to?" Hanggang sa mapailing na lamang siya sa isiping iyon. Sinikap niyang balewalain ang nangyari at nagtrabaho pa rin nang maayos kahit sadyang nakakapanibago ang awra ng kaniyang clinic. Sadyang hindi niya makalilimutan ang naging friendship nila ni Adelle, pero hindi niya rin naman lubos na matanggap na labis itong nasasaktan ng dahil sa kaniya. Hanggang sa hindi niya namalayan ang boses ni Jenny, bilang kaniyang bagong secretary. "Excuse me po, doc. Kanina pa po naghihintay ang mga pasyente." Napasulyap naman siya sandali kay Jenny. "Okay, just tell them that I'm here. Thanks." Napatango naman si Jenny at ibinalita sa mga pasyente na naroon na si Dr. Prieto. So far ay nakapagtrabaho pa rin naman siya nang maayos kahit maraming tumatakbo sa kaniyang isipan. Ang kaniyang problema kay Adelle at ang kaniyang pagbabago para kay Madison. Aaminin niyang pareho namang may bahagi sa buhay niya ang dalawa, pero ang pinagkaiba lang ng dalawa ay kaibigan lang talaga ang kaya niyang maibigay kay Adelle, habang may espesyal naman siyang nararamdaman para kay Madison. Matapos mag-clinic ay dumiretso na muna siya sa isang convenience store dahil nakaramdam na siya ng gutom. Um-order siya ng ready to eat na lunch meal at ininit sa may microwave. Madalas ay iyon ang ino-order niya para pag-uwi ng condo ay magpapahinga na lamang siya. Wala na siyang balak magluto para sa sarili dahil mag-isa lang naman siya at madalas ay inaabot pa ng kinabukasan kapag nagluluto siya ng pangsarili. Natapos siyang kumain nang walang kausap. Sanay na siya sa ganoon-- ang mag-isa. Pero siyempre, hindi p'wedeng mawala ang yosi pagkatapos kumain. Ewan ba niya kung bakit sadyang napakasarap humithit ng yosi tuwing pagkatapos kumain. Mula sa labas ng convenience store ay humithit siya ng yosi at nagsimulang maglakad patungo sa may parking lot. Subalit sa kaniyang paglalakad ay natigilan siya nang matunugan na may sumusunod sa kaniya. Napalingon siya mula sa kaniyang likuran subalit wala siyang nakita, saka napalingon sa bandang kanan at kaliwa pero wala pa rin siyang nakita. Kaya naman napailing na lamang siya at inisip na baka guni-guni niya lamang iyon. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Pero dahil sa malakas na repleksyon ng araw dahil tanghaling tapat ay kaniyang napansin ang anino ng taong naglalakad kasunod niya. Kaya naman walang alinlangang hinarap niya ang taong iyon at sa pagharap niya ay halatang nagulat din ito. Of course, he was also surprised to him. And yes, lalaki ang sumusunod sa kaniya-- lalaking ngayon niya lang nakita. Animo'y kumuha siya ng tsempo para lapitan ito. Mataman niya itong tinitigan at mabilis na hinawakan sa bandang leeg ng t-shirt nito. Nakita niya ang bahagyang pagkunot ng kilay nito sabay sinabi niya, "Sino ka? At bakit mo ako sinusundan?" "Hah? A-ano bang sinasabi mo? Pareho lang tayo ng way, boss." Doon siya natigilan at dahan-dahan siyang napabitiw sa t-shirt nito. Saka napasuksok ang isang kamay sa may bulsa. "I'm sorry," tanging nasabi niya habang may pagtataka pa rin sa kilos ng lalaking iyon. Napatango naman ang lalaki at mukhang tinanggap ang sorry niya. Pagkatapos ay nauna na itong naglakad sa kaniya. Doon siya napabuntong hininga at inisip na lang na baka nag-o-over think lamang siya. Hanggang sa makarating siya sa may parking area at malapit nang makalapit sa kaniyang Toyota Vios ay naramdaman niya namang tila may matang nakatingin sa kaniya. Hindi niya alam ang kakaibang pakiramdam na 'yon hanggang sa tuluyan na siyang magmaneho. Maingat pero mabilis siyang nagmaneho hanggang sa mapansin niyang tila may sumusunod sa kaniya. So he just stopped for a while and simply keep an eye on the road. Doo'y napansin niya ang kotseng tila sumusunod sa kaniya mula