Sa loob ng limang na buwan, halos araw-araw akong nasa bahay nila Heart. Gusto ko na maramdaman niya na seryoso ako sa kanya, na gusto ko talaga siya. Pero napapansin ko na parang wala talagang gusto ang babae sa akin. Halos lipas lipasan lang niya ako sa sala at si Love lang talaga ang kumakausap sa akin. “Heart, magpapaalam sana ako sayo. Babalik na ako sa Palawan." Sabi ko sa babae na tinitigan ako nito sa mga mata. Ngumiti lang ako ng alanganin at inabot ang kanyang kamay. “Mag-ingat ka dito palagi huh?." Parang naiiyak na si Heart habang pinaglalaruan ko ang kanyang daliri. “Ang bilis mo naman sumuko Fran, limang buwan pa lang umaayaw ka na kaagad.” Nanginginig ang boses ng babae na para bang paiyak na. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinalikan ang kanyang noo. "Mamayang ha

