Trustless 11: IKAW BA ANG STAR SA STARBUCKS

2450 Words
Amos POV Kaka-park ko lang ng ducati ko sa parking lot ng school. Naglalakad ako papunta sa classroom habang tinitingnan ang wrist watch ko. Its already 7:04 am at mukha namang di pa ako male-late. Napadaan ako sa harap ng classroom nina Antonette at nakikita kong nakikipag-tawanan sya sa mga kaibigan nya. Nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa loob ng classroom. Nadatnan ko dun sina Raiden, Yasper, Mhico at Jharix. "Good morning Seonjang!" bati saken ni Yasper ng makaupo na ako sa arm chair. "Kanina, good ang morning ko ngayon hindi na, nakita ko nanaman mukha mo e." pambabara ko. "s**t Yasper grabe yung banat ni Amos, suntukan yan suntukan HAHAHAHA" humahagalpak na pang-aasar ni Raiden kay Yasper. "Suntukan? ito suntukan." iritang sabi ni Yasper at pinakyuhan si Raiden. "Good morning class!" sabay silang nanahimik at tumingin sa lecturer na kakarating lang. "Good morning Ma'am." sabay-sabay na bati nila maliban saken. Katamad magsalita e bat ba? "I have an important announcement." pahabol pa nito. "Nag-meeting kami last Friday patungkol sa gaganaping foundation day natin at ang sabi ng ating director ay mapapa-aga ang inyong foundation day. Gaganapin ito next week din agad." mahabang sabi ng lecturer. Kanya-kanya namang react ang mga kaklase ko. "Shems! bakit daw po napa-aga yata?" classmate 1 "So meaning mauuna ang foundation day sa exam na kung tutuusin e yun yung relaxation natin matapos ang exam sa first semester." sabi ni classmate 2 at sumimangot pa. "Wala tayong magagawa dahil director na ang nag-decide. Magme-meeting naman siguro ang mga classroom officer with the student council officer so sila na lang ang bahala na magbigay sa inyo ng details for the foundation day. Okay, so let's start the discussion." yun lang ang sabi ng lecturer at nag-umpisa ng mag-discuss. Kung tutuusin okay lang naman kahit maaga maganap ang foundation day ang nakaka-hassle lang dito ay mapapa-aga rin ang practice namin ng basketball. After ng ilang minutong discussion ay sinabi ng teacher na mag-groupings daw kami. "Count 1 to 5, magsisimula sayo." turo ng lecturer sa kaklase naming nasa harap. Ilang counts pa ang hinintay namin at "1" sagot ng katabi ko. "2" sagot ko naman. "3" sagot ni Raiden na nilingon ko pa. "Apat" tagalog na sagot ni Yasper. Kahit kelan papansin talaga. "5" matinong sabi naman ni Mhico. Nilingon ng lahat si Jharix na busy habang naka-kunot ang noo na nakatingin sa phone nya. Nasa last row na kami at sya na lang ang hindi pa sumasagot. Mukhang lutang yata, dahil walang alam sa nangyayari sa paligid nya. Nakakunot pa nga ang noo na animoy naiinis sa kanyang nabasa. "Kuya Jharix, ikaw na susunod na bilang." pag-agaw ni Mhico sa atensyon nya. "Ohh sorry, anong last count?" tanong nya at itinago ang phone sa bulsa "Number 5 ang last count." sagot ni Mhico. "6!" confident na sagot nya. Nagsitahimikan muna ang mga kaklase ko at maya-maya ay nanguna sa paghagalpak ng tawa si Yasper. "HAHAHAHAHA lutang ka Bro?" tumatawang sabi ni Yasper habang tumatawa rin ang mga kaklase namin pati lecturer namin nakitawa na rin sa lutang moments ni Jharix. Nakatingin lang sya samen at sa mga kaklase namin na may halong pagtataka. "Bat kayo tumatawa?" nagtatakang tanong nya. "1-5 ang counting Jharix. Kung makasagot ka naman ng 6 bigla bigla. Okay ka lang?" natatawang sabi ko. "Ohh sorry." paumanhin nya. Sya talaga yung tipong approachable pero hindi masyado madaldal minsan. "Ohh, tama na yan class! tutal tapos naman na ang counting magsi-punta na kayo sa mga kagrupo nyo." yun lang ang sabi ng lecturer namin at nagpunta na nga kami isa-isa sa grupo namin. Binigyan kami ng lecturer ng kanya-kanyang topic at ang nakuha ng grupo namin ay "Global Warming" na laging topic ng lahat. Nag-brain storming lang kaming magkaka-grupo hanggang sa mag-bell at di na kami nakapag-report. Lumabas na ang lecturer namin. Vacant kami ng second subject kaya wala kaming gagawin kundi ang tumunganga nanaman. Bumalik na rin ako sa upuan namin ng team ko at kinuha ang librong binabasa ko sa bag. "Seonjang mamaya na yan, may ike-kwento ako sa inyo!" sabi ni Yasper at hinablot pa ang librong hawak ko. Pansin ko lang ha? Dati sobrang takot saken nitong si Yasper pero ngayon hindi na masyado. Hindi naman sa ayaw ko ng di sya natatakot saken sa tingin ko nga mas mabuti na yung ganto. Magkakaibigan kami pero kung ituring nila ako parang boss nila, parang ayaw ko na rin ng ganun. "May ike-kwento nga sabi ako, makinig kasi kayo." iritang sabi ni Yasper dahil di namin sya pinapakinggan. "Ohh heto! kwento mo yan sa Tinapay" sabi ni Raiden at inabutan pa sya ng pinag-ong na tinapay. Note: Sikat po ang pinag-ong sa Quezon, masasarap din po sila gumawa ng ganung tinapay. Wala lang nag-promote lang ako hehe. "Bwisit ka talaga Raiden, panira ka ng moment kahit kelan. Makakatulong yung ike-kwento ko kay Seonjang at kay Jharix." inis na sabi ni Yasper. Sabay naman kaming napatingin ni Jharix sa kanya. "Anong kinalaman namin sa ike-kwento mo ha Yasper?" sabi ko. "Pano naman kami matutulongan nyan?" curious na tanong ni Jharix. "Tutal pareho naman kayong nanliligaw kay Antonette napanuod ko sa TV kahapon kung paano pakiligin ang mga babaeng nagugustohan at nililigawan ng mga lalaki." kwento nya. "Nanunuod ka pa ng mga ganun? Sa babaero mong yan?" sabi ni Raiden kay Yasper. "Tsaka di na kailangan ni Kuya Jharix ang suggestion mo, kasi may libro syang binabasa para mapasagot si Antonette." pagke-kwento ni Mhico. "Mas effective to! gawin nyo kay Antonette mamaya tingnan ko lang kung di yung magulohan kung sinong sasagutin sa inyo." full of confidence na sabi nya. Na-curious naman ako kasi syempre gusto ko rin namang makuha ang loob ni Antonette. Remember the pustahan? hmm. "Ehh ano ba kasi yang napanuod mo?" kunwaring hindi interesado na sabi ko. "Alam nyo ba yung pick up lines?" tanong nya samen. "Amputek! Lumang uso na yan e!" sabi ni Raiden. "Oo nga Kuya Yasper. Corny na yan ngayon!" reklamo din ni Mhico. "Teka bat ba kayo reklamo ng reklamong dalawa ha? Kayo ba may nililigawan dito? manahimik nga kayo!" iritang sabi ni Yasper na tinawanan lang naman nung dalawa. "Pick up line ano yun?" curious na tanong ko. Never pa akong nagka-girlfriend kaya wala akong kaalam-alam sa mga ganyang bagay. "Pick up line Seonjang, yun yung babanat ka ng mga nakakakilig na pick up line para sa babaeng gusto mo." "Like for example?" tanong ko. "For example si, Raiden si Antonette tapos babanat ako na kunwari ako e isa sa inyo ni Jharix. Okay, sisimulan ko na, Antonette, liwanag ka ba?" hinintay ko na sumagot si Raiden pero nakatingin lang sya kay Yasper. "Ano ba Raiden sabihin mo bakit!" irita nanamang sabi ni Yasper. "Ohh sige bakit?" walang-ganang sagot ni Raiden. "Kasi simula ng makilala kita lumiwanag ang madilim kong mundo. Kyaaaaaaa! nakakakilig diba?" kinikilig na sabi ni Yasper habang nakatingin samen. Wala kaming naging reaksyon dahil mukhang tama nga si Mhico, corny nga. "Effective yun Seonjang, try mo mamaya kay Antonette ako magbibigay ng ibabanat mo sa kanya. Mukhang ayaw naman ni Jharix e." sabi ni Yasper. "No thanks Yasper. HAHA" natatawang sabi ni Jharix. "Basta Seonjang mamaya kapag nakita mo si Antonette ito sabihin mo sa kanya" lumapit pa sya saken at ibinulong ang pick up line na sasabihin ko daw kay Antonette. "Mukhang duda ako dun Yasper ahh." nagdududang sabi ko "HAHAHA promise Soeonjang believe me! Matutuwa at kikiligin si Antonette kapag sinabi mo yun sa kanya." "Hmm, sige na nga!" pagpayag ko. Wala namang masama kung susubukan ko e diba? Matapos ang pagke-kwento ni Yasper ay bumalik na kami sa kanya-kanyang ginagawa pero wala pang ilang segundo ay kinublit nanaman ako ni Yasper. "Seonjang, Seonjang!" tawag nya na may halong pagpapa-cute. "Ano nanaman?" iritang sabi ko. Kanina pa ako di makapagbasa dahil sa kanya e. "Nakakabadtrip pala noh?" "Nakakabadtrip ang alin?" "Yung... Alam mo yung nangungulangot ka tapos biglang may nakatingin, s**t Seonjang nakakabadtrip yun!" inis na sabi nya. Agad ko namang inihampas sa ulo nya ang librong binabasa ko. "Bwisit ka! Yun lang pala sasabihin mo nang-aabala ka pa. Wag mo na ako kausapin!" iritang sabi ko. Mga wala namang ka-kwenta kwenta pinagsasasabi kainis. Dahil tinamad na rin naman akong magbasa dahil sa pang-bibwisit ni Yasper nagscroll na lang ako sa phone. Habang nagi-scroll ako ng phone ay nagulat ako dahil sa paghampas ni Jharix sa arm chair nya tapos napansin kong namumula pa ang pisngi nya. "Anyare sayo Jharix?" gulat na tanong ni Raiden "Minention ako ni Antonette sa isang post! s**t Bro! Lumalakas t***k ng puso ko!" sabi ni Jharix at humawak pa sa dibdib nya. "Teka? Friend mo si Antonette sa f*******:? bat ako hindi? Sandale ia-add ko sya!" dali-daling sabi ko at sinearch ang pangalan nya matapos ay nag-send ako ng friend request. "Anong post ba yun Kuya Jharix?" tanong ni Mhico. "Sandali ito na nga, titingnan ko na." excited na sabi nya. Kami naman ay sabay-sabay na naka-abang kung anong post yun. Maya-maya sabay-sabay kaming nagtawanan dahil sa nakita namin. "anjuju picture ng baby lang pala HAHAHAHA, pa-heart react namanJharix Marquez patulong na rin sa pagmention pfft! Tulongan mo daw sya mag-mention! HAHAHAHA" tawang-tawa na sabi ni Yasper matapos basahin ang caption ni Antonette sa comment. "Lakas ni Antonette sa part na yun HAHAHAHA" komento ni Raiden. "Okay lang yan Kuya Jharix!" pagko-comfort naman ni Mhico kay Jharix na halos mamula ang tenga sa hiya. Antonette's POV Kakatapos lang ng first and second subject namin at andito kami sa canteen habang si Aera at Yanichi ay umo-order ng food namin. "Antonette, marami na ba nag-react sa picture ni Baby Tyrohn?" tanong ni Lav saken. Si Tyrohn ay pinsan ko at may sinalihan itong contest online. Uso yun ngayon e yung paramihan ng react sa sss. Nagmention ako kanina at hindi ko alam kung marami na ngang nag-react. Nag-open ako ng f*******: para icheck kung marami na nga bang react pero bigla na lang may nag-message request saken. Halos kumalabog ang dibdib ko nang mabasa ko kung sino yun. "Confirm mo ako, wag kang choosy!" sabi nya sa message. At sino pa ba ang lalaking bossy na kilala nyo, no other than Amos Rasper Rasiño. Pagkabasa ko ng message ay ina-ccept ko ang friend request nya at nagreply ng done. Binisita ko ang picture ni Tyrohn sa page at medyo marami na ring nag react. Umabot na sa 1.2K "Nag-mention din pala si Jharix." sabi ko kay Lav. "Talaga? Sweet talaga ni Jharix no? Always willing to help ayeeiii!" pang-aasar saken ni Lav at sinusugdot-sugdot pa ang bewang ko. "Ohh tama na ang harutan ito na ang pagkain nyo!" sabi ni Aera at Yanichi matapos ilapag ang merienda namin. Kumagat ako sa burger ko matapos ay tiningan ko ang phone ko dahil tumunog ang messenger nito. Binasa ko ang reply ni Amos. Amos Rasper Rasiño Alam ko kung saan ka nakatira! Napakunot ang noo ko dahil sa reply nya kaya naman nagtype ako ng irereply ko. Me Huh? Saan? Amos Rasper Rasiño Sa puso ko. Yiiiiie. Halos kiligin ako dahil sa banat nya. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil dun. Muli kong tiningnan ang conversation namin. Amos Rasper Rasiño CHAROT! HAHAHAHA Napasimangot ako dahil sa pahabol nyang message. "Mahina! Humaharot pero may halong charot! wala weak talaga yang si Amos! Team Jharix kami diba Lav and Yanichi?" sabi ni Humii na hindi ko alam e binabasa na pala ang usapan namin ni Amos. "Oo solid Team Jharix to!" sabi ni Lav. "Bahala kayo basta Team Amos kami ni Rean!" sabi ni Aera. "Tumigil nga kayo paparating na sila ohh!" saway ko sa kanila ng makitang papasok na sa canteen sina Amos. Tiningnan ko sila at nagtama ang paningin namin ni Amos, maangas lang syang nakatingin saken, lumipat naman ang tingin ko kay Jharix na nakangiti lang at kumaway saken. Nginitian ko naman sya pabalik. Napansin ko namang nakakunot ang noo ni Amos habang nakatingin saken ng masama. "Uyy girl papalapit sila dito!" bulong saken ni Rean. "Hala oo nga!" sabi ni Aera. "Hi girls!" bati agad ni Yasper nang makarating sila sa pwesto namin. "Hello hehe." awkward na sabi ni Lav. "May sasabihin daw si Seonjang kay Antonette." sabi ni Yasper. Napatingin naman ako kay Amos at inaabangan ang sasabihin nya. "Sinasabi ko sayo Bro wag mo nang ituloy!" bulong ni Raiden kay Amos na rinig na rinig namin. "Oo nga Seonjang, masisira image mo!" mahinang sabi ni Mhico pero rinig din namin. "Magsitigil nga kayong dalawa! Pinag-isipang mabuti ni Seonjang yung sasabihin nya kaya tumigil kayo!" saway ni Yasper sa kanilang dalawa. "Ano yung sasabihin mo?" tanong ko kay Amos. "Ahh... Antonete... Ikaw. Ikaw ba ang s-star sa s-star bucks?" nauutal na tanong nya, nagtaka ako sa tanong nya pero feeling ko pick up line yung sinasabi nya. "B-bakit?" utal na tanong ko pabalik. "K-kasi i-ikaw ang... S-star ng pasko." seryosong sabi nya habang namumula ang pisngi at nakatingin saken ng diretso. Loading.... Star sa Starbucks? Star ng Pasko? Anong connect? "HAHAHAHA Ano ba naman yan Amos! lakas naman maka-Roilite ng banat mo tapos wala namang connect." tawang-tawa na sabi ni Lav. Halos lahat sila ay nagtawanan dahil sa pick up line ni Amos na hindi ko alam kung san nya rin lang napulot. "Sabi sayo Bro e, duda ako sa mga binubulong nyang si Yasper sayo." sabi ni Raiden. Napatingin ako kay Raiden na halos mamula na kakapigil ng tawa dahil alam nyang mayayari sya ni Amos. "Wag nyo ngang pagtawanan si Amos!" saway ko sa kanila kaya naman sabay-sabay silang nagsitigilan sa pagtawa. Napansin ko rin kasing parang napapahiya na rin si Amos. "Don't worry Amos! You're still cute with your lame pick up line." nakangiting sabi ko. Nagulat pa sya sa sinabi ko pero agad din syang tumalikod, Hindi ko alam kong ako lang ba o napansin din nila na ngumiti si Amos na animoy kinikilig habang nakatalikod sya samen. "Cute ka dyan? Tumigil ka! O-order na ako ng merienda ko! dyan na kayo." sabi ni Amos at nag-walk out. Nang maka-alis sya ay agad syang sinundan nung apat. "Bye girls!" paalam pa samen ni Yasper..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD