"SIGURADO ka na ba talaga sa pagpapanggap mo bilang si Ivan?" tanong ni Jessica kay Allan nang minsang magkita sila sa may parking lot. In fact, Allan knew that it was a safe place for a plan's conversation. Bagay na hindi naman hindi naman ipinagkait sa kaniyang ipagkatiwala ni Jessica. "Jessica, simula nang plinano kong pumasok sa buhay ni Madison Agcaoili ay planado na lahat. Mula sa pagbunggo sa kaniya habang may hawak akong pagkain, hanggang sa maawa niya sa akin at para bilihan ako ng bagong pagkain. At ang paghatid sa kaniya kagabi ay nagpapakita lamang na interesado ako sa kaniya. "Okay, pero paano kung mabuking ka? Hindi ba't sinabi mo sa'kin na mainit ka sa mata ng boyfriend niyang doktor?" "Edi mag-iingat ako. Kaya nga nandiyan ka para diktahan ako sa mga actions ko, 'di ba

