Kahit anong pangungulit ng mga kaibigan ko sa akin, wala silang napala. Sigurado naman ako na malalaman din nila ang lahat dahil kay ate Phen. Wala na nga akong sikreto na itinatago sa babae na yun ‘e.
Nilagay ko sa aking tenga ang earbuds na konektado sa aking smartphone, nag patugtog ako ng malakas at masayang awitin. Nagmamaneho ako ngayon patungo sa Sta. Elena, ang aking hometown. Gusto ko ipahinga ang katawan at isipan ko, para saan ba ako nagtatrabaho? ‘E sarili ko lang naman ang binubuhay ko.
Habang binabagtas ko ang daan na mahamog, sinasabayan ko ng pagkanta. Gusto ko makalimutan ang lahat at maging masaya.
“Fvck!.”
Mura ko ng bigla ko inihinto ang aking sasakyan sa gilid. Mabilis ko kinalas ang seatbelt sa aking katawan at saka binuksan ang pinto para lumabas.
“Hi, are you okay?. I’m—.”
Hindi natuloy ang aking sasabihin ng makilala ko ang babae. Si Love ito, ang isa sa kababata ko.
“Okay lang ako, natilamsikan lang ako ng konting baha. Pero ayos lang, kasalanan ko din naman gumigitna kasi ako sa daan.”
Sabi ng babae habang nakatulala sa mukha ko na akala mo ay batobalani.
“Sorry miss ha?. Ihahatid na lang kita. Saan pala ang punta mo?.”
“Nako h’wag na, nakakahiya naman. Mukhang dayuhan ka pa dito, baka naabala pa kita.”
Sabi ng babae sa akin habang nakatitig sa mukha ko. Sa aking palagay, hindi ako nakilala ng babae. Kaya magpapanggap na lang din ako na hindi ko siya maalala.
“Sige na miss, ihahatid na kita para paghingi ko na rin ng sorry dahil nabasa ko ang paa mo.”
“Ay sus! Para yun lang hahaha! Sanay ako d’yan, sa bukid ang trabaho ng pamilya namin.”
Sabi ng babae sa akin. Tinitigan ko ito ng mabuti, hindi naman mukhang hirap sa buhay. Halos lumuwa na nga ang s**o nito sa suot na damit. Makinis din ang balat at napaka sexy pa niya.
“Hoy! Nakatitig ka naman sa akin, parang gusto mo na akong kainin.”
“Pwede ba?.”
Tanong ko sa babae na tumawa ng malakas at hinampas pa ako sa braso.
“Sige na nga sasakyan na kita. I mean, payag na akong ihatid mo. Mukhang magkakasundo tayo.”
Napa-iling na lang ako na pinag-buksan ang babae ng pinto. Walang nagbago ang gaslaw pa rin nito kumilos at puno ng enerhiya ang katawan.
“Bakit wala ka'ng dala na payong Miss? Maulan at madilim pa ang langit, mukhang mas lalakas pa ang ambon.”
“Nako! Waterproof ako, don’t worry. Diretso mo lang ang daan ha, tapos kaliwa.”
Tumango lang ako sa babae, mukhang iba na ang daan. Lumipat na siguro sila ng bahay.
“Dito na lang ako! Salamat ha.”
“Dito ka nakatira?.”
“Ah, Oo! Dito kami.”
Sabay baba ng babae, nagulat ako na malaki na ang bahay nila. May bantay din sa gate kaya mukhang malayo na sila sa dati nila estado sa buhay.
Pagpihit ko ng sasakyan, sakto nakita ko si Heart papasok pa lang ng gate at may dalang mga sako bag. Nakasuot ang babae ng kupas na jeans at blouse. Walang pinagbago, simple pa rin ang babae manamit pero litaw pa rin ang ganda.
Nginitian nito ang isang tagapagbantay na nagbukas ng gate kaya lumabas ang kanyang maputi at pang model ng toothpaste na mga ngipin.
Biglang bumilis ang t***k ng aking puso na para bang gusto na nitong lumabas mula sa aking dib-dib. Unang beses na naramdaman ko ito. Mali, pangalawang beses sa magkaparehong tao. Noong bata pa ako at ngayon, tanging si Heart lang ang nagpapabilis ng t***k ng aking puso.
“Mapapasa-akin ka rin Heart.”
Wala sa sariling sabi ko sabay paharurot ng aking sasakyan at binagtas ang daan sa kanan na bahagi ng kalsada patungo sa aming farm.
Sinalubong ako ng ilan sa mga kasambahay, binati ko sila at halata sa kanilang mukha ang kasiyahan. Isa lang ang natatandaan ko dito. Si Ate Jane noon na ngayon ay nakangiti at naluluha na lumapit sa akin.
“Ate Jane.”
“Hahahah! Kilala mo pa pala ako.”
Sabi ng babae na parang naluluha pa ang mga mata. Kasambahay na rin ito noon, sa pagkakatanda ko ay panganay na anak ito ng isa sa kasambahay namin.
“Hindi ka na patpatin, hindi ka na rin maputla na puro bakal ang ipen. Sobrang gwapo mo na ngayon Blake!.”
Inakbayan ko lang ang babae at inaya na pumasok sa loob.
“Wala pa akong naluto na pagkain kasi naglilinis lang kami dito. Sa bahay kami kumakain para hindi na rin kami magkalat dito. Kung gusto mo, tara sa bahay doon tayo kumain?.”
Masayang sabi ng babae na tinanguan ko naman. Naglakad lang kami papunta sa bahay nila na nasa loob lang din ng aming farm.
“Asawa ko pala si Ronald. Si Sir Blake pala, amo natin.”
Magiliw naman ako na hinainan at inaasikaso ng mag-asawa na nalaman kong ilang beses na rin nakunan si Ate Jane kaya hanggang ngayon na medyo may edad na siya ay wala pa rin silang anak mag-asawa.
“Natatandaan mo pa ba ang mga kababata mo na sina Heart at Love?.”
Tanong ng babae na inilingan ko, kunwari ay hindi ko matandaan.
“Bakit po, Ate?.”
“Nako! Ke gagandang dalaga na ngayon. Parehong dalaga pa at walang kasintahan. Ewan na lang kay Love na laging nachichismis na lalakero dahil nga magaslaw kung kumilos at malapit sa mga lalaki. Hindi ba at noon pa naman ay ganun na yun? Kumpara kay Heart na parang hindi makabasag ng pinggan at laging guwardiyado ng kanyang ama.”
Napangiti ako sa kwento ng babae, gusto ko tumalon sa tuwa ngayong alam ko na single pala ang dalawang babae lalo na si Heart.
“Ang sarap pa rin ng luto na ginataan sa probinsya ate, sariwa kasi ang gulay at niyog ano?. Salamat Ate Jane, uuwi na ako busog na ako ‘e. Hahaha! Salamat Kuya Ronald.”
Paalam ko sa mag-asawa sabay lakad ko pabalik sa bahay. Pagpasok ko sa loob ay kaagad akong naligo. Nagsuot lang ako ng boxer shorts at tumayo ako sa harap ng malawak na terrace. Nilanghap ko ang sariwang hangin at pinuno ko ang aking baga bago ko ibunuga muli. Bukas din ay kailangan kong makalapit kay Heart, sa pagkakataon na ito kailangan na mapasa-akin na ang babae sa kahit na anong paraan. Sa taglay niyang ganda, hindi imposibleng marami akong karibal, at ayaw ko sa lahat ang nauunahan.