AFTER A failed date with Madison, Geofferson has decided to get along with his best friend, Topher. Sinadya niya talaga itong puntahan sa bahay nito dahil sa mas gusto ni Sabrina na kung mag-iinom sila ay sa bahay na lang.
Inilabas agad ni Topher ang vodka mula sa chiller patungo sa may center table na nasa veranda kung saan naghihintay si Geofferson. Inihain din nito ang ginawang pulutan na sausage pepper and onion skillet. Habang sina Sabrina at Baby Toph naman ay nagpapahinga na ng mga oras na 'yon.
"Prepare na prepare, hah?" masayang pagbungad niya rito.
"Well, alam ko namang alak ang ipinunta mo rito, Geoff."
"Kabisado mo na talaga ang gawain ko, bro, hah?" natatawang sabi pa niya. At kalauna'y agad din na napawi ang kaniyang ngiti.
"Pero alam kong sa kabila ng masayang inuman ay may nagtatagong problema. Mayroon nga ba?"
Napabuntong hininga siya. "You're right," kaswal na sagot niya.
"O see? Pero maiba tayo, how about you and Madison? Are you still dating?"
Doon siya napaayos sa pag-upo. "Actually, katatapos lang namin mag-date kanina," k'wento niya na nagbigay ng interes kay Toph. Nakita niya ang tipid na pagngiti nito bilang senyales na masaya ito para sa kaniya. Pero agad din na napawi ang ngiti nito nang magsalita siyang muli, "But you know what, bro? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Okay pa sa akin 'yong biglang nag-resign ang former secretary kong si Adelle, e, but, 'yung iparamdam sa akin ni Mads na parang hindi na ako magtitino, bro, ang sakit." Nagawang mapailing ni Toph habang tipid na napapangisi.
"Paano mo naman nasabing gano'n ka-showy si Madison para saktan ka niya emotionally?"
"Honestly, I confessed to her about my feelings. Pero parang doon pa lang ay basted na ako, e. Bro, handa naman akong magbago para sa kaniya. Basta bigyan niya lang ako ng assurance."
Bahagyang napailing si Topher bagay na ikinahalukipkip niya. "Magtitino ka pa nga ba? E, the last time that we talked was, may nagawa ka na namang kalokohan sa former secretary mo."
"Bro, I admit all my foolishness, pero ang hindi ko matanggap-- na hanggang friends lang ang kayang ibigay sa akin ni Mads."
"E, baka naman kasi ayaw lang ni Madison na pini-pressure ang kaniyang emotional feelings. Bro, may mga babae talagang ganiyan, lalo na't never pa nilang naranasan na magmahal."
Bahagyang nanliit ang mata niya sa sinabi ni Toph bago pa man simulang tunggain ang vodka na nasa shot glass. "But I like her."
"Yeah I know, Geoff. Alam ng buong tropa on how you like Madison, pero ang isyu rito ay kung bakit hindi mo maiwan-maiwan ang bisyo mo sa babae? Bro, come to think of it. Subukan mong iwan ang pambababae mo at baka iyon lang ang nais ipamulat sa'yo ni Madison, na magbago ka."
"Nasa isip ko na 'yan, bro. Pero paano ko matutulungan ang sarili kong magbago kung harap-harapan niyang ipinaramdam sa akin na magiging babaero na lang ako for life? Na hindi ko raw siya madadala sa mga salita ko? Bro, ang sakit lang na marinig. At kay Mads pa talaga? Sa taong gusto ko!" Napasabunot siya sa sariling buhok habang nanatiling speechless si Topher sa mga sinabi niya. Until he begun to ask something that may cause him so hopeless. "If you were me, bro, do you still have the courage to fight for her? E, mukha namang wala talaga akong chance sa kaniya, e."
"Bro, hindi ako expert sa mga ganiyan, pero ang natutunan ko simula nang magsama kami ni Sabrina-- bro, kahit imposible ay dapat mong subukan. I've realized na 'yung mga babae kasi, ay hindi dapat agad sinusukuan lalo na't kung batid mo na it would be worth fighting for."
"So did you mean, hindi ko dapat sukuan si Madison kahit walang assurance sa aming dalawa?"
"Yeah, bro. That's a challenge for you, Bro, don't you remember that I told you before na baka si Madison nga ang karma mo?"
"Natatandaan ko nga," tipid at kaswal na aniya. At saka mabilis pang tinungga ang alak. "Pero, seriously, siya pa lang ang babaeng sinaktan ako emotionally."
"It's a vice versa, Geoff. Nasaktan mo ang feelings ng former secretary mo, right? Then, it's time for you to make realize how hurt it is to be disliked." Napabuntong hininga siya bago pa man magpasyang ibahin ang usapan.
"O, anyway, kumusta pala kayo ni Sabrina?"
"Were still happy and fighting together. Actually, we are planning to have second a baby."
Napaawang ang labi niya sa narinig. "Seriously?" Habang bahagya namang natawa si Topher at gayundin naman ang hindi niya naiwasang mapakapit sa sariling baba.
