“Love, usapan ka na naman sa palengke. Kausap mo daw yung dating Mayor?.”
Tanong ko sa aking kapatid na nagpapacute sa harapan ng camera.
“Oo ate, syempre kakilala ko naman yun, alangan naman deadmahin ko. Same school lang kami, tsaka mabait naman yun ate.”
Hindi na ako muling umimik pa sa aking kapatid. Inabot ko lang sa kasambahay ang mga dala ko na ilalagay sa refrigerator at pagkatapos ay dumiretso na ako sa aking silid.
Sumapit ang gabi, kumain lang kaming tatlo nila tatay at natulog.
“Ate, mamaya ay aalis ako ha? Pupunta ako sa birthday ni Karren. Sasama ka ba?.”
“May trabaho ako Love, ang aga-aga yan iniisip mo. Mag-isip ka kung paano kikita ng pera. Hindi puro na lang cellphone at make-up ang hawak mo. Nag-aral ka pa, hindi mo naman pala gagamitin ang tinapos mo.”
Tuloy-tuloy na sermon ko sa aking kapatid na hindi na umimik pa. Alas otso pa lang ng umaga at hindi pa kami nag-almusal man lang, tapos ang iniisip kaagad mag lakwatsa.
“Hula ko ate, magiging matandang dalaga ka. Ang sungit mo pa, kaya ang mga lalaki takot lumapit sayo ‘e.”
“Kung ang lalapit sa akin si Blake, hindi pa nagsasalita susunggaban ko na kaagad.”
Sagot ko sa aking kapatid habang nakangiti. Matagal na taon na ang lumipas, pero umaasa ako na tutuparin niya ang kanyang pangako na babalikan niya ako. Kung hindi man lang siya, wag na lang.
“Hay nako! Nangangarap ka na naman ng gising ate. Yung payatot na puro bakod ang ngipin na lalaki na yun, mukhang hindi na alam ang daan pabalik dito. Baka nga dosenang anak na ang meron yun ‘e. Umaasa ka pa na babalikan ka.”
“Ang panget mo ka bonding ano? Sa palagay mo, may lalaki ba na taga dito na pasok sa panlasa mo?.”
Tanong ko sa aking kapatid na mukhang nag-iisip, matagal ko na tinitigan bago ngumiwi at umiling. Natawa ako sa reaction niya na parang diring-diri.
“Oh, ano? Hahahaha! Sabi sayo ‘e.”
“Kinilabutan ako ate, mabuti na lang talaga miss friendly lang ako. Di ko bet mga lalaki dito sa atin. Merong maayos sana ang mukha, mama's boy naman. Yung iba na tambay mga mukhang patapon. Kaya baka mag matandang dalaga na lang din ako. Si Geo sana ‘e, kaso daming problema sa buhay kaya automatic pass.”
Hanggang sa nagtatawanan na lang kaming mag kapatid at magana na kumain. Ganito naman kami madalas, nagtatalo pero ang ending nagkakasundo din. Wala naman sigurong masama kung mag set kami standards namin para sa gusto namin na lalaki hindi ba?.
“Aalis na ako Love, tulungan mo ang kasambahay maglinis ha. Wag kang uupo-upo lang. Do something na kapaki-pakinabang.”
Sigaw ko sa kapatid ko habang ako ay pasakay na sa motor ng isa naming tauhan. Magpapahatid na lang ako dahil mukhang abala si papa sa bukid ngayon.
Pagkababa ko pa lang sa palengke ay pila na kaagad ang mga mamimili.
“Heart bakit ang tagal mo? Pasado alas otso na ng umaga.”
“Pasensya na kayo, hindi ko namalayan ang oras.”
Sabi ko sa mga mamimili sabay bukas ko ng tindahan at binuksan ko na rin kaagad ang CCTV.
“Do you have crackers?.”
Buo at malaking boses ng kung sino na lalaki kaya napalingon ako. Bumilis ang t***k ng aking puso ng makita ko ang mukha nito.
“Excuse me, Miss?.”
Para akong napahiya na iniwas ang aking tingin, walang boses at salita na lumabas sa aking bibig. Tinuro ko ang hanay ng mga biscuits sa lalaki at sa cctv na lang ako tumingin.
Nakagat ko ang dulo ng hawak ko na ballpen habang nakatitig sa lalaki. Malaki ang pagkakahawig niya kay Blake, pero malaking lalaki ito at makisig. Posible kaya na ganito na rin itsura ni Blake ngayon?.
Umiling ako para alisin ang laman ng aking isipan. Sinasaway ko ang aking sarili dahil puro na lang ako pantasya. Kapag may ganito talaga na lalaking nanligaw sa akin, nako! Good bye Blake na talaga ako! Ayaw ko na umasa sa pangako niya. Ito na siguro ang tamang panahon para bumitaw.
“Thank you.”
Sabi ng lalaki sa akin ng nagbayad na siya. Parang hindi naman kaagad nawala sa isip ko ang kanyang mukha. Ilan na ang nagbayad sa kabilang counter dahil nga parang nabaon na ako sa malalim na pag-iisip.
“Heart, bakit ba nag-iiwan ka ng mamahalin na telepono dito sa gilid. Nako kang bata ka! Madedekwat ito ng iba.”
Sasagot pa sana ako kay Ate Allen ng biglang may tumawag sa cellphone.
“Sagutin mo na Heart.”
Nagkatitigan kami ng babae at umiling ako.
“Naka-ilang beses na tumawag Heart, baka siya ang naka-iwan. Sagutin mo na.”
Napabuntong hininga na lang ako bago ko oinadulas ang aking daliri sa screen ng cellphone.
“Hello?.”
“Oh! Thanks God. Can we meet?, kahit saan mo gusto, check the CCTV para makita mo mukha ko. Ako ang nakaiwan ng cellphone sa grocery ninyo.”
Sabi ng lalaki sa kabilang linya. Sinagot ko lang ito na tawagan niya ako sa number ko. Habang nire-review ko ang CCTV nasapok ko ang aking noo. Bakit ba personal number ang binigay ko sa lalaki?. Siya pala yung gwapong lalaki kanina na bumili ng skyflakes.
Kinakabahan ako ng sumapit ang hapon dahil makikipagkita ako sa lalaki. Hindi ko alam kung bakit ba ganito ang nararamdaman ko. Sinong hindi? Napaka-gwapo niya kasi talaga! Parang May dugo ng Briton.
“Heart, kasama ka ba sa lakad ni Love mamaya?.”
Tanong ng aking ama na iilingan ko sana pero tumango na lang ako dahil baka hindi pa ako payagan na dalhin ang cellphone ng lalaki kanina, lalo pa't hindi niya ito kilala.
“Opo, mauuna na ako.”
Paalam ko sa aking ama na tumango lang sabay halik ko sa kanyang pisngi at tumalikod na.
Sumakay lang ako ng tricycle para makarating ako kaagad sa Park kung saan sinabi ko na magkita kami.
“Hello, thank you for this. I'm Blake and you are?.”
Natulala ako sa lalaki, katulad kanina ay mukhang tanga na naman ako na nakatitig lang sa kanyang mata.
“Heart.”
“Heart ang name mo?.”
Tanong ng lalaki na medyo bulol pa mag tagalog. Tumango ako at wala naman akong maintindihan sa mga sinasabi niya, tango lang ako ng tango. Hanggang sa nagpaalam ako na uuwi na. Siya naman ay may pupuntahan pa daw na birthday. Sumakay lang ako ng tricycle hanggang makauwi sa bahay. Hindi ko na naabutan si Love at siguradong lasing na naman yun mamaya kapag umuwi.
“Bakit ang aga mo Heart? Nasaan ang kapatid mo?.”
Tanong sa akin ni tatay habang nagkakape sa kusina. Ako naman ay nag sandok ng pagkain at naupo sa hapag kainan.
“Hindi ako tumuloy sumama sa kanya, May kinausap akong tao.”
“Sino, bakit hindi ko alam?.”
“Matanda na ako tatay, sana aware ka doon.”
Pabalang na sagot ko sa aking ama sabay subo ko ng pagkain. Unang beses ko na sinagot si tatay kaya natigilan ito. Minsan kasi inaatake ako ng pagrerebelde ng aking isip. Gusto ko kasi magpahinga, isa pa nakakasakal ang magkaibang trato niya sa akin at sa kapatid ko.
“May kasintahan ka na ba na kinakatagpo?.”
Tanong muli ni tatay na hindi ko sinagot. Malapit na nga ako magpaalam sa kalendaryo ganito pa sya kahigpit.
“Good night tatay.”
Paalam ko sa aking ama sabay pasok sa aking silid. Diretso ako sa banyo at doon nagbabad sa aking bathtub. Halos naka-idlip na ako bago nag banlaw at nahiga ng muli sa aking kama. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil napagod din ang maghapon sa kakakwenta.
Nagising ako sa kalampag ng pinto, tumayo ako at binuksan ang ilaw. Ang kapatid ko lasing na lasing. Mukhang naligaw na naman ng silid. Una ang silid ko at pangalawa sa kanya, mukhang tinamad na naman at hindi na kaya makarating sa kanyang kwarto. At ngayon nakabaluktot na sa carpet.