Heart Hanson (POV)
Kanina pa lang pagdating ko, may nakita ako na sasakyan sa labas ng gate. Bago sa paningin ko dahil puro truck ang mga gamit ng tao dito at jeep, motor o tricycle. Kanina, sport car ang sasakyan.
“Kaninong sasakyan yun Love?.”
Tanong ko sa aking kapatid na nakatunganga pa na animo'y nangangarap.
“Ate, alam mo ba na ang gwapo ng lalaki na yun?. Grabe ate, mukha siyang Diyos ng mga binabasa ko na aklat. Greek God ate! As in!.”
“Sino ba yun?.”
Tanong ko sa aking kapatid na biglang sinabunutan ang kanyang buhok at naglupasay sa sahig namin.
“Ano ba'ng nangyayari sa’yo Love?.”
“Ate! Nakalimutan ko itanong ang pangalan at kung saan nakatira.”
“Ay sus! Makikita mo rin yun dito, sa palengke ka tumambay at tulungan mo ako doon.”
“Ate naman, ayaw ko nga sa palengke. Ang dami na natin trabahador bakit kasi ginawa mong tambayan doon? Ang baho-baho doon ‘e.”
“Dahil gusto ko tulungan si Tatay, ikaw kasi puro ka na lang pagpapaganda. Alam mo, kawawa talaga mapapangasawa mo. Bukod sa kanin na alam mo lang lutuin kapag may rice cooker, itlog na nilaga at prito at wala ka ng alam pa na lutuin.”
“Grabe ka ate, marunong ako mag laba ng damit! Sabi mo nga malinis ako maglaba hindi ba?.”
“Bukod doon?.”
“Wala na ate. Teka, bakit ba ako na naman nakita mo?.”
Tanong ng kapatid ko na lumapit pa sa akin at niyakap ako. Naglalambing na naman at mukhang may gusto na naman hilingin.
“Alam mo Love, si tatay kausapin mo d’yan sa pinaplano mo na hingiin sa akin. Nagagalit na sa akin dahil kinukunsinti ko daw ang katamaran mo.”
“Ate naman ‘e, gusto ko lang mag upgrade ng cellphone. Ang dami-dami mong pera ‘e.”
Paglalambing ng kapatid ko na hindi ko pinansin, mangungulit pa sana ito ng biglang lumabas si tatay.
“Ano na naman yan Love?.”
“Wala po Tay, naglalambing lang ako kay ate Heart.”
Gusto kong tumawa dahil sa sinabi ng kapatid ko na bunso. Pareho naman kaming takot sa aming ama, pero mas takot si Love kasi nga pasaway siya at madalas pagalitan ni tatay.
“Tara na Heart, mayroong deliver ng bigas ngayon kaya mag-aayos tayo ng bodega. Ang ibang paninda naman sa kabila na mga gulay, ayusin mo ang lista, lalo na ang mayroong mga utang pa sa atin.”
Sumakay na ako kaagad sa jeep ni Tatay habang nakasimangot si Love na nakaupo lang sa balkonahe ng aming tahanan.
Minsan hindi ko maiwasan na hindi mainggit sa kapatid ko. Siya na nagagawa lahat ng gusto niya, habang ako parang de numero na kailangan laging sundin si tatay. Siya na okay lang magkamali dahil sanay na daw si tatay, habang ako na kapag nagkamali panigurado mabubulyawan.
Habang tumatakbo ang sasakyan namin, ang daming senaryo ang biglang pumasok sa utak ko. Napapagod na rin ako sa negosyo ng aming pamilya, gusto ko rin mag bakasyon at mag pahinga mag-isa. Pero walang aasahan ang aking ama kundi ako lang. Napa-buntong hininga na lang ako.
“Anong iniisip mo anak?. May problema ba sa mga negosyo natin?.”
Tanong ng aking ama na mukhang mas inaalala pa ang kanyang mga negosyo kumpara sa akin.
“Wala po.”
Matipid na sagot ko sa aking ama na hindi na rin muling umimik pa. Pagdating namin sa palengke ay kaagad akong nagbukas ng aming malaki na pwesto. Bigasan talaga ito, at the same time, grocery na rin. Maraming nangungutang dito na maliliit na tindahan. Nagsimula rin kami sa maliit at umasenso na rin dahil sa sipag namin ni tatay. Kaming dalawa ang partner sa negosyo. Tapos ako ng pag-aaral at CPA passer ako. Pero pinili ko na gamitin sa sariling negosyo ang aking pinag-aralan. Wala naman akong aasahan sa kapatid ko na puro make-up ang madalas kaharap. Puro cellphone at laman ng bawat social media platform. Nakapagtapos nga ng edukasyon, ayaw naman magturo. Bakit daw siya magtatrabaho kung mas malaki pa daw pera naman kumpara sa sasagutin niya.
