Chapter 66

1651 Words

"BAKIT KO ba kasi siya hinalikan?" tanong ni Jayson sa sarili matapos lumipas ang mga araw simula nang halikan niya si Audrey. Sembreak na kung kaya't hindi na nasundan pa ang inuman session nilang magkakaibigan. Pero simula ng araw na 'yon ay hindi na siya pinatulog pa nang isiping iyon. "Jayson, anak, ano bang nangyayari sa'yo? Kanina ka pa nakatitig sa labas?" "Ay bakit, ma? Inuutusan mo ba ako?" Agad na napakamot sa ulo si Aleng Mylene. "Aba'y oo, kako ay pakisampay nitong mga nabanlawan ko na at ako'y magluluto pa ng tanghalian." "Mukhang nagmamadali ka, ma, hah?" pahapyaw na biro pa niya. "Nagmamadali saan naman?" "Sa sugalan," nakangisi ngunit aktong hindi niya ipinapakita sa ina. "Naku tumigil ka nga!" anito at pasimple itong bumulong sa kaniya. "'Wag mong mababanggit-

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD