Salamat naman at tatlong buwan ng dinadala ng aking asawa ang bunso naming anak at naging okay na ang kanyang kalagayan. Hindi na nahihilo at bumabalik na din ang kanyang dati na katawan. “Mahal, bakit parang ang tahimik mo?.” Tanong ko sa aking asawa na dalawang araw ng hindi ako kinikibo, madalas itong may toyo kaya pinababayaan ko lang dahil baka dala lang ng kanyang paglilihi. “Fran, bakit hindi mo na ako ginagalaw? Dalawang buwan na.” Gusto ko sanang matawa sa tanong ng aking asawa, pero dahil seryoso ito, pinigil ko ang aking tawa. “Okay naman na ako Fran, hindi naman ako mahihimatay kahit makatatlo pa tayo. Nakaraan ko pa gustong-gusto pero lagi ka namang tulog, mahal mo pa ba ako Fran, o may pinag-iinitan ka ng iba?.” Umiiyak na ang aking asawa kaya parang nakokonsensya ak

