HER POV "C'mon let's have lunch, this is your prize for doing good today!" sabi pa ni Franz ng itinigil nito ang kotse sa harap ng isang korean restaurant. "Heh seyoso ka?" sagot niya dito. "Yeah, halika na at nagugutom na ako!" sabi pa nito na agad ng bumaba ng kotse at umikot sa kanyang puwesto at pinagbuksan siya ng pinto. Feel na feel niya talaga na mahaba ang hair niya sa pagiging gentleman ni Franz sa kanya. Kapag ganito si Franz sa kanya ay mas lalo lang siyang nahuhulog sa kagwapuhan at pagiging maasikaso nito sa kanya. Sabay silang pumasok sa loob ng restaurant na may ngiti sa kanyang labi.Hindi niya maiwasang kiligin dahil para silang magkasintahan lalo na sa pagiging clingy ni Franz na nakaalalay pa ang kamay nito sa kanyang likuran kulang na lang ay isablay nito ang braso

