“Hala Fran, anong ginawa mo sa loob ng silid ni ate, ang gulo pa ng buhok mo huh?.” Nakakaloko na tanong ni Love sa akin habang karga ang kanyang anak na ilang buwan pa lang din magmula ng isinilang. “Ano sa palagay mo?.” Pilosopo na sagot ko sa babae na tinutusok ng kanyang hinliliit ang tagiliran ko. “Nakita ko si ate parang gagamba sa bintana, lalapitan ko sana kasi tumitirik ang mata, akala ko sinaniban na ‘e. Kaso nakita kita sa likod, para kang aso na labas dila hahahah!.” Pati ako nakitawa na din sa malakas na tawa ng baliw na babae. Nakakahawa ang good vibes na mga hirit nito kahit kailan. “Manahimik ka nga d'yan Love, napaka-chismosa mo talaga. Pasusuhin mo na lang yang anak mo na mukhang gutom na oh, inaantok na yata mas inuuna mo pa makipag-chismisan.” Masungit na sabi ni