pa kanina at ang ikinagulat pa niya ay sakay niyon ang lalaking napagbintangan niyang sumusunod sa kaniya. Napailing na lamang siya sa katotohanang iyon. Saka nagdasal sa isipan habang dala ang munting kaba. Hindi siya sigurado ngunit naisip niya na dapat na siyang mag-ingat sa ngayon. Hindi niya alam kung dapat pa ba siyang magtiwala sa mga taong nakahahalubilo araw-araw. Lalo na't may ideya na siya sa mga gawain ng mga taong may binabalak na masamâ. Dahil minsan na rin siyang naging alagad ng kaniyang ama. Nang makauwi siya sa condo ay saka niya muling inisip ang nangyari kanina. Naisip niya na maaaring may matang nagmamatyag ngayon sa kaniya. At kung sino man ang utak niyon ay iyon ang dapat niyang malaman. - Marahil ay sadyang boring ang kaniyang buhay kahit na kumikita siya nang malaki sa propesyong pinili niya. It was in the middle of the week and it has been three days since the last time that he saw Adelle, iyon din ang araw na pakiramdam niya ay may nagmamatyag sa kaniya. Bagama't wala naman siyang naramdamang kakaiba ulit nitong mga lumipas na araw ay hindi pa rin niya maiwasang isipin kung ano ba talaga ang nangyayari. At sa mga oras na iyon ay wala siyang ibang masasandalan kundi ang kaniyang ina. So he drove his car to their home. Ang bahay na nagpahubog sa kaniyang pagkatao. Ang bahay kung saan siya lumaki. Doo'y masaya naman siyang sinalubong ng mga katiwala. Gano'n na gano'n pa rin ang ayos ng kanilang bahay maliban sa bagong pintura nito. "Sir, ano pong gusto mong inumin? Coffee or juice?" "No, nanny, I'm good, thanks," sagot niya sa katiwala. At ilang sandali lang ay natanaw na niya ang kaniyang ina. Simula kasi nang makulong ang daddy niya ay nag-decide na itong dito na lang mag-work at magtayo ng sariling negosyo sa Pilipinas. Pero dahil ayaw niya namang maging pabigat na sa ina ay sinikap niyang bumukod simula nang kumikita na siya bilang isang doktor. "Hijo!" masayang pagsalubong nito sa kaniya kasabay ang isang mahigpit na yakap. "I missed you so much, hijo!" wika pa nito. Kitang-kita niya ang saya sa nangingislap nitong mata. Habang siya ay hindi man lang magawang ngumiti. "It's good to see you back here in our home. So, it means na babalik ka na ba ulit dito?" Bahagyang napaawang ang kaniyang labi sa itinanong nito. At doo'y pasimple niya itong inakbayan sa balikat upang alalayang makaupo sa may sofa. "Mom, you already knew how I became an independent person since I had a stable job. At alam n'yo na rin ang sagot ko tungkol diyan." Doon napangiwi ang kaniyang ina. "But you should live with me, my hijo. Alam kong balang araw ay magkakaroon ka na rin ng sariling pamilya at sanay na rin ako na wala ka rito, pero iba pa rin kapag nandito ka, my hijo." "I knew that, mom. But you also knew the reason why I don't want to stay here." Doon siya matamang tinitigan ng ina habang sentro ng magkabilang palad nito ang mukha niya. "My hijo, please learn to forgive your dad. Ilang taon na rin naman siyang nananatili sa prison at sana ay sapat na dahilan na 'yon para muli mong buksan ang puso mo para sa kaniya." "I can't, mom. I mean-- I won't sure na kaya ko na siyang harapin ngayon. After all what he did sa pamilya Llaneta and mostly, kay Mara. Mom, I'm sorry to say this, but since that day, ay hindi ko na siya itinuring na ama." Ramdam pa rin niya ang sakit kahit ilang taon na ang lumipas. At batid niya na hindi pa siya handang patawarin ang sariling ama. Hanggang sa bigla na lamang pumatak ang luha niya sa sinabi ng kaniyang ina. "But what if I told you na may sakit ang ama mo? Handa mo na kaya siyang harapin at patawarin?" Hindi siya nakapagsalita agad at dala ng luha ay napahikbi na lamang siya sa dibdib ng kaniyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD