HER POV
"Wake up, little vixen," naalimpungan siya sa mahinang yugyog sa kanyang balikat ng kung sino mang herodes na distorbo sa kanyang pagtulog.
"Uhmn," tangi niyang nasabi dahil ang sarap pa talagang matulog.
"Ayaw mo talagang maggising ha!" rinig niya namang sita sa kanya ng baritonong boses.
The next thing she felt that someone had kissed her lips.Nanunuya ang halik na tila pinaglalaruan ang ibabang labi niya sa pagdila at pagkagat-kagat nito.
Naalala niyang hindi pa siya nagsisipilyo kaya't agad siyang napadilat at nanlaki ang mga mata niya sa gulat na masumpungan kung sino ang herodes na umagang-umaga ay nagnanakaw sa kanya ng halik.
Nang makahuma sa pagkagulat, everything just clearly sink in her mind, nasa puder pala siya ng kuya-kuyahan.Her stepbrother had kidnapped her and brought her in this place.
She pushed him away from her.Mabuti na lang ay hindi na ito nanlaban pa sa kanya.Tumayo ito sa harapan niya na nasa baywang ang isang kamay nito.
"Good, ang hirap mong gisingin! halik ko lang pala ang sagot! did you like it?" naaaliw nitong sabi.
"Hah? really? feelingero!" agad niyang bangon sa pagkahiga.
"Does it hurts?" bigla naman naging seryoso ang hitsura nito na nakatunghay sa kanyang tuhod.
Isang iling ang kanyang ginawa.Maliban sa sugat na tuyo na ay hindi na gaano ito kakirot.Ginalaw galaw niya ang binti, hindi na masakit.
"Good! that means you can start working now!" agad nitong saad.
"Ha?" gulat niyang sabi.
"I am starving, magluto ka na ng breakfast natin!" turan pa nito sa kanya.
"What? you know eversince before na hindi ako marunong magluto, tapos ngayon uutusan mo ako, ano ako muchacha mo?" angal niya pa.
"Exactly!" he answered back.
"What? are you crazy? ako na anak ng mayaman gagawin mong alila mo, ano ka hilo? you can't force me!" tamad niyang sabi.
"Yes I can, alangan ako na lalake ang papalutuin mo, trabaho kaya ng babae ang pagluluto!" walang emosyong sabi pa nito.
She had enough of his words kaya't tumayo siya at inalagay ang isang kamay sa baywang at dinuro si Franz.
"Eh, alanganan naman ako, nakikita mo itong mga kamay ko ang lambot lambot at tingnan mo itong gel nail polish ko masisira kung pagtratrabahuin mo ako!" sabi niyang inuwestra pa sa ere ang isang kamay.
"Tskkk... madaling solusyunan iyan, tanggalin natin iyang nail polish mo!" wala sa sariling sabi pa nito.
"You are impossible, hindi basta-basta natatanggal ito, kailangan pa tayong pumunta ng parlor!" sabi pa niya.
"Iyon naman pala, hindi naman pala natatanggal agad so puwede ka ng magluto, you spoiled and lazy vixen!" agad naman nitong buwelta sa kanya.
"Ahhhhhhh.... anong gusto mo bang breakfast? baka imbes kakain ka ng masarap na pagkain, okay lang sa iyo na sunog ang luto ko o worst masusunog itong bahay kubo mo!" pananakot at pang-iinis niya pa kay Franz.
"Whatever, basta magluto ka na, Feliz... I am warning you, ayusin mo kung hindi.... mapipilitan akong itapon kita doon sa bukid kasama ng mga alaga kong ahas!" pinal nitong sabi bago naglakad pabalik sa silid nito.
Bigla naman siyang nahintakutan.Sa lahat ba naman ng hayop, ang pinkaayaw niya ay ang ahas.
Bigla siyang natahimik at nag-isip kung paano sisimulan ang pagluluto dahil hindi niya talaga alam kung paano.
Sanay siyang pinagsisilbihan siya ng mga katulong.Kahit nga lumapit sa kusina upang tumulong ay hindi niya pa ni minsan nagagawa.Kaya paano niya sisimulan ang pagluluto, ito pa naman ang kauna-unahang ipagluluto niya ang kanyang secret love.
"Haist!" napabuga na lang siya ng hangin sa desperasyon.Napapitlag pa siya ng biglang bumalik sa kanyang harapan si Franz.
"Dalian mo na malalate ka na sa klase mo ngayon, we still have to two hours to prepare, and by the way, your things are in the spare room already.I let Yaya Inday prepared for you," turan pa nito.
"Eh.... ano kaya bili na lang tayo ng pagkain sa labas, at least sure ko masarap pa iyon kaysa sa iluluto ko," suhesyon niya pa.
"Ahas o magluto ka? move now!" hiyaw pa nito na ikinataranta niya.
Agad siyang humakbang papunta sa mini kitchen nito at nagsimula ng maghanap ng malulutong matinong pagkain.Binuksan niya ang ref nito na kasinglaki niya lang.In fairness, full-packed ang laman nito mula sa isda, karneng manok at baboy.May mga prutas at gulay din. May mga itlog, hotdogs, bacon and sausages.May beverages tulad ng fresh milk, juices at softdrinks.
Puno nga sa lamang ang ref ni Franz pero hindi niya alam ano ang lulutuin. Wala siyang dalang smartphone para magresearch na lang ng ready and easy to cook food.Sa huli ay kumuha na lang siya ng apat na pirasong itlog at hotdogs.
Kumuha siya ng bowl sa cupboard at nagsimulang buksan ang itlog.Kahit nga ang itlog ay hindi niya naggawang hindi mahalo ang tipak nito kaya iniisa-isa pa niyang tinanggal sa loob ng bowl.Pawisan na siya sa pagtanggal palang ng mga tipak ng itlog sa bowl.Nang matapos ay nilagyan niya ng asin at binatil-batil.
Sinunod niyang binalatan ang mga hotdogs.Pagkatapos ay tumungo na siya sa stove.Humanap din siya ng pan upang paglutoan niya.Problemado siya kung papaano ba buksan ang stove.Kahit saang parte na ng stove ang pinihit niya upang mabuksan lang ngunit bigo siya.
Tiningnan niya ang host ng stove kung saan ito nakakonekta.Naisip niya pihitin ang gas tank regulator, hindi niya alam kung tama na ba ang kanyang ginagawa.Sinubukan niyang pihitin muli ang stove at gayon na lang ang gulat niya ng bumuga ng apoy ang stove sa harapan niya.Napasigaw siya at agad din naman niyang tinakpan ang bibig upang hindi makaabot kay Franz.
Ipinatong niya ang hawak na pan sa burner at ipinainit ang ito.Nilagyan niya agad ng oil na nakita niya sa may condements counter sa gilid ng stove.Inuuna niya ang pagprito ng itlog, ibinuhos niya lahat ng binatil na itlog sa pan.
Naalala niyang wala pa pala siya nagsaing hindi pa naman siya marunong magtsansa ng sinaing."Ai. bahala na!" sabi pa ng isip niya kaya't naghanap siya ng kaldero upang paglutuan ng kanin.
Nagtagal siya sa paghahanap ng bigas kung saan nakalagay.Pagbalik niya ay umuusok na ang stove kaya't dali-dali niyang binaliktad ang nilulutong pritong itlog.Nadismaya siya sa nakita na sunog na sunog ang itlog.
Agad siyang kumuha ng plato sa cupboard at hinaon ang sunog na itlog.Dahil sa pagkatuliro ay napaso pa siya.Bigo man sa palpak na pritong itlog ay sumubok pa rin siya sa mga hotdogs.
Nilagay niya ang mga hotdogs sa pan at bigla na lang tumalsik ang mantika sa kamay niya kaya't napaaray siya.Agad agad siyang tumungo sa sink upang hugusan ang napasong kamay.Pagbalik niya ay sobrang usok na ng ibabaw ng pan at nagingitim na ang mga hotdogs sa sobrang sunog.
Napatulala na lang siya sa nakikitang sunog sa harapan niya.Sa gaanong ayos siya ng maabutan siya ni Franz. Agad nitong pinatay ang stove at hinaon ang sunog na sunog na mga hotdogs sa plato na pinaglagyan niya ng sunog din na itlog.
"Ano ka ba susunugin mo talaga itong bahay ko?, napakatanga mo talaga babae ka, wala ka talagang pakinabang Feliz!" sa galit na tonong sabi pa nito.
"Sabi ko naman kasi sa iyo na hindi ako marunong magluto, eh, mapilit ka!" sabi pa niya na maluha-luha na habang hawak hawak pa rin ang kamay na may paso.
Agad naman umiba ang timpla ng mukha ni Franz ng malipat ang mga paningin nito sa kanyang kamay.Hinawakan nito ang kanyang kamay na may paso at nagulat siyang hinila siya nito palapit sa sink at agad na pinahiran ng toothpaste ang palibot ng nasaktang kamay.
"Thank you, Franz! sori kung hindi ako marunong magluto paano ba iyan itapon na lang natin iyang luto ko, sunog eh!" naiiyak niyang sabi.
"Who says I will throw those burnt hotogs and eggs!" saad pa nito na kumuha ng dalawang tinidor sq cupboard at binigyan siya ng isa.
"Let's eat!" turan pa nito sa kanya na nauna ng kumuha ng sunog na hotdog at dinala agad sa bibig nito.
"Masarap naman kaya lang na overcooked mo!" nangingiti nitong sabi sa kanya at kumindat pa.
Napairap naman siya sa sinabi nito.Ngunit deep inside her ay nagdidiwang ang kanyang puso at isipan na at least na-appreciate ni Franz ang luto niya kahit sunog.
Kumuha na rin siya ng hotdogs at nakisabay kay Franz sa pagkain. Ngayon lang siya nakakain ng sunog na fried eggs at hotdogs, akala niya hindi masarap.Masarap pala kung kasama mong kumakain ang ganito kagwapong nilalang sa tabi mo na ngayon niya lang na napansin na topless pala ito.