“Heart, pwede ko bang dagdagan ang listahan ko ng utang sa’yo?.”
Napalingon ako sa nagsalita. Sinilip ko ang aking ama at mabuti naman abala ito sa kausap niya sa telepono.
“Ate Gina, tatlong libo na ang utang mo at dalawang buwan na ‘to. Kung pauutangin ba kita ngayon kaya mong ipangako na magbabawas ka sa susunod na Linggo ng utang sa akin?.”
Tanong ko sa babae na tumango naman kaagad.
“Oo naman Heart, lalong hindi ako makakabayad sayo kapag hindi mo ako pinautang, dahil nagipit lang naman ako noong nakaraan dahil nga nagkasakit ang asawa ko.”
Tinitigan ko muna ang babae bago ako tumango at binigyan siya ng basket na lagayan ng kanyang uutangin.
“Panghahawakan ko ang pangako mo na yan sa akin Ate Gina ha.”
“Oo naman Heart. Ngayon lang naman ako nasira sayo.”
Sabi ng babae sa akin na tinanguan ko lang. Hinarap ko na ang computer dahil nag eenventory ako habang pasulyap-sulyap sa CCTV.
“Anak, si Gina ba nagbayad na sayo?.”
Hindi ko nilingon ang aking ama dahil alam ko na nakasimangot na naman ito.
“Akong bahala sa kanya Tay, kapag hindi nagbayad, ako ang magbabayad.”
“Alam mo anak, walang masama sa tumulong. Basta wag sa mga abusado ha?.”
Hindi ko na muling inimikan pa ang aking ama. Hindi naman siya madamot, minsan lang nga ay may topak. Ayaw magpautang. Hindi ko na nilingon at hindi na ako sumagot pa dahil ayaw ko humaba pa ang usapan.
Hanggang sa natapos na si Ate Gina sa kanyang mga kinuha at nilagay ko ang isang resibo na lagayan ng may mga utang sa amin.
Hindi ako tumitingin sa mga customers dahil abala ako, ang ibang cashier ang nag-aasikaso sa kanila. Lumipas ang maghapon ko na umikot lang ito sa tindahan.
“Heart, nakita ko ang kapatid mo kanina kausap si Mayor Geoffrey Villafuerte, yung ex-convict na dating Mayor ng Lungsod.”
Sabi sa akin ni Aling Sonya, ang tindera ng kabilang tindahan.
“Ano naman kung kausap ng kapatid ko?. Naghalikan ba, nakita ninyo? Kung hindi po ay mawalang galang na, manahimik na lang kayo. Sa ganyan nagsisimula ang gulo ‘e.”
“Maldita ka talaga kahit tatahi-tahimik ka, mabuti pa sayo si Love mabait kausapin at malambing.”
Sabi ng matanda sabay lakad palayo sa akin. Tahimik lang ako pero matalim ako magsalita at prangka. Hindi katulad ni Love na mahilig maglambing sa mga tao. Dahil siguro na baby namin ang kapatid ko na bunso at sa akin iniatang lahat ng responsibilidad dahil ako ang panganay, kaya ganito ako na mag-isip. Laging seryoso.
Isinara ko na ang tindahan katulong ang mga tindera at ilang lalaki na kargador namin. Nagpaalam ang mga ito sa akin kaya tumango lang ako. Sinimulan ko ng maglakad pauwi sa bahay namin, pwede naman mag tricycle pero mas gusto ko maglakad dahil nga maghapon ako nakaupo, wala akong exercise.
"Hi Heart, pwede ba kitang ihatid?."
Kahit hindi ako lumingon, alam ko sa si Randy ito, ang batugan na anak ni Aling Rosa, may mga paupahan kaya walang pakialam sa buhay total solong anak naman daw.
"Tigilan mo ako Randy, maghanap ka ng ibang makukulit, napapagod ako at masakit ang ulo."
"Kaya nga ihahatid na kita 'e."
Hindi ko na muling sinagot pa ang lalaki at naglakad na lang ako, binaybay ang kalsada patungo sa amin. Paglingon ko mula sa malayo nakita ko ang lalaki na pinihit na ang kanyang motor palayo sa akin. Ayaw ko sa lalaki na puro lang papogi, batugan naman at mama's boy. Gusto ko lalaki na may magandang trabaho at kayang bumuhay ng pamilya.