"O, Audrey, kain lang ng kain, hah?" wika ni Aleng Mylene. Hindi akalain ni Jayson na mainit tatanggapin ng magulang niya ang babaeng kaniyang nagugustuhan. Lalo na't batid niya na sadyang strikto ang mga ito sa Ate Madison niya. "Saan nga pala kayo nagkakilala ni Jayson, hija?" tanong ni Mang Ben, ang kaniyang ama, na sa katunayan ay bumubuti na ang kalagayan nito. Kaya laking pasasalamat talaga nila kay Madison. Subalit ang balitang nakalap niya kahapon ay labis pa ring nagpapagulo sa kaniyang isipan. "Ah, schoolmate po kami ni Jayson, bale, nagkakilala rin po kami dahil sa kaniyang circle of friends," sagot ni Audrey na ikinapatag naman ng kalooban niya. Mukhang hindi naman nito mababanggit na nagkakilala sila sa inuman. "Buti na lang!" wika niya sa sarili. "O, e, nililigawan ka