Kapagkuwa'y ngingisi-ngising sumagot si Topher. "Yeah, isa pa, matagal na rin hinihiling sa amin ni Baby Toph na magkaroon siya ng kapatid."
"Okay, hah? Pero, handa na nga ba ulit si Sabrina na magbuntis? I mean.. operada siya sa mata, 'di ba?"
"Yeah, pero iyon nga, sad to say na hindi na makakaya ni Sab ang mag-normal delivery dahil baka ma-pressure ang mata niya. Napag-usapan na rin naman namin 'to noon pa na kapag ginusto namin na sundan na si Baby Toph ay under CS na lang ang pipiliin namin."
"Alright, mabuti at nagkakasundo kayong mag-asawa. And, let me say, mabuti ka pa at madadagdagan na ang lahi mo. Hindi kagaya ko." Bahagya siyang nalungkot sa huling naging kataga. Bagama't sa rami ng babaeng naikama niya ay sinigurado niyang hindi ang mga iyon mabubuntis. For him, mas mabuti na 'yon para wala siyang responsibilidad sa taong hindi niya naman mahal.
"Pero 'wag kang magpakampante, bro. Baka hindi mo mamalayang sa rami ng mga naikama mong babae ay marami ka na rin pa lang panganay," pilyo pang sabi ni Topher.
Tipid siyang napatango. In fact, he almost don't want to talk about it, lalo na sa tuwing naiisip niya na baka mawalan na talaga siya ng chance para kay Madison. "I am more confident, bro. Hindi ako nagpapawala ng condom palagi."
"O, ang taba ng utak, bro. Anyway, ubusin na natin 'to at nang makauwi ka na rin at matabihan ko na rin sa higaan si Sab."
"Sana all may katabi sa higaan." Iiling-iling namang natawa si Topher.
"Magseryoso ka na kasi at nang panghabangbuhay na ang makakasiping mo sa kama, hindi 'yong pang-isang gabi lang," pilyo na namang sabi ni Topher. Hindi niya naman maiwasang tawanan na lamang iyon kaysa ang ma-offend. Of course, sanay naman na siya sa mga pabirong pahayag ni Topher noon pa man.
Ilang minuto pa ang lumipas at sandali pa silang nagkatinginan bago pa man niya inumin ang natitirang halos kalahati ng vodka na nasa shot glass.
-
Iingka-ingka siyang naglakad nang makarating ng condo unit. It was late in the evening at wala na rin masyadong nakikitang lumalabas na mga tao mula sa mga katabi niyang k'warto. His unit is from the third floor of the building kung kaya't mas natatanaw niya ang malawak na overlooking sa may maliit na terrace na malapit sa kaniyang k'warto. Nagsindi na muna siya ng yosi bilang pangtanggal bagot. Sanay naman na siyang palaging mag-isa. Simula nang mag-decide siyang bumukod ng tirahan mula sa kaniyang mommy. Habang wala naman siyang balak bisitahin sa kulungan ang ama niyang matagal nang nakakulong. Dahil ayaw niyang paulit-ulit na maalalang ito ang pumatay sa unang babaeng minahal niya-- si Mara.
Mabilis niyang nahithit ang yosi hanggang sa inilapag niya na lamang ang filter nito sa may ashtray upang kusa na ring mamatay ang baga nito. Kapagkuwa'y pahilata siyang nahiga sa kama. Laman pa rin ng isip niya ang mga huling katagang sinabi sa kaniya ni Madison bago pa man siya nito kusang iwan mag-isa. Ang sakit. Lalo na sa tuwing naiisip niya na siya naman talaga ang may problema at kung bakit hindi niya rin magawang mahalin ang sarili niya. Of course, kahit saglit ay nararamdaman niyang sumaya sa tuwing kasama si Madison, subalit kapantay din naman niyon ang kawalan ng pag-asang tuluyang pumasok sa buhay nito.
Ipipikit niya na sana ang kaniyang mga mata nang hindi niya inaasahan na makatatanggap ng text mula sa taong hindi niya akalaing makakaalalang magpapadala ng mensahe sa kaniya ng mga oras na 'yon.
Nang basahin niya iyon ay agad na napadilat nang malaki ang kaniyang mga mata. "Kumusta, Geoff? I saw you drunk earlier. Nakokonsensya ka na bang nawala ang dati mong magaling na sekretarya?"
Hindi maiwasang umikot ang kaniyang mga mata habang dala sa isipan ang mga katagang iyon. Lalo na't mula iyon sa taong hindi niya inaasahang magri-reach out muli sa kaniya. Hanggang sa kusa niyang binigkas ang pangalan nito. "Adelle.." Hindi niya alam ngunit parang ang lakas ng naging epekto nang pagpapadala nito ng mensahe sa kaniya. Gayong siya na nga itong kusang umiwas dahil sa ilang beses na pag-ignore nito sa mga tawag niya.
Hindi niya alam kung ano bang motibo ni Adelle sa mensaheng iyon. Pero pakiramdam niya ay hindi pa natatapos ang kaniyang paghingi ng tawad dito.