HER POV
"Go change your outfit, you little temptress, gusto mo yatang magahasa sa ikli ng damit mo, maghubad ka na lang kaya!" maotoridad at galit na sabi sa kanya ni Franz ng lumabas siya sa kanyang silid upang sumama na kay Franz papuntang university.
Dali- dali siyang bumalik sa kanyang silid at sinipat ang kanyang hitsura sa whole body mirror na nakasabit sa gilid ng pinto.Wala namang masama sa kanyang suot dahil nakasanayan niya ng magsuot ng mini skirt at crop top na kita ang kanyang pusod. This is her usual outfit magmula noon at hanggang ngayon.
Hindi niya maintindihan si Franz kung bakit pinagpapalit pa siya ng damit. Kahit maghalungkat pa siya sa kanyang baggage ay halos mini skirt at crop tops ang mga naihandang damit ng kanyang yaya Inday.Alangan namang magsatin pajama siya papunta sa university. Baka mawalan siya ng magandang pangalan sa larangan ng fashion.
Isa pa naman siya sa mga trend setters at hinahangaan ng buong university dahil sa magaling niyang pagdala ng kasuotan. Her name sparkle and shine anywhere else in the whole campus at hindi siya makakapayag na masisira lang iyon dahil sa seloso niyang kuya-kuyahan.
Nagmartsa siya palabas ng kanyang silid na taas noo. She was born stubborn and she would gladly stay with that reputation. Hindi ang isang tulad ni Franz ang makapagpatiklop sa kanya upang maging sunod- sunuran sa ano man ang naisin nito. Bagama't crush o mahigit pa ang pagtingin niya dito ay hindi niya gustong kinokontrol siya nito.
"Let's go," sabi pa nito na nakayuko at abala sa pagtipa sa smartphone nito na hindi man lang siya tinapunan ng tingin kaya't dali-dali siyang lumabas ng main door ng bahay kubo nito.
Tangka niya ng bubuksan ang pinto ng passenger seat ng may puwersang humila sa kanya.Muntik pa siyang mabuwal sa lupa kung hindi lang siya maagap na kumapit sa matikas na braso ni Franz.
"Do you think you can go out with that b***h w***e like outfit? Huh? para kang pokpok sa bar na nakulangan sa tela!" malakas na hiyaw ni Franz sa kanya na pati ilong nito ay nagbabaga sa init at pagkapula.
"Ano ba bitiwan mo nga ako! Anong pinagsasabi mo diyan? this is the trending fashion nowadays palibhasa sinauna kang tao, kaya sa tingin mo bastusin tong damit ko!" ganti at paghahamon niya pa.
"Ah ganun, so okay lang na masilipan ka at pagpiyestahan ng mga kalalakihan na makakakita sa iyo dahil nga sabi mo style iyan? tsssk... poor fashion trend! Kahit latest style pa iyang suot mo wala akong pakialam basta sundin mo ang sinasabi ko!" suplado nitong sabi.
"Anong pakialam mo at sino ka ba? sila daddy at tita nga hinahayaan lang ako sa gusto ko," himutok niya.
"Go back inside and put on some descent clothes, baka hindi ako makapagpigil ay kakaladkarin kita doon sa bundok kasama ng ahas!" nanakot nitong sabi.
"Eh, wala nga akong matinong damit, lahat ganito!" nalulungkot niyang saad.
Bigla namang natahimik si Franz na nakatunghay lamang sa kanya.Kung kanina ay mahigpit ang hawak nito sa kanyang braso ay bigla na lang siya nitong binitiwan at hinubad ang suot nitong blazer suite at ipinasuot sa kanya.Nagmumukhang whole dress na maluwag ang blazer sa kanya lalo ng ibutones ni Franz ang harap nito.
"This one looks descent enough for you! let's get going," sabi pa nito at pinasakay na siya sa front seat ng kotse katabi nito.
Agad nitong pinaharurot ang sasakyan ng mabilis kung kaya't muntik na siyang mabuwal sa tabi ni Franz mabuti na lang ay napihit agad ni Franz ang manobela upang mahinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"Stupid vixen!" agad nagpanting ang tenga niya sa narinig mula kay Franz.Palagi na lang siya nitong minumura ng ano- ano, ganyan na ba kababa ang tingin nito sa kanya?
"Eh, kung hindi ka nagover speed hindi ako mabubuwal sa iyo, at saka wala ka na bang ibang masasabi sa akin kung hindi mura at panglalait!" ganting hiyaw niya kay Franz dahil punong-puno na siya sa inis dito.
"You forgot to fasten your seatbelt, your highness? Is that a wise action hindi ba't may katangahan!" nanunuya nitong sabi pagkatapos ay biglang lumapit sa kanya.
Akala niya'y hahalikan na siya muli ni Franz ngunit hinila lang pala nito ang seatbelt sa gilid niya upang ikabit sa kanyang katawan.
"Next time be aware when you get in the car, first and foremost, wear your seat belt, is that clear?" mariing sabi nito na ilang pulgada lang ang layo ng mukha nito sa kanya kaya't naamoy niya agad ang minty fresh na hininga nito.
"Eh, paano? you drive the car right away, hindi mo man lang qko binigyan ng moment na maihanda ko ang aking sarili bago mo patakbuhan ang kotse!" reklamo niya pa.
"Eh, paano ba naman ang tagal tagal mo magbihis tapos kulang pa sa tela iyang suot mo, ilang minuto na lang late ka na at ako rin sa appointment ko!" pahayag pa nito na kinurot ang dulo ng kanyang ilong at agad na binaling ang atensiyon sa pag-andar muli ng kotse.
Kung para kay Franz walang epekto ang pasimpleng hagod nito sa balat niya, sa kanya ay bolta-boltaheng epekto ang agad na dumaloy sa buong mukha niya. Mabuti na lang ay ibinaling nito ang mga paningin sa harapan kung hindi ay makikita nito ang pangangamatis ng kanyang mukha.
Kunwaring sinisipat sipat niya ang kanyang ayos sa suot na oversized blazer upang maitago ang pamumula ng kanyang mukha.Baka mahuli pa siya nito, lagot na.Hindi pa siya handang ipaalam kay Franz ang totoong nararamdaman niya dito.
Mabuti na lang ay kay lamig sa loob ng kotse ni Franz kaya't hindi siya naiinitan sa suot niya.Sige lang, pagbibigyan niya ito sa gusto nito.Pero pagdating niya sa university ay tatanggalin niya ang suot na blazer dahil pakwari niya ay hindi lang siya pagtatawanan ng mga estudyanteng makakakita sa kanyang ayos, ay tiyak na maliligo siya sa sobrang pawis dahil ang kapal ng tela nito sa katawan niya.
Mayamaya ay bumaling sa kanya si Franz at sinipat siya mula ulo hanggang mukha.Tila nanunuyo ang kanyang lalamunan sa mainit at nakakahipnotismo nitong titig sa kanya.Hindi niya mawari kung ano ang iniisip nito sa kanya dahil sa pabago- bago ng ugaling ipinapakita sa kanya ni Franz.
Madalas galit at sinisigawan siya.Minsan naman biglang nanghahalik sa hindi niya alam na rason. Malabong may pagtingin din ito sa kanya dahil palagi siyang kinagagalitan at minamanduhan nito simula noon pa.
Madalas na walang pakialam sa kanya at minsan naman para siyang babasagin na kristal sa sobrang pag-alala nito sa kanya.Ngunit higit sa lahat, palagi itong against sa kanyang gusto kaya't walang oras na magkasama sila na hindi nagbabangayan.
Hindi nagpapatalo sa kanya si Franz at siya rin dito.Kung sa noon siya ang nananalo sa huli dahil namumutla si Franz sa tuwing inilalapit niya ang katawan dito.Subalit, nagtataka siya mula kagabi ay maangas na sa kanya ang kuya-kuyahan, hindi na ito natitinag sa kanya, bagkus siya pa itong unti-unti ng napapasunod dito.
"This can't be!" sabi niya sa kanyang isipan. Hindi niya puwedeng isuko na lang basta- basta ang kalayaang mayroon siya ngayon.Kahit gusto niya si Franz, dapat ito ang sumunod sa kanya.
"We are here! Go out now, I'll pick you up for lunch, you have no class in the afternoon, so be ready, and before I forget, don't you dare put off that clothes on your body, I have my ears and eyes outside, kaya hindi ka makapagsinungaling! Is that clear?" sabi pa nito ng maihinto na ang sasakyan sa labas ng gate ng university.
Nagpapasalamat siya dahil hindi bumaba ng kotse si Franz dahil kung nagkataon ay pagpipiyestahan ito ng mga kababaihan sa kagwapuhan nito. Isa kasi si Franz sa mga Adan na pinalad ng napakaperpektong mukha at pati na rin ng pisikal na pangangatawan.
Hangga't maaari ay gusto niyang siya lang ang magpantasya sa kanyang kuya-kuyahan. Oo, ngayon pa lang ay gusto niyang itago si Franz sa mga kababaihan lalo na sa kanyang siyam na mga kaibigan. Hindi alam ng mga ito ang tungkol kay Franz.
"Oo na po, masusunod na po kamahalan!" pang-uuyam niya kay Franz bago bumaba ng kotse.
"Bahala na nga!" anya sa kanyang isipan.Bahala ng pagtawan siya ng mga estudyante basta't mayroon siyang kuya-kuyahan na nagpapakilig ngayon sa kanyang buhay.