HER POV Napapayag niya si Franz na hindi na pumasok sa loob ng campus sa kondisyon na maghihintay ito sa parking lot ng university.Nagmamaktol siya sa inis ngunit pumayag na rin siya basta sabi niya na manatili lang sa loob ng kotse at huwag itong basta bastang lumabas. Noong una ay nakipagtalo pa ito sa kanya kung bakit ayaw niya itong palabasin ng kotse.Ngunit ng takutin niya itong hindi siya sasama kay Franz mamaya pauwi sa kubo ay bigla- bigla na rin ito natahimik.Nakahinga naman siya ng maluwag dahil nakita niyang nilabas na lang nito ang headset ang kinabit sa magkabilang taenga at nakinig ng musika mula sa spotify. Mabilis siyang naglakad patungo sa building ng kanyang klase na ng architectural history.Architectural history studies the evolution of architecture over the centurie

