"Mukhang gulo ang hanap mo, Geoff, hindi tulong. Alam mo naman na beterano sa pakikipaglaban iyong si Brent, e. Paano kung mapasamâ lang nito ang imahe mo nang dahil sa pagpaplano mong pagganti kay Allan Corpuz?" tanong ni Topher sa kaniya nang maisipan niyang dumiretso sa bahay nito matapos makipag-usap kay Mr. Clemente. They were having a good time together after a week of sweet and chaos with his girlfriend, Madison. Tinungga niya ang bote ng beer bago pa man ito lingunin. "If it's necessary para siya na mismo ang sumuko sa batas," nakangising aniya. "And how would you sure about it? Geoff, p'wede ka rin niyang kasuhan anytime kapag itinuloy mo 'yang pinaplano mo." "P'wede lang, bro. Pero hindi ko naman hahayaan na manggaling sa kamay ko ang ganting sasapitin niya." Bahagyang nanin

