Trustless12: AWKWARD

2066 Words
Antonette's POV Last period na at ilang minuto na lang ay uwian na namin. Nakalabas na ang lecturer namin pero nandito pa rin kami sa classroom at di pa umuuwi. Hanggang hindi kasi nagbe-bell ay di pa bubuksan ang gate para makauwi ang mga estudyante. "Holiday bukas wala ba kayong gagawin? Tambay naman tayo kena Lav bukas." aya ni Aera. Oo nga pala, holiday bukas at walang pasok. Kapag ganitong holiday tumatambay kami ng barkada or kung di man sila mag-aya nagvo-volunteer kami ni Raiku sa simbahan noong nabubuhay pa sya. "Game! Magmovie-marathon tayo!" excited na sabi ni Yanichi. "Oo nga! Magready ka ng maraming foods Lav ahh." sabi ni Humii. "Sa takaw mong yan Humii, baka kapag di ako nagpahanda ng pagkain e kami ang lamunin mo." pang-aasar ni Lav sa kanya. "HAHAHA grabe ka saken." nakabusangot na sabi ni Humii. "Tsaka kung makapag-decide kayo na pupunta sa bahay eksaherada e di pa naman ako pumapayag." mataray na sabi ni Lav. "Wala ka din namang magagawa kahit tumanggi ka, ge-gyerahin namin bahay nyo e, diba girls? HAHAHA" tumatawang sabi samen ni Rean. "Talino mo sa part na yun ghorl!" sabi ko sa kanya. "I know right!" sabi ni Rean at kumindat pa. "Ohh usapan yan ha? baka drawing kayo sasampalin ko talaga kayo isa-isa." banta ni Lav. One time kasi nagplano kami na magkakaroon kami ng movie marathon sa kanila tas pinaghanda namin sya ng maraming foods tas bigla kaming di pumunta lahat. Buti na lang daw at yung mga foods na hinanda nya e konti lang yung pwedeng mapanis kaya pinamigay nya sa mga nangmamalimos sa kalsada. Ohh diba? bait ng friend ko! Nasa kalagitnaan kami ng pagke-kwentuhan ng lumapit saken yung isa sa kaklase ko. "Antonette, si Jharix nasa labas ng classroom hinahanap ka." sabi nya saken. Tumingin ako sa may pinto at nakita ko si Jharix na nasa labas nga ng classroom namin at hinihintay akong lumabas. Tumayo ako sa arm chair ko at lumabas sa classroom. "Antonette san ka pupunta?" narinig kong tanong pa ni Aera saken pero di ko pinansin at nagdire-diretso ako palabas ng classroom. "Jharix, anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Jharix ng tuloyan akong makalabas. "Hinihintay ka." nakangiting sabi nya. "Hinihintay moko? Bakit?" nagtatakang tanong ko. "Obligasyon ng manliligaw na sunduin at ihatid ang babaeng nililigawan nya kaya naman hihintayin kita para sabay tayong umuwi." paliwanag nya matapos ay ngumiti saken. Hindi ko napigilan na bahagyang mapangiti rin dahil sa sinabi nya. Kahit kelan talaga napaka-gentleman ni Jharix. "Ganun ba? Saglit lang ahh kukunin ko lang bag ko." sabi ko at bumalik sa loob ng classroom. "Ohh, nagmamadali ka? Di pa nagbe-bell." nagtatakang sabi ni Lav. "Mauna na ako umuwi sa inyo, hinihintay ako ni Jharix." sabi ko habang isa-isang ibinalik ang gamit ko sa bag ko. "Taray! Iba talaga kapag mahaba ang hair. Dapat si Amos sumusundo sayo bago pumasok tapos si Jharix humahatid sayo pauwi tutal parehas naman silang nanliligaw sayo." suggest ni Rean. "Ano namang aasahan mo kay Amos? Sya lang yata yung manliligaw na parang siraulo. Mage-effort pero palagi akong inaaway. Napaka-bossy pa." reklamo ko. "Asus! pero aminin mo friend mas kinikilig ka kay Amos compared kay Jharix diba?" pang-aasar ni Yanichi. "Tumigil ka nga! alis na ako! ingat rin kayo pauwi." paalam ko. "Bye ghorl! Itali mo yang buhok mo na isang beses mo lang suklayin at baka matapakan ni Jharix! HAHAHA" rinig kong pahabol na pang-aasar pa ni Humii na inirapan ko lang. "Let's go!" aya ko kay Jharix nang makalabas na ako ng classroom. "Sure!" sabi nya at sabay na kaming naglakad palabas. Nakasalubong pa namin ang LBM girls na parehas masama ang tingin samen. Nevermind. "Buti na lang pumayag si Kuya Guard na makalabas tayo kahit di pa nagbe-bell." sabi ko matapos nyang akong pagbuksan ng kotse nya. "Oo naman, tropa ko yung si Kuya Guard." nakangising sabi nya. "Sya nga pala may gusto ka bang puntahan?" tanong nya habang hindi pa ini-start ang makina. "Hmm, wala naman. ikaw ba may gusto kang puntahan?" balik tanong ko. "Meron sana e. Pwede mo ba akong samahan?" "Di naman siguro ako hahanapin samen so sige." pagpayag ko. Nakita kong lumiwanag ang mukha nya at ngumiti sya ng marinig nya ang pagpayag ko. "Thank you Antonette" masayang sabi nya at nag-umpisa na syang magdrive. Wala akong ideya kung saan kami pupunta ni Jharix pero kampante ako dahil sya ang kasama ko. Mabait si Jharix, madaldal, approachable at friendly din kaya naman komportable ako na kasama sya. Ilang minuto lang at itinigil ni Jharix ang kotse sa gilid ng isang maliit na ilog. Dali-dali syang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Nang makababa ako ng kotse nya ay pinagmasdan ko ang paligid. Tahimik na tanging huni lamang ng mga ibon ang maririnig, malamig ang simoy ng hangin at sobrang aliwalas ng paligid. "Tara!" aya nya at hinatak ako. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak at napangiti ako sa hindi ko alam na dahilan. Nakarating kami sa isang upuan malapit sa gilid ng ilog. "Upo ka." alok nya saken kaya naman umupo ako sa tabi nya at parehas naming pinagmasdan ang paligid. "Ang ganda naman sa lugar na to ang presko ng paligid at ang tahimik." komento ko habang sa ilog nakatingin. "Lagi akong pumupunta dito lalo na kapag nagtatalo kami ng Kuya ko. Hindi ko kasi sya makasundo e." kwento nya. Napatingin naman ako sa kanya. "Parehas pala tayo, hindi ko rin kasundo ang Ate ko." pagke-kwento ko rin. "Ganun siguro talaga. May mga magkakapatid talaga na hindi magkasundo sa una pero sa huli naman magiging okay rin lalo na habang tumatanda ang isat-isa." mahabang sabi nya. May punto sya pero hindi ko alam kung darating kami ni Ate sa puntong yun. "Bakit pala di mo makasundo ang Ate mo?" tanong nya. Huminga muna ako ng malalim at saka sinimulan ko ang pagke-kwento. "Hindi kami magkasundo kasi maarte sya. Ang sabi nya panget daw ako. Alam ko namang totoo pero sa totoo lang minsan nasasaktan din ako kasi diba? kapatid ko sya pero sya mismo ganun yung tingin nya saken. Isang dugyot na grabe kong pandirihan nya." pinigilan ko ang luha ko sa pagtulo sa pamamagitan ng pagtingin sa itaas. "You're not ugly. Ilang beses ko bang kelangan sabihin sayo yun? Maybe you need a little makeover but for me you don't need to change yourself for others. Mas masarap sa feeling na mahalin at tanggapin ka ng ibang tao ng hindi mo binabago ang sarili mo." payo nya. "Alam mo thankful din ako kasi lagi mong pinaparamdam saken na may mga taong tatanggap saken kahit ganto ako na dugyot at di marunong mag-ayos. Thank you Jharix. Thank you for accepting me despite of my imperfection." sincere na sabi ko. "Matagal naman na kitang tanggap e. Yun nga lang sa iba ka nakatingin. Kay Seonjang ka nakatingin." seryosong sabi nya. Natigilan ako dahil hindi ko alam kung anong ire-react ko nang masali sa usapan si Amos. Jharix POV Nakatitig lang saken si Antonette matapos kung sabihin ang salitang yun. Siguro dahil nagulat sya na ipinasok ko sa usapan si Seonjang. Hindi naman ako bulag para hindi makita na gusto pa rin ni Antonette si Seonjang. Pero umaasa ako na kahit papano mabaling ang atensyon nya saken at magustohan nya rin ako. Matagal ko nang gusto si Antonette at walang nakaka-alam nun sa barkada. Nagtataka noon sina Seonjang kung bakit hindi ako nagkaka-girlfriend pero ang totoo dahil yun kay Antonette. Matagal ko na dapat naamin sa kanya ang nararamdaman ko pero may pumipigil saken noon. Kaya naman ngayon na may pagkakataon na ako hindi ko na to sasayangin at gagawin ko ang lahat para ako ang sagutin nya. "Pasensya na kung binanggit ko pa si Seonjang." paumanhin ko. "Okay lang. Ahh... Jharix, hindi ka ba nagdadalawang-isip sa panliligaw mo saken? Alam kong gusto mo ako matagal na pero diba alam mo rin namang may gusto ako kay Amos?" "Alam ko. Alam kong gusto mo si Seonjang pero hindi yun dahilan para sumuko ako. Alam kong seryoso si Seonjang sa panliligaw sayo hindi man sya ganun ka-showy pero nakikita kong gusto ka nya pero hindi ako magpapatalo. Antonette hayaan mong patunayan ko ang sarili ko sayo." sincere na sabi ko. "Oo naman, pero hindi ko maipapangako kung magbabago ba ang nararamdaman ko para kay Amos." seryosong sabi nya. "Alam ko yun, pero hindi ako titigil hanggat hindi mo ako tinatanggihan. Thank you for giving me a chance Antonette." sabi ko. "You deserve the chance that I gave you Jharix. Sa totoo lang hindi ka mahirap mahalin. Anytime pwede akong ma-inlove sayo pero hindi nating kelangan madaliin ang lahat." mahabang sabi nya. "Oo naman. Natutuwa lang ako dahil binigyan moko ng chance. Nakakainis nga si Seonjang e, akala ko hindi ka nya gusto tapos bigla ko na lang nalaman nanliligaw na rin pala sya." "Ewan ko ba sa lalaking yun. Hindi ko sya maintindihan minsan. Hindi ko nga alam kung anong nagustohan ko sa kanya. Laitero naman, bossy, mayabang, arogante halos lahat yata ng masasamang ugali meron sya, ahh maliban pala sa isa kahit ganun sya matulongin at mapagbigay din naman sa kapwa." nakangiting sabi nya. Pinagmasdan ko lang sya habang nagke-kwento sya tungkol kay Seonjang, kitang-kita ko ang kislap sa mata nya. Gusto nya talaga si Seonjang. Pero gusto ko rin sya kaya kahit nagseselos ako hindi ako susuko. Nag-uumpisa pa lang ako. "Mapapa-aga nga pala ang foundation day natin no?" sabi nya. "Oo nga e. Mapapaaga din ang training namin." "Uyy good luck sa magiging laro nyo, talunin nyo ulit ibang school. Ano kayang events magaganap? 2 days ang foundation day diba?" nakangiting tanong nya "Oo 2 days. Baka katulad lang last year, may fun run tas konting games at mga booth." "Ayan nanaman sa mga booth." nakangusong sabi nya. "May problema ka ba sa mga booth?" "Wala naman hehe. Mema lang. Peace!" nakangising sabi nya at nag-peace sign pa. "Cute mo!" nakangiting sabi ko at pinisil ang pisngi nya ng bahagya. Nakita ko namang bahagyang namula ang pisngi nya. "Anong oras na pala?" tanong nya. Tumingin ako sa wristwatch ko para tingnan ang oras. "5:30 pm na pala. Naaliw ako sa kwentuhan natin. Uwi na tayo?" aya ko. "Sige. Baka hanapin na din ako samen." sabi nya at tumayo na mula sa pagkakaupo. Bumalik na kami sa kotse ko at nag-umpisa na akong magmaneho para ihatid sya sa kanila. Ilang minuto lang at medyo madilim na nang makarating kami sa kanila. Ipinark ko ang kotse ko sa harap ng bahay nila. "Thank you sa pagsama saken Antonette. Sana may susunod pa." nakangiting sabi. "Oo naman tsaka masaya ka naman kasama e. Sige ha baba na ako, mag-iingat ka sa pag-uwi." akmang aalis na sya pero nakalimutan nyang iunlock ang seatbelt nya. Dali-dali akong lumapit sa kanya para i-unlock sana ang seatbelt pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Aksidenteng naglapat ang labi naming dalawa kaya parehas lang kaming nakatitig sa isat-isa at hindi nagsasalita. Spell A W K W A R D "Ahh s-sorry." ilang na sabi ko at lumayo sa kanya. Dali-dali akong bumaba ng kotse ko at pinagbuksan sya ng pinto. "Thank you Jharix, byebye." sabi nya habang di makatingin ng diretso. Hinayaan ko syang makalayo pero tinawag ko sya ulit nang akmang bubuksan nya na ang gate. "Antonette!" pagtawag ko na agad naman syang lumingon. "Huh?" sagot nya. "I didn't mean to do that." pagtukoy ko sa halik. "No its okay. Wala yun. Sige ha? pasok na ako." ngumiti pa sya ng pilit saka pumasok sa loob ng bahay nila. "Anong di mo sinasadyang gawin?" gulat akong napalingon kay Seonjang na biglang sumulpot sa di kalayuan kung saan naka-park ang ducati nya. "Seonjang, anong ginagawa mo dito?" tanong ko. "Wala napadaan lang. Umuwi ka na, masyado ka nang ginagabi." sabi nya saken at naglakad sya pabalik sa nakapark nyang ducati at bumusina pa bago ito paandarin ng mabilis. "Napadaan lang daw. Wag ako Seonjang." nakangising sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan syang makalayo. Iiling-iling naman akong bumalik rin sa kotse ko at pinaandar na ito pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD