“Hello, Sir.”
Nabalik ako sa kasalukuyan dahil sa pagtawag sa akin ng kausap ko sa kabilang linya.
“Hello, Che.”
“Sir, Nakapag book po ako, kaso sa Wednesday pa Sir, okay lang ba?.”
“Yes, okay lang. Salamat Che.”
Sabi ko sa aking sekretarya bago ako nagpaalam at tinapos ang tawag.
Nakangiti ako na nahiga sa aking malambot na kama. Gusto ko na kaagad paliparin ang araw ng makapag bakasyon na ako ka agad.
__
“Good morning Ate Phen. Pakisabi sa ilang kasambahay na linisin ang silid ko. Mamaya paki-ayos ang malaki ko na maleta. Magbabakasyon ako sa Sta. Elena ng ilang Linggo. Gusto mo ba sumama ‘te?.”
Tanong ko sa babae habang inaasikaso nito ang aking plato at nilalagyan ng mga pagkain.
“Gusto ko sana, kaso walang maiiwan dito. Paano kapag biglang sumugod dito yung matandang malandi? Alam mo naman na takot ang ibang kasambahay doon sa mangkukulam na yun. Ikaw na lang muna, pagbalik mo ako naman ang magbabakasyon.”
“Saan ka naman magbabakasyon?.”
“Sa Batanes. May relatives daw doon ang Afam ko.”
“Ate, Isla yun. Hindi ka ba natatakot na baka patayin ka doon at itapon lang sa dagat?.”
“Punyeta ka Senyorito Blake! Ngayon lang nga ako nakapag-isip na tumikim ng luto ng langit tapos kokontra ka pa.”
“Hahahah! Sorry na ‘te iniisip ko lang kapag namatay ka doon mag-isa na lang ako. Kawawa naman ako.”
“Hindi ako mamatay doon, tikim lang ako ng luto ng langit. Hahaha! Wag kang exaggerated.”
Sabi ng kasambahay ko at parang kapatid na rin. Dinaan ko lang sa biro pero natatakot ako para sa babae, ayaw kong mapahamak siya.
“Isama mo ang isang kasambahay ate kapag aalis ka. Wala akong pakialam kung ano ang gagawin mo sa Isla na yun. Ang mahalaga sa akin safe ka. Tawagan mo ako kapag may mangyari na kutob mo hindi maganda.”
“Ang tagal na Senyorito, hahaha! Isa pa, hindi ka pa nga nakaka-alis ‘e.”
“Seryoso ako dito ‘te, wag kang tawa ng tawa.”
“Mag-asawa ka na Blake ng hindi ka nagkakaganyan.”
Hindi na ako muling umimik pa. Ayaw ko makipagtalo sa babae dahil malakas ito mang-asar. Baka mamaya masakal ko pa, tuluyan na ako mawawalan ng tao na mapagkakatiwalaan.
“Alam mo Blake, kapag araw ko na, araw ko na. Tigilan mo ang pag-aalala sa mga bagay bagay, hayaan mo na mangyari ang mga dapat mangyari. Nandito lang ako palagi nakasuporta sa’yo.”
“Bakit hindi ka na lang sa opisina ko mag trabaho ‘te?. Kailangan ko ng accountant dahil ang daming pera na kailangan i-liquidate sa ibang branches ko.”
“Tigilan mo ako Blake, sino ba bubuhayin ko, sarili ko lang naman hindi ba?. Kaya't okay na ako dito. Ikaw lang ipagluluto ko okay na.”
“Wala ka bang plano mag pamilya ‘te?.”
“Mauna ka muna, kapag okay ka na, mag-aasawa na ako.”
Sa sinabi ni ate Phen parang hindi ko malunok ang pagkain na nasa bibig ko. Sobra ang pag-aalala nito palagi sa akin, minsan nakokonsensya na ako dahil parang ako na lang palagi ang kanyang iniisip.
“Mas matanda ka ‘te, magsasara na matris mo. Dapat mauna kang mag-asawa.”
“Bigyan mo na lang ako ng pera, ipapa-injection ko na lang sa ibang babae ang magiging anak namin.”
“Ayaw mo maranasan na manganak ‘te?.”
“Ayaw ko nga, mawawasak pek-pek ko. Bigyan mo na lang ako ng pera total naman matagal na ang serbisyo ko sa’yo.”
“Paulit-ulit ‘te?. Bibigyan kita kahit magkano. Kapag nagbuntis ka ‘te bibigyan pa kita sampung milyon.”
“Seryoso yan?.”
Tanong ng babae na tinanguan ko. Hindi na ito muling umimik pa at mukhang nag-iisip. Totoo naman, kahit bilyon pa ibibigay ko sa kanya. Gusto ko na magkaroon din siya ng sariling pamilya, ako lalaki ako madali lang makahanap ng mapapangasawa pero siya, babae at nag e-expired din ang bahay bata.
“Bibigyan din kita ng house and lot malapit dito sa bahay ko sa araw ng binyag ng magiging anak mo.”
“Teka lang.”
Matipid na sabi ng babae at tumayo, ewan kung saan pumunta. Patapos na akong kumain ng bumalik ito, halos matawa ako ng ilapag sa lamesa ang papel.
“Hahahahah! Ano ‘to?.”
“Pirmahan mo, para kapag nabuntis ako at namatay ako sa panganganak hindi kawawa ang anak ko.”
Sabi ng babae na inilingan ko lang. Iba din talaga mag-isip ang babae na ‘to.
“Ouch! Damn!.”
Mura ko ng biglang sumakit ang aking dib-dib. Gumapang ang kirot sa buong katawan ko dahilan para napaupo akong muli sa kahoy na silya.
“Blake, anong nangyari?.”
Huling narinig ko na tanong ni Ate Phen bago ako mawalan ng malay.
“Mabuti naman at gising ka na. Tatawagin ko muna ang doktor, babalik ako kaagad dito.”
Sabi ni ate Phen habang ako ay nakatulala lang. Hanggang sa nagpaalam si ate Phen at kausapin ako ng doktor ay nakatulala lang ako. Parang walang pumasok sa utak ko na kahit na ano.
“Uwi na tayo ate Phen.”
Sabi ko sa babae na tinitigan lang ako gamit ang naawa na mukha.
“Kapag hindi tayo umuwi ‘te, tatakas ako mamaya.”
Sabi ko sa babae sabay tingin ko sa bintana. Ayaw ko mag-isip ng kung ano. Ang gusto ko lang sulitin ang buhay ko.
“Oo na! Nanakot ka pa!.”
Sabi ng babae na nginitian ko lang. Inismiran ako nito kaya hinila ko ang kamay kaya natumba, niyakap ko ang babae ng mahigpit.
“Ate Phen, bakit wala akong maramdaman na dib-dib?. Humarap ka naman.”
“Punyeta ka!.”
“Aray naman ‘te! Mahihiklas mo na ang anit ko ‘te. Tama na kasi.”
“Siraulo ka! Akala mo ha! Dapat lang yan sa'yo.”
Sabi ng babae na tinalikuran ako. Ako naman ay dinadama ang aking anit na sa pakiramdam ko ay nabunot na rin.
“Bro! Buhay ka pa?.”
Pagbati ng dalawa kong kaibigan na mga babaero.
“Ano ba ang ginagawa ninyo dito?.”
Pagsusungit ko sa dalawang lalaki na tinawanan lang ako.
“Tinawagan kami ni Ate Phen, nahimatay ka daw. Ano bro, ilang buwan ka na bang buntis?.”
“Gago! Lumayas nga kayo dito!.”
Sigaw ko kay Zyron at kay Fran. Tumawa lang ang dalawang ugok at naupo pa sa tabi ko sabay kain ng mga prutas na dala din nila.
“Ano ang findings ng doktor bro?.”
Seryosong tanong ni Fran na hindi ko sinagot. Si Tyron naman ay naghihintay din sa sasabihin ko. Hindi ko sila sinagot at ipinikit ko lang ang aking mga mata. Ayaw ko sagutin ang tanong nila dahil kahit ako magulo ang utak ngayon.