Antonette's POV
Kakatapos ko lang mag-ready para pumunta kena Lav dahil magkakaroon kami ng movie marathon sa kanila.
Pagbaba ko sa sala ay nakita ko si Ate na mukhang bihis na bihis at may pupuntahan.
"Ma, aalis na ako!" paalam ni Ate kay Mama.
"San ka nanaman pupunta?" mataray na tanong ko sa kanya.
"May lakad kami ni Paul." walang emosyong sagot nya.
Hindi na lang ako nagsalita at inirapan na lang sya matapos ay dumiretso ako sa kusina para magpaalam din kay Mama.
"Ma, marami ba gagawin dito sa bahay ngayong araw?" tanong ko.
Baka kasi walang katulong si Mama kung pati ako e aalis din.
"Wala naman Anak, may lakad ka din?" tanong ni Mama saken.
"Opo sana, pupunta ako kena Lav." paliwanag ko.
"Sige na, pumunta ka na. Ako ng bahala dito sa bahay." nakangiting sabi ni Mama habang naghuhugas ng pinggan.
"Thank you Ma! I love you!" masayang sabi ko at niyakap pa sya.
Excited naman akong bumalik ng kwarto para kunin ang phone at wallet ko.
Hindi pa ako nakakababa pero may ingay na akong naririnig mula sa sala.
Pagbaba ko ay nakita ko ang mga kaibigan ko na bihis na bihis kasama sina Amos Jharix at ang iba pa nyang team.
"Anong ginagawa nyo dito? tsaka bitawan mo nga yan!" mabilis na kuha ko sa baby picture ko na naka-frame at hawak ni Amos.
"Ang cute mo nung baby ka pa pero bat ang dugyot mo ngayon?" panlalait nya.
"Wala kang pake! Bat ba kasi kayo andito? Lav, akala ko ba magmo-movie marathon tayo pero bat kasama nyo tong mga to?" tanong ko sa mga kaibigan ko habang tinuturo si Amos at ang team nya isa-isa.
"Nagulat din kami Chingu. Bigla na lang kami nila isa-isang sinundo kasi may pupuntahan daw tayo." paliwanag ni Humii.
"SURPRISE GALA ang tawag dun Antonette!" nakangising sabi ni Yasper na inirapan ko lang.
"Si Seonjang ang nag-aya samen at ang sabi nya isama ka raw at ang mga kaibigan mo kasi alam daw nya na hindi ka mage-enjoy kapag hindi sila kasama." paliwanag ni Mhico.
Natigilan naman ako dahil sa sinabi ni Mhico. Medyo natouch ako sa part na yun kasi syempre alam ni Amos kung gaano ako kasaya na kasama ang mga kaibigan ko pero hindi pa rin kami sasama!
"Were going to our Rest House sa Malinaw Province magka-camping tayo. Masaya yun." nakangiting sabi ni Amos.
"Oo nga mukhang masaya yun.. Pero hindi kami sasama ng mga kaibigan ko kayo na lang." pagtanggi ko.
"Chingu camping yun, masaya yun, sama na tayo." nagpapa-cute na sabi ni Aera.
"Tsaka sayang naman! Nakaready na kami e 1 day and 1 night lang naman! Babalik din tayo ng madaling araw!" sabi ni Yanichi.
"May pasok tayo bukas mapupuyat tayo." pagmamatigas ko.
"Okay lang mapuyat at least nag-enjoy tayo. sige na chingu! payag ka na!" pamimilit saken ni Lav.
Tinitigan ko lang sila at pinagi-isipan ko kung sasama nga ba kami.
"Wag ka na mag-isip! sige na! akyat na sa kwarto mo at magready ka na ng gamit mo!" seryosong sabi ni Amos at itinulak pa ako paakyat ng kwarto ko hanggang sa makarating kami ng pinto.
"Teka lang! ano ba?! di pa ako nakakapag-paalam kay Mama!" palusot ko.
"Nasabi ko na at pumayag na sya sige na! Mag-ayos ka na ng gamit na dadalhin mo hays! ako na nga! asan ba closet mo?" tanong nya at dire-diretsong pumasok sa kwarto ko.
"Hoy teka! Kwarto ko to lumabas ka nga! oo na sasama na ako wag ka ng magulo!" iritang sabi ko.
"Okay fine, bilisan mo." sabi nya at naupo sa study table ko at nagbuklat ng libro.
"Hindi ka ba lalabas? baka kung anong isipin nila." sabi ko habang nakatingin sa likod nya, nakatalikod kasi sya saken.
"Wala akong pake, hihintayin kita bilisan mo dahil baka kapag nagtagal ka pa baka kung ano na talaga isipin nila." diretsong sabi nya at inilipat ang page ng libro.
Nginusuan ko na lang sya at inirapan saka nagready ng damit na susuotin ko.
Nagdala lang ako ng leggings, 3 t-shirt at rubber shoes nagdala na rin ako ng shorts at ilang undies Kinuha ko ang mga pang-personal hygiene ko sa banyo at nilagay yun sa isang pouch matapos ay pinagsama-sama ko yun sa isang bag pack.
"Okay na, tara na sa baba." aya ko sa kanya habang nakabukas ang pinto at hinihintay syang lumabas ng kwarto ko.
Nang makalabas na sya ay isinara ko na ang pinto at sabay kaming bumaba sa sala.
Sabay-sabay pa silang tumingin samen na may halong malisya lalo na ang mga kaibigan ko.
"Let's go!" sabi ni Amos at nag-umpisa nang lumabas ng bahay.
Ngayon ko lang napansin na ang gwapo ni Amos sa suot nyang faded jeans at hoodie na jacket na kulay gray tapos naka-rubber shoes pa sya ng Balenciaga. Iba talaga mayayaman. Mamahalin mga gamit.
"Alis na kami Ma." paalam ko kay Mama.
"Bye Tita!" paalam ni Amos at ng mga kaibigan ko at ng teammates ni Amos.
"Mag-iingat kayo dun Anak." bilin nya saken.
"Opo Ma. Bye po." humalik pa ako sa pisngi nya bago sumunod sa kanila palabas ng bahay.
Nang makalabas na ako ay nagulat pa ako sa nakita ko.
Ang ini-expect ko ay may kanya-kanya silang dalang sasakyan pero isang bus ang tumambad saken. May field trip ba kami?
"Ano pang tinutunganga-tunganga mo dyan? sakay na!" sabi ni Amos habang nakadungaw sa bintana. Inirapan ko lang sya at sumakay na ng bus.
"Bakit bus sasakyan natin?" tanong ko.
"Trip ko lang. Wag ka nang maarte di ka maganda!" inis na sabi nya.
"Si Cross Sandford ka ba? Kung makagaya ka ng linya basta-basta tss!" masama ang tingin na sabi ko.
"Sino yun? Mas gwapo ba saken yun?" inosenteng tanong nya.
Di ko na lang sya sinagot at naglakad ako papasok ng bus nakita ko namang nakangiting nakatingin saken si Jharix.
"Dito ka na sa tabi ko Antonette." nakangiting sabi nya
"Sige." nakangiting pagpayag ko rin.
"Hindi, dito ka uupo sa tabi ko." sabi ni Amos at hinila ako matapos ay pina-upo ako sa tabi ng bintana.
Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ni Jharix pero hindi ko na sya narinig na nagsalita.
Tiningnan ko lang ng masama si Amos at nakatingin lang sya saken ng masama matapos ay tinaasan ako ng kilay na parang pinapahiwatig nya na bat ako ganun makatingin, nginusuan ko lang sya at di na kinausap. Sa bintana ko na lang itinuon ang atensyon ko.
Umandar na ang bus at naririnig ko ang daldalan ng mga kasama namin. Si Humii ay kumakain habang katabi si Mhico na mahilig ring kumain nagkasundo ang dalawa dahil parehas food lover.
Si Yanichi at Rean naman ay tahimik lang na nakaupo habang parehas naka-airpods.
Si Aera at Love naman ay nakikipagdaldalan kay Raiden at Yasper. At si Jharix naman ay nasa unahan namin ni Amos na di ko alam kung anong ginagawa.
"Here." napatingin ako kay Amos ng alukin nya ako ng isang pirasong earphone nya habang ang isa ay nasa tenga nya.
"No thanks!" mataray na sabi ko.
"Arte talaga!" inis na sabi nya at sya na ang naglagay ng earphone sa tenga ko.
Hindi na lang ako nagmatigas at pinakinggan ko na rin ang kanta na kaka-play lang.
Play: 12:45 by Etham while reading this part if you have this song on your playlist.
Parehas lang kaming tahimik habang pinapakinggan ang music. Nakatingin lang ako sa bintana habang sya naman ay nakasandal ang ulo sa likod ng upuan.
Ilang minuto lang at medyo nakaramdam na ako ng antok.
Amos POV
Nakikinig lang ako ng music ng maramdaman ko ang pagbagsak ng ulo ni Antonette sa balikat ko.
Tinitigan ko sya at nakita ko ng malapitan ang mukha nya. Ngayon ko lang sya natitigan ng ganto kalapit at maganda pala sya.
Hindi man sobrang kinis ng mukha pero maganda ang labi nyang medyo pinkish. Wala syang lipstick o kahit ano kaya nakikita kong natural ang kulay ng labi nya. Mahahaba rin ang pilik-mata at natural ang kilay nya.
"Dugyot ka lang pero maganda ka rin pala." bulong ko habang nakatingin pa rin sa natutulog nyang mukha.
Hinawakan ko ang ulo nya at inalalayan yun para hindi mahulog sa balikat ko saka ako sumandal sa ulo nya para matulog rin.
Umiidlip pa lang ako ng maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.
Tiningnan ko yun at naka-recieve ako ng message galing kay Raiden. Agad ko yung binuksan.
From: Raiden'Pogi
Remember, pustahan lang ang lahat. Wag na wag kang mahuhulog sa babaeng yan dahil maraming masasaktan at isa ka na dun.
Nang mabasa ko ang message nya ay kunot noong tiningnan ko si Raiden sa bandang likod at nakatingin lang din sya saken habang nakataas ang kilay.
Hindi ko na lang sya pinansin at ibinalik ang atensyon sa harap at nakinig na lang ulit ng music.
"I'm sorry Antonette." bulong ko kay Antonette na mahimbing pa ring natutulog sa balikat ko.
Ilang oras ang naging byahe namin at nakarating din kami sa Rest house namin dito sa Malinaw Province.
Isa-isa na silang nagsibaba-an dala ang mga gamit nila, hinintay ko munang makalabas ang lahat bago ko gisingin si Antonette na tulog mantika pa rin sa balikat ko.
"Hey, dugyot gising! Andito na tayo." sabi ko at bahagya pang pinalo ang pisngi nya ng marahan.
"Hmm?" ungol nya at unti-unting mumulat matapos ay gulat na tumingin saken at agad lumayo.
"Tulog mantika ka masyado, sumakit balikat ko ang bigat ng ulo mo." reklamo ko kunwari.
"Sorry." nahihiyang sabi nya.
Hinawakan ko ang balikat ko para masahehin nang maramdaman kong medyo basa yun.
"Yuck! Tulo laway ka matulog!" iritang sabi ko habang inaamoy ang kamay ko. "Ang baho!" biro ko. Hindi naman talaga mabaho amoy mouth wash pa nga e.
"Hoy ang kapal ng mukha mo! Di ako bad breath no! Dyan ka na nga!" namumula ang pisngi sa hiya na sabi nya at nagmadali nang bumababa ng bus dala ang gamit nya.
"Bad breath ka! HAHAHA" pahabol na pang-aasar ko pa habang tumatawa.
Sinamaan nya lang naman ako ng tingin at bumaba na ng tuloyan. Kinuha ko na rin ang gamit ko at bumaba na rin.
"Kuya dito mo na lang i-park yang bus tapos sumunod ka na samen sa loob." sabi ko dun sa driver.
"Sige po Sir." pagpayag nya.
"Tara na!" aya ko sa kanilang lahat.
"Antonette buhatin ko na yang bag mo." napalingon ako kay Jharix at Antontte.
"Thank you." sabi ni Antonette at inabot ang bag nya kay Jharix.
Hindi ko na lang sila pinansin at nagpauna na ako maglakad papasok sa rest house. Sumalubong saken ang caretaker ng bahay na si Lolo Ferdi.
"Hi Lolo Ferds! Kamusta ka na?" energetic na sabi ni Yasper kay Lolo Ferdi at inakbayan pa ito.
Kilala ni Lolo Ferdi ang mga teammates ko dahil lagi kaming pumupunta dito kapag sembreak para mag-relax. Sobrang close sila ni Yasper kaya Lolo Ferds ang tawag nya kay Lolo Ferdi. Walang asawa si Lolo Ferdi kaya solo lang sa buhay. Kakilala sya ng parents ko kaya sa kanya ipinagkatiwala itong rest house namin.
"Ayos naman ako Per! Teka! Huling punta nyo dito e kayo-kayo lang ahh, pero bat may mga kasama na kayong babae, girlfriend nyo ba ang mga to?" tanong ni Lolo Ferdi samen habang isa-isang tinitingnan ang mga kasama naming babae.
"Wala kaming jowa sa mga to Lolo Ferds pero si Jharix at Amos may nililigawan sa kanila." kwento ni Yasper.
"Sino sa kanila ang nililigawan ni Jharix at Rasper?" tanong ni Lolo Ferds.
"Sya po Lolo hehe." turo ni Aera kay Antonette na tiningnan pa ng masama si Aera.
"Parehas syang nililigawan ni Jharix at Rasper?" paniniguro ni Lolo Ferdi.
"Opo, ganda po ng friend namin no?" natatawang sabi ni Humii na halatang inaasar lang si Antonette.
"Lahat naman kayo magaganda" puri sa kanila ni Lolo Ferdi.
"Opo maliban sa kanya." turo ko kay Antonette na may halong pang-aasar.
"Maganda naman syang bata Rasper ahh. Liligawan mo ba sya kung di sya maganda?" tanong ni Lolo Ferdi saken.
"May point po kayo dyan Lolo!" nakangiting sabi ni Antonette kay Lolo Ferdi matapos ay tumingin saken at inismiran pa ako.
"Hehe oo nga po Lolo Ferdi. Oo na maganda ka na. Kilig ka naman." kunwaring inis na sabi ko kay Antoinette.
"Kapal mo talaga!"mataray na sabi nya.
"pero kung may gusto kayong maging kasintahan sa mga to e wag si Yasper at Raiden. Mga babaero tong mga to." pang-bibisto ni Lolo Ferdi kay Yasper at Raiden.
"Lolo Ferds! Wag mo naman kaming isuplong ni Raiden akala ko ba friends tayo?" nakangusong sabi ni Yasper.
"Oo nga Lolo Ferdi nagbago na kami ni Yasper." Gatong pa ni Raiden.
"Jusmiyo kayong mga bata kayo. Halina nga kayo sa loob at nagpahanda ako ng tanghalian. Kumain na muna kayo at baka nagutom kayo sa byahe." sabi ni Lolo Ferdi at inaya kaming pumasok sa loob.
"Tara, pasok kayo wag kayo mahiya. Lalo ka na Antonette wala ka naman nun!" pang-aasar ko kay Antonette at pumasok na sa loob.
"Dalhin nyo na muna pala sa mga kwarto nyo ang gamit nyo. Dalawang kwarto lang ang meron dito dahil yung dalawang natitira ay saken at sa mga katulong." paliwanag ni Lolo Ferdi.
"Okay lang Lolo Ferdi sama-sama na lang ang mga boys at girls sa dalawang kwarto na yun. Tig-isa kami. May isang double bed na kama at double deck dun ipapapasok ko na lang yung single bed na nasa kwarto namin baka di sila kasya e." paliwanag ko.
"Hindi wag na okay na kami dun. Kami na lang tatlo nina Aera at Lav dun sa double bed tas si Rean, Yanichii at Humii sa double deck. Kasya na kami dun." sabi ni Antonette.
"Sure kayo?" paninigurado ko.
"Oo nga Amos. okay na kami dun." sabi ni Rean.
"Sige." pagpayag ko.
Matapos ang usapan na yun ay nag-umpisa na kaming dalhin ang mga gamit namin sa kanya-kanyang kwarto